"Ako ang maghahatid sa iyo," bulong ni Rafael habang hapit ako sa aking beywang. Nagpaalam akong aalis na ngunit agad niya akong pinigilan at siniil ng halik. Kung hindi lang ako nakapagpigil at nagpakatangay na muli, baka hindi na ako makakauwi pa. Umiling ako. "Kailangan kong kausapin si Ken, Rafael. Ibigay mo sa akin ang pagkakataong ito, please," muki kong pakiusap. Kanina pa namin pinagtatalunan ito. Wala raw karapatan si Ken ng paliwanag ko dahil wala naman kami. Kung gusto ko raw ay siya ang magsasabi ng ugnayan namin. Sumimangot siya kaya hinuli ko ang mga labi niya para halikan. Ayaw niyang tumugon kaya gamit ang dila ko ay binuka ko ang kanyang bibig. Hindi ko pa nakakalimutan ang bawat natutunan ko. Nang tumugon siya ay napangiti ako sa aking sarili. Naglaro ang aming m

