Raphael Nasa madilim akong lugar. Maingay! Mausok! Tila nagkakagulo dahil may mga nagsisigawan at nagtatakbuhan. Kitang-kita ko ang dalawang bulto ng tao. Duguan. Parehong nakabulagta at walang malay. Nanginginig akong lumapit. Gusto kong makita ang mga mukha nila... Pipihitin ko palang paharap ang isang lalaki ay biglang nag-iba ang paligid ko. Naging puti ang mga dingding. May isang lalaking nakaratay sa isang kama. Maraming nakalagay na aparato. Lalapitan ko sana ang lalaki nang biglang bumuka ang lupa. Unti-unti akong nilalamon. Unti-unti akong nahuhulog. Wala akong makapitan. Sumigaw ako para humingi ng tulong ngunit walang boses na lumabas sa bibig ko. Ito na ba ang kamatayan ko? Dito na ba ako magtatapos? Bumalikwas ako ng bangon. Pawis na pawis ako at tuyong tuyo ang lalamuna

