Chapter 1

1482 Words
Pinapadyak-padyak ko ang aking mga paa habang magkasalikop ang aking mga daliri sa kamay, panay ang tingin ko sa oras na naka-flash sa taas ng bus. Kung bakit naman kasi late ang dating nitong bus, naghahabol tuloy ako sa connection nito papunta sa aking trabaho. Limang minuto na lamang at inabutan pa kami ng stop light. Mukhang male-late pa ako talaga nito. Halos pigilan ko ang aking hininga habang nagbibilang ng bawat segundo o minutong tinatakbo ng orasan. "Come on!" piping saad ko dahil sa tensiyon na namayani sa sistema ko. Unang beses kong male-late sa tanang buhay ko at sa aking trabaho. Ilang taon kong inalagaan ang perpektong attendance at heto, mukhang mababahiran na iyon ngayon. Napahigpit ang kapit ko sa aking bag at tumayo na sa may pinto nang umusad ang bus at paliko na sa may Millgate Terminal Center. Handa ko nang takbuhin pagkabukas na pagkabukas ng pinto para abutan lamang ang koneksyon kong bus. "s**t!" mahinang mura ko nang mamataang nagsara na ang pinto ng bus na hinahabol ko. Sumignal na rin ang ilaw nito, hudyat na aalis na talaga. "Can you please stop by the side, I need to catch my bus!" sigaw ko sa bus driver ngunit hindi niya ako pinansin. Lalo akong nainis dahil ang iba naman na driver ay nakakaintindi at sila na mismo ang magbababa sa pasahero para lamang mahabol ang koneksyon nila. Napasabunot tuloy ako sa nakapusod kong buhok. I'm done! Nadungisan na ng late ang magandang record ko sa kompanya. Bagsak ang balikat akong bumaba at pumunta sa loob ng transit center kung saan naghihintay ang mga tao sa susunod nilang bus. Dismayado pa rin akong napaupo at halos hindi na maipinta ang pagmumukha ko. Humugot ako ng malalim na hininga at inilabas ang cellphone ko sa bag. May tyansa pa akong makapasok sa saktong oras, iyon lang ay gugugol ako ng malaking pasensiya sa paglipat-lipat ng bus na sasakyan. Imbes kasi na isa na lang, siguradong dalawa ang kailangan kong sakyan. Binuksan ko ang wi-fi icon at nagbakasakali na may free Wi-Fi na masasagap. Pinindot ko ang google map para  tingnan ang maaring makasasalba sa akin sa pagiging late. Napakagat labi ako nang makita ang maaaring option ko. Dalawang minuto lang ang pagitan ng pagdating ko bago alas-otso, oras ng trabaho ko. "Worth bang gawin ito?" usap ko sa aking sarili at hindi makapagdesisyon. Bumuga ako ng hangin at tumayo. Male-late rin naman ako, subukan ko na lang ang option na ito. Baka mabilis naman ang bus na masasakyan ko, aabot pa ako sa oras. Sumakay ako sa number 8 na bus. Bababa ako sa downtown area para naman hintayin doon ang number 2 papuntang West Edmonton Mall. Dadaan kasi iyon sa trabaho ko. Buti na lamang at tagsibol na rito sa Canada. Malamig man, hindi na mahirap mag-bus at maghabol dahil tunaw na ang snow sa lupa. "Good morning, Beautiful." Napangiti ako sa bati ng driver na mukhang Indiano. "Morning," matipid kong bati pabalik at pinakita ang bus pass ko. Pinagala ko rin ang aking paningin para maghanap ng mauupuan. Marami ang pasahero dahil rush hour papasok sa kanya-kanyang mga trabaho. Halos puno na sa harapan ng bus kaya napilitan akong maglakad papuntang likod. Buti na lamang at may bakante pang puwede kong puwestuhan. Iyon nga lamang, sinakop naman ng lalaking pabalang maupo at halos nakahiga na sa upuan. Pandalawahang tao ang mga upuan sa bus at sinakop niya ang nag-iisang bakante. Okay lang sana na tumayo na lamang ako, pero mahigit tatlumpu't minuto pa ang lalakbayin ko, paniguradong mangangawit ang paa ko. Mahihirapan na akong tumakbo para habulin ang oras. Tumikhim ako at kinausap ang lalaking nakasumbrero ng itim. Hindi ko kita ang mukha nito dahil nakaharang ang braso sa kalahati ng kanyang mukha. Ang paa ay nakabukaka kaya nasakop niya ang maari kong upuan. "Hmmm, excuse me, Sir, can you please move so I can sit properly," mahina kong saad dahil ayaw kong marinig ng mga nakasakay. Pero ang loko, hindi ako pinansin. Napalingon ako sa paligid ko. Ang iba ay nakatingin sa akin. Nahihiya akong muling yumuko para kausapin ang lalaki. "Sir!" Gusto ko siyang tapikin pero hindi puwede. Baka makasuhan pa ako ng harassment. Iba pa naman dito. "Si..." "Narinig kita, Miss," putol niya sa akin  sa balak na muli kong pagtawag sa kanya. Nakataas na ang tingin niya sa akin at nakangiting kumindat