Pumasok kami sa isang maliit na silid. Namangha ako nang tuluyang bumungad ang itsura ng silid. Maganda iyon. Hindi katulad ng pina-book ko. Magpapabook rin pala, inabala pa ako. May isang table at malapit iyon sa malaking bintana na tanaw ang labas. Mukhang mamahalin dahil private talaga. May sarili pa yatang waiter na naroon. Paalis ito pagkatapos ayusin ang wine na nasa ice bucket. Hawak pa rin niya ako sa palapulsuan hanggang sa makarating kami sa mesang may tatlong upuan. Hinila niya ang isang upuan para sa akin. "Sit there!," sbi niyang itinulak ako bahagya para umupo. Parang aso na inutusan. Mas lalo akong nagpuyos sa inis. Pinanood ko siyang pinindot ang kanyang telepono at tila may tinawagan. Napaismid akong napasalumbaba na tumingin sa labas. "Yes, I'm here. Actually, we ar

