Nangyayari ang dapat mangyari. Bumabalik at nagtatagpo muli ang para sa isa't isa. At may maiiwan, hindi para malungkot kundi para magpatuloy sa buhay na masaya. Sa gabing iyon. Hindi na umuwi si Brad, rather I say na hindi na siya pinauwi ng maganda kong kaibigan. Muli silang nagkabalikan. Naintindihan na ni Brad ang kalagayan ko, kaya naman halos siya na rin ang tumayong ama-amahan ni Rapha sa kanyang paglaki. Halos sa bahay na tinitirhan na rin namin siya lumalagi. Gusto na rin kasi nilang bumuo ni Kristel ng pamilya kahit hindi muna maikasal. Uso naman dito iyon. "Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, dear Rapha, happy birthday to you!" Pagkanta naming tatlo sa anak kong nagse-celebrate ng ikaapat taon. May dalang cake si Kristel habang baloons ang hawak na

