Chapter 7

1914 Words
Naalimpungatan ako nang may gumalaw sa aking tabi. Nang magmulat ako, hubad na katawan ng nakatalikod na babae ang nabungaran ko. Kinusot ko pa ang mga mata ko para tiyakin na may babae nga talagang nakatayo sa gilid ng kama. "Morning handsome," bati niya sa akin nang lingunin ako. Ngayon ay tambad na ang hubad niyang bundok kaya ang aking kaibigan ay sumaludo at nauna ng nag-flag ceremony. Nakalimutan kong may inuwi pala akong babae kagabi. "What time is it?" walang gana kong tanong at pinapakalma ang aking kaibigan sa baba. Pagod at antok pa ako. Muli kong sinulyapan ang babaeng ngayon ay nagbibibis na sa harap ko. Nilagay ko ang braso ko sa aking ulunan habang pinapanood siya. Iba rin ang babaeng ito. Parang napakalakas pa ng enerhiya, samantalang siya halos ang gumalaw kagabi. Ilang beses niya akong sinakyan habang pinapaandar ko siyang parang kabayo. "It's time for me to go home,"sabi niyang lumapit sa akin. "Thanks last night," bulong pa niya saka yumuko para kintalan ako ng mabilis na halik sa labi. "See you around!" Mabilis siyang nawala sa paningin ko at hindi na ako binigyan ng pagkakataong makapagsalita pa para makapagpaalam man lang sa isang gabing pinagsaluhan namin. Hindi ko na kasi balak makipagkita pang muli, hindi ko na balak na magkaroon kami ng ugnayan ng babaeng iyon. One night is enough! Wala nang dapat pang kasunod. Inabot ko ang aking telepono sa side table para i-check kung anong oras na. Alas-diyes na pala. May oras pa ako para makapag-empake. Magtse-check out na ako mamaya. Mag-iiba ako ng hotel na tutuluyan. Bumangon na ako at agad na nagpunta sa banyo para maligo. Pinaragasa ko ang maaligamgam na tubig sa katawan ko. Tumagal pa ako roon dahil bigla akong nakaramdam ng hilo at biglang panlalabo ng aking mga mata. "Sh!t!" Napapukpok ako sa pader dahil mas tumindi pa ang pananakit ng ulo ko. Gusto ko na tuloy iumpog ito sa pader. Mukhang nasobrahan ko kagabi. Sobra sa alak, puyat at babae. Pumikit ako at pinakiramdaman ang sarili. Nakasandig ang ulo ko sa malamig na dingding ng banyo. Nang medyo humupa na ang naramdamang pananakit ng ulo, agad kong pinatay ang faucet at kinuha ang tuwalya para punasan ang katawan at buhok ko. Lumabas ako sa banyo na walang kahit anong tapis sa katawan. Tanging ang tuwalya lang na nakapatong sa aking ulo. Sumisipol-sipol pa akong naglakad na parang modelo. Para lamang biglang mapatda sa isang sigaw. "Bastos!" Napakunot-noo ako dahil mukhang pamilyar ang boses sa akin. Lumapit pa ako at walang pakialam na nakalantad ang macho kong katawan sa housekeeper. Nakatalikod siya at nakatakip ang mga palad sa kanyang mukha. Pilipina dahil sa lumabas sa bunganga niyang bastos daw ako. Napailing ako, hindi ko iyon kasalanan. Pumasok siya sa kuwarto ko e! Napalingon ako sa aking kama, mukhang ini-strip na niya iyon dahil wala na ang punda ng unan ko. Ako na lang sana ang gagawa niyon. Hihingi na lamang ako ng malinis na bedsheets pamalit. "I'm sorry, Miss, pero hindi ko kasalanan na makita mo akong hubad. I always put 'Do not Disturb' sign on my door, kaya ewan kung bakit pumasok ka pa rin." Naglakad ako patungo sa damitan ko at nanguha ng maisusuot. 'Di alintana ang babaeng hindi pa rin gumagalaw. Napapangiti na lamang ako nang mahuli siyang sumisilip sa kanyang mga daliri. Kaya lalo ko tuloy iniharap sa kanya ang katawan kong may saplot naman na, sa baba. Nang matanto niyang nakadamit na ako ay saka lamang siya nag-alis ng palad sa mukha at hinarap ako ng tuluyan. "Hindi ako papasok kung may nakalagay talaga, wala akong nakita at...w-ala akong nakita!" Lalong nadagdagan ang gitling sa aking noo. Nahulog ba iyon kagabi sa pagmamadali namin na makapasok sa loob? Muntikan  na kasi kaming hindi umabot sa kuwarto