Hindi ko pinakita ang pananamlay ko kila Kristel at Brad. Ayaw ko silang mag-alala sa akin kahit halos mamatay-matay na ako sa muling pagbalik ng mga alaala, lalo na ngayon na sakay kami ng gondola. Ito kasi ang unang hiling ng anak ko na gagawin namin. Sakay kaming apat sa isang gondola. Ang anak ko ay galaw ng galaw at hindi mapakali sa mga tanawing nakikita. Paroo't parito siya at hindi natatakot sa taas ng kinalalagyan namin. "Look, nanay, momita, dada!" Nakasampa na siya sa upuan at itinuturo ang baba kung saan tanaw ang mga maliliit na bahagi ng tubig at puno. May usok pang nanggagaling sa katawan ng tubig dahil mga hot springs ang mga iyon. Nagkatinginan at nagkangitian kami ni Kristel habang si Brad naman ay abala sa pagkuha ng litrato. Kalimitan naman ay si Kristel at si Raph

