Nakayakap ako kay Raphael at ayaw ng bumitaw pa. Panay ang buntong hininga ko habang naglalaro ang aking daliri sa kanyang dibdib. "May gusto ka bang gawin ngayon?" tanong kong tiningala siya. Napakagat labi ako nang nagtama ang aming mga mata. Nakatitig pala siya sa akin. "Anong iniisip mo?" imbes na sagutin ako ay tanong niya. Hindi ko tuloy maiwasan ibaba ang tingin ko at muling mapabuntong hininga. "Gusto kong mag-swimming," pag-iiba ko ng usapan. "Nakita kong may private pool sila rito. Puwedeng rentahan. Mag-swimming tayo," pinasaya ko ang aking boses. Malawak ang ngiti sa labing muli siyang tiningala. Ngunit hindi man lamang siya tuminag. Hindi man lamang niya inalis ang mga mata niya sa akin. Tila kay bigat ng mga titig niyang iyon. "Saan ka talaga galing kanina?" Seryoso an