ko. Sobrang hot na hot ng babaeng kasama ko . Pinagmasdan ko ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Nang mapagmasdan ang mukha niyang namumula ay napangiti ako at umaliwalas ang aking mukha. "Hey, we meet again!" Bigla siyang bumaling sa akin at salubong ang kilay na tumitig sa gawi ko. Inalis ko ang tuwalya sa ulo ko kaya namukhaan niya ako batay sa naging itsura niya. Bigla kasi siyang sumimangot. "Ikaw na naman, Totoy?" Tinaasan ko siya ng kilay at humakbang palapit sa kanya. Napangisi ako dahil tila natataranta siya sa ginagawa kong paglapit. Tumigil ako ng ilang dipa sa harap niya. "Nagtatrabaho ka rin pala rito? Akala ko sa isang seniors  home lang?" Natawa ako sa tinging ipinukol niya sa akin. Tila may pagdududa iyon. Binasa ko ang labi ko sa pamamagitan ng pagdila dito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Hindi rin ako nagpaliwamag kung bakit alam kong sa seniors home siya nagtatrabaho. Baka akala ay stalker ako. Hindi naman. Sinundan ko kasi siya ng tingin noong bumaba siya sa unang pagkikita namin.  Nakita ko siya na sobrang bilis tinakbo ang isang building. Nakita ko rin sa harap nito ang pangalan na may nakalagay na senior homes. "Wala kang pakialam kung saan ako magta-trabaho!" singhal niyang lalong nagpangisi sa akin. Kung iba lamang ang taong nasa harap ko, malamang ni-report ko na at pinatanggal. Ang angas niya rin naman, halatang hindi niya ako gusto. Hindi niya maitago ang inis niya sa akin. "You are a stubborn old lady..." Napaatras ako nang tingnan niya ako ng matalim sa sinabi ko. Halatang nagpipigil siyang mainis sa pang-iinis ko. Sarap kasing inisin. I don't mean she's an old hag! It's the way she act. Ewan ko ba kung bakit kami pinagtatagpo ng babaeng nasa harapan ko. Ilang beses na kaming nagkakabanggaan, and every time we met, mas nagiging worst ang senaryo. This time, she  saw me naked. "Nandito na rin naman ako, puwede ka bang lumabas, Totoy at nang magawa ko ang trabaho ko." Imbes na sundin siya, naupo pa ako sa pandalawahang sofa at ini-on ang TV. Naringgan  ko siya ng malalalim na buntong hininga pero hindi ko siya pinansin. Nang hindi ko siya maramdaman na gumagalaw ay napatingin ako sa gawi niya. "You can go on, don't mind me," malawak ang ngiting saad ko. Iminuwestra pa ang kamay para senyasan siyang magpatuloy sa ginagawa. "Childish!" Dinig na dinig ko siya kahit bumubulong siyang parang bubuyog. Hindi ko tuloy maiwasang humarap sa kanya ng upo at pag-aralan ang kabuuan niya. Unang kita ko pa lang sa kanya ay nagandahan na ako. Para kasing napakainosente niya kahit halatang may edad na rin. Manang kasi talaga siya manamit at ang ayos niya, gaya na lang ngayon na naka-slacks siya at top na may logo ng hotel. Tapos ang buhok niya, basta na lamang niyang pinusod. Wala rin akong maaninag na make-up sa kanyang mukha. Hindi niya gaya ang mga ibang housekeeper na todo make up pa para presentable sa mga customer ng hotel. "Why working 2 jobs? Maraming binubuhay na pamilya? Anak?" tanong kong binalewala niya. But I don't want to stop asking. Tumayo ako at lumapit pa sa kanya, patapos na kasi siya sa pagpapalit ng kobre kama ko. "Kaya pala mukha kang laging pagod..." "Hindi ka ba nakakahalata, ayaw kitang sagutin dahil personal na ang mga pinagtatanong mo. Please, just mind your own business. I will do the same!" Padabog niyang inilagay ang unan sa ulunan ng kama at nagmamadaling naglakad palayo sa akin. "Aalis na ako, kung may reklamo ka, kausapin mo na lamang ang manager ko. Puwede mo akong ipatanggal kung gusto mo!" madiin niyang saad na nakapagpawi sa ngiting nakapagkit sa labi ko. May nasabi ba akong masama? Parang gusto ko lang naman na may mapag-usapan kami. Is it that too personal? Nagkibit-balikat akong bumalik sa pagkakaupo