Liegh Nanatili pa rin akong nakatulala sa loob ng silid ni Rafael. Para akong natuklaw ng ahas eh, nakita ko lang naman iyon at hindi makagalaw ng ilang segundo. Nanghihina ang aking tuhod habang umaatras. Baka bigla siyang lumabas na walang saplot nang marinig kong wala na ang lagaslas ng tubig. Nasa desk na ako at kasalukuyang may kausap sa telepono noong lumabas siya sa kanyang opisina. Seryoso siyang naglakad palapit sa akin. Binaba ko ang telepono at tinakpan ang mouth piece nito dahil mukhang may ibibilin siya. "Prepare yourself. May lunch date ako mamaya. Isasama kita, paki-reserve ang place na ito." Nalaglag ang panga ko. Ano raw? "Okay, Ma'am. Yes I will contact you right away. Thank you," muli kong kinausap ang babaeng kliyente bago bumaling kay Rafael at sa papel na inil

