Raphael Apat na araw. Apat na araw na ang nakalipas at ngayon nga ay napagpasyahan namin na pumunta sa Banff. Medyo malayo-layong biyahe pero alam kong worth it naman. Tatlong araw na lang ang natitira sa usapan namin ni Liegh. May desisyon na ako at alam kong makakabuti iyon sa amin ni Liegh. Ngayon, tutok muna ako sa pagpapasaya sa kanya. Gawin ang mga bagay na hindi pa niya nagagawa. Ang mamasyal at pumunta sa mga lugar. Maging ako, may kung anong nagtutulak sa akin na pumunta sa lugar na iyon. Namamangha si Liegh sa hotel na tinuluyan namin. Parang palasyo ang disenyo nito. Alam kong ganoon iyon pero nakakamangha pa rin naman talaga kapag nakita na ng sarili mong mga mata kaya hindi ko masisisi si Liegh sa nagiging reaksiyon niya. Alam kong nakarating na kami sa ibang mga lugar nina