at napapabuntong hininga na lamang. "Liegh?" kunot noong sambit ko sa pangalan niya. I saw her name tag a while ago, beautiful name like the owner. Iyon lang ay mukhang bugnutin. Tipikal na matandang dalaga ang ugali. Sayang naman kung matuluyan. Mukhang may tyansa pa naman pero sa lagay ng ugali...ewan na lang. Ang sungit! Muli akong napangiti sa sarili, she's not that old, hinuha ko ay nasa early thirties lamang siya. Nagmumukha lamang talaga siyang manang at matanda dahil sa pananamit niya. But... I liked her. I liked the way she is. I mean she really look so innocent. Matandang inosente... I bit my lips while imagining her being so upset a while ago. Nakasimangot at hindi ko man lamang nakitang ngumiti. Ganito ba siya kahit sa ibang tao? No! I saw her smiling once. Sa mall at nakatingin siya sa mannequin na suot ang isang maganda at pulang dress. Nangniningning ang mga mata niya habang hindi halos maalis ang tingin niya roon. Kaya sinadya kong mabasa siya ng softdrinks na hawak ko. Sa itsura pa lang niya halatang gustong-gusto niya ang damit. Kaya minabuti kong bihin iyon para sa kanya. Sa tingin ko'y babagay sa kanya iyon. Iyon nga lamang, sinermonan pa niya ako at nag-walk out pa. Napasandal ako sa sofa at nilagay ang kamay sa ulunan. Parang ayaw ko nang umalis dito sa hotel na ito kung narito siya. Ewan ko pero tila naging interesado ako sa kanya. I want to know her well. I want her to smile more, gaya ng pagngiti niya dahil sa damit. Nasa ganoon akong pagmuni-muni nang makarinig ako ng katok sa pinto. Tinatamad akong tumayo para buksan iyon dahil hindi naman nagsasalita ang kumakatok. Pagkabukas ay bigla ang pagguhit ng malawak na ngiti sa labi ko. Binukas ko pa ng kaunti ang aking pinto. Nakatayo si Liegh sa harap ng pinto. Tumaas ang kilay ko dahil hindi niya ako matingnan ng diretso. Nakataas noo siya pero diretso ang mga mata niya sa pinto at hindi sa akin. "Yes?" Pinipigilan kong matawa dahil sa inaasal niya. Sinong childish sa amin ngayon? "May nakalimutan ako, iyong feather duster na hawak ko, n-nasa side table mo," saad niyang nakapagpanguso sa akin. Bumaling ang tingin ko sa sinabi niyang napag-iwanan. Naroon nga at nakapatong sa side table. "Puwede bang paki-abot na lamang? Ayaw ko na kasing pumasok pa." Naikiling ko ang aking ulo sa kanya. Inuutusan ba niya ako? Binuksan ko nang maluwag ang pinto ko saka pinag-ekis ang brasong nakatitig pa rin sa kanya. "You can come in and take it." Binigyan ko pa siya ng espasyo para makapasok siya kahit ang luwang-luwang naman ng lalakaran niya para kunin ang naiwan niyang duster. Bantulot pa siyang pumasok at napatitig lamang sa akin ng masama. "Hindi ako nangangain, bakit parang takot kang pumaso..." Padarag siyang naglagkad para kunin iyon. Sumunod naman ako pero pinuntahan ko ang aking pitakang kalapit ng duster niya. Bigla siyang napalayo sa akin nang magdaiti ang aming balat. "Aalis na ako." "Wait!" Hindi niya ako pinansin kaya hinabol ko siya at hinarangan bago pa man makalabas sa pinto ko. Kumuha ako ng isang daang Canadian dollar at inabot sa kanya. "Tip mo para sa paglilinis." Napatitig siya sa perang inaabot ko bago niya ako tingalain at taasan ako ng kilay. "Ganyan ka ba talaga magwaldas ng pera? Parang wala ng bukas ah! Bakit hindi mo na lang ipunin, Toy!" Nawala bigla ang ngiti ko sa labi dahil sa sinabi niya. Ngunit ipinagpilitan ko pa rin at inilagay ang tip sa kamay niyang bigla niyang hinilang muli. "Aanhin mo ang pera? Spend it habang meron pa. Habang kaya mo pang i-enjoy ang sarili mong gastusin ito!" Hindi ko mapigilang haluan ng bitterness ang bawat katagang sinabi ko. Dali-dali akong umalis sa harap niya at pabagsak na isinara ang pinto pagkaalis niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD