Nasa hotel na kami ni Liegh at kasalukuyan akong nagpapahinga. Napagpasyahan namin na manatili doon ng isang gabi at uuwi na lamang kinaumagahan. Hindi ko rin talaga masisigurong safe ang pagda-drive ko at makakarating kami ng maayos at ligtas kapag pinilit kong makauwi agad. Nalungkot lamang ako dahil hindi masyadong nakapamasyal si Liegh kasama ko. Hanggang sa may view deck lamang kami at hindi na naglakad pa patungo pa sa itaas. Nagkasya na lamang si Liegh sa pagkuha ng litrato kasama ako. Nanonood si Liegh at pinagmamasdan ko siya. Nang pakiramdam ko ay dumilim ang paligid ko at muli, nasa isa akong lugar na sobrang pamilyar. "Tama na, umuwi na tayo!" saad ng lalaking kamukha ko. Nakasuot ng suit and tie. Tila galing lamang iyon sa opisina. Inaagaw ng nasabing lalaki ang isang b

