Liegh's POV Katatapos lamang namin kumain at tanghali na. Naghuhugas si Raphael habang ako naman ay hindi mapakali. Napa-oo na ako kay Lira, pero hindi pa rin ako nakakapagsabi kay Raphael. "Raph..." "Hmmmm." Lumingon siya sa akin. "N-napag-usapan natin na walang trabaho hindi ba?" Tumango lamang siya kaya nakagat ko ang labi ko. "K-kasi..." Napanguso ako. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam kay Raphael na magki-cleaning ako ngayon. Hindi kasi matino amg utak ko kaninang kausap ko si Lira. "Tell me..." untag niyang umikot na paharap sa akin. May sabon pa ang mga kamay niyang humalukipkip at matamang tumitig sa gawi kong nakaupo pa sa dining area. "Hindi naman kita binitin kaya..." muli akong napakagat sa labi bago magpatuloy. "Papayagan mo naman siguro ako?" pasimula kong na

