Maingay! Sobrang ingay ng isang hagulgol ang naririnig ko sa kapaligiran. Ang tahimik kanina at payapa ngunit ngayon ay unti-unting umiingay. Tila tinatawag ang pangalan ko. "Liegh!" tawag sa pangalan ko. Kilala ko ang boses na iyon. "Liegh! Laban! Para sa anak mo, kay Raphaella!" muling sigaw ni Kristel. Anak? Raphaella? Napalingon muli ako sa paligid ko. Madilim ang paligid. Naroon pa rin si Raphael, nakangiti pa rin at kumakaway. Asan ba ako? Bakit narito ako imbes na kapiling ko ang aking anak. Ang kaninang magaan na pakiramdam ay parang kay bigat na. Ang buong katawan ko ay hindi ko halos maigalaw. Parang paralisado. Walang madama. Pinilit kong maigalaw ang namimigat kong mga mata. Pinilit ko rin igalaw ang mga daliri ko sa kamay at paa. Kailangan kong makabalik. Makabalik sa