pa bago umayos ng upo. "Sorry, I was exhausted and tired," anas pa nitong nagpataas lalo sa kilay ko. Kung titingnan mabuti, parang hindi naman siya galing sa magdamagang trabaho. Tila nga turista lamang siya. Akala ko kanina ay foreigner dahil mukhang matangkad siya at maputi. Naupo ako at hindi na umimik pa. Ngunit nakikiramdam ako sa bawat galaw ng lalaking katabi ko. Naasiwa lamang ako dahil ramdam ko at nakikita ko siya sa gilid ng mga mata kong pinagmamasdan niya ako. Gusto ko siyang balewalain, pero noong maringgan ko siya ng kaunting himig ng pagtawa, napaharap na ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "May nakakatawa ba sa itsura ko?" sarkastiko kong tanong at itinuro ang sarili. Hindi nalingid sa tono ng boses ko ang pagkairita sa kanya. Tinanggal niya ang kanyang sumbrero at inilagay patalikod ang harapan nito. Ngayon ay kitang kita ko na ang itsura niya.Batang-bata at maamo ang mukha. Mukhang nasa dalawampu lamang ito kung titingnan. Ito yata ang itsura na sinasabi nilang boy next door. Mukhang palikero ang dating. "Akala ko sa Pilipinas lang ako makakakita ng manang na maganda. Dito rin pala," palatak niya na lalong nagpakunot sa noo ko. Manang? Mukha na ba akong manang masyado? Trenta'y singko lamang ako para tawagin niyang manang. Aba, iba na talaga ang mga kabataan ngayon makapanghusga. "Did I hit you to the wrong spot? I'm sorry," muling saad niya. Hindi yata naitago sa mukha ko ang pagkainis kaya nasabi niya iyon. Totoo naman, nasagi niya ang pride ko bilang babae. Matanda na ako pero hindi pa naman ako nagmumukhang manang ah. Pinilit kong mangiti at inayos ang buhok kong umalpas mula sa pagkakapusod. Inilagay ko iyon sa gilid ng aking teynga saka siya muling binalingan. "Totoy, gumalang ka sa nakakatanda sa iyo. Shut your mouth!" mariin kong saad na nakapinid ang mga labi para hindi masyadong halatang naiinis na ako nang sobra sa kanya. Kaya nga lamang ay napatawa siya nang medyo malakas kaya nagawi ang tingin sa amin ng ibang pasahero. Napasapo ako sa king noo. Sa tanang buhay ko ito na ang pinakamalas na araw. Male-late na nga ako sa trabaho, mukhang dadagdag pa ang totoy na nasa tabi ko sa pagkasira ng aking araw. "Sorry, Miss, I couldn't help it. Oh wait, is it Miss or Mrs?" Aba! Sumosobra na ang lalaking ito! Hindi ako pumapatol sa bata pero mukhang iba ang araw na ito. Mukha ba akong may asawa na? Hindi ko tuloy maiwasang palihim na sipatin ang sarili. Nakasuot ako ng itim na pants at t-shirt. Naka-rubber shoes lang ako dahil sa uri ng trabaho ko. Napahaplos ako sa bubok kong nakapusod. Manang style na kung manang style pero walang pagandahan sa trabaho ko. Magkukuskos rin lang naman ako ng inidoro kaya bakit magpapaganda pa ako? Masyado na talagang mapanghusga ang mga kabataan ngayon. Nakakainis dahil mukhang wala na silang respeto. Napailing na lamang ako sa lalaking hindi natanggal-tanggal ang ngiti sa labi. Iniiwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya. Pumikit ako at nagkunwaring matutulog muna. Ayaw ko na itong pansinin pa, mas masisira ang araw ko. Pero sa aking pagpikit, tila naman may kumudlit na agam-agam sa aking sistema. Napag-iiwanan na yata talaga ako sa agos ng buhay. Akala ko masaya na ako sa buhay na meron ako, pero noong makita ko ang ngiting meron ang lalaki, tila nainggit ako. Tumatawa naman ako, nakikipagbiruan sa mga kaibigan, ngunit alam ko sa sarili kong pilit lamang iyon, may kulang para maging buo ang kaligayahan ko. Hindi ko namalayang tumulo ang luha ko sa mata. Hindi ko mapigilang kaawaan ang aking sarili. Hindi talaga ako masaya. Nagulat na lamang ako nang maramdaman ko na tila may dumampi na malambot na tela sa aking pisngi. Pagmulat ko, isang panyo ang nakalahad sa harap ko. "Huwag ka ng umiyak, Miss. Baka akala binu-bully kita." Muli niyang iniamba ang panyo para punasan ang luha ko. Bigla kong inilayo ang mukha ko at pinigilan ang kamay niya. Napadalangin na sana ay makarating na ako sa paroroonan ko. Hindi ko yata kayang tumagal makasama ang lalaki sa tabi ko. He screwed my emotions, literal na nasagi niya ang mga emosyon kong itinatago. I even cried in front of him. In front of a stranger. "Don't do that, lalo na sa hindi mo kilala!" ika kong tumayo at lumipat sa nabakanteng upuan kung saan galing ang magkasintahang kanina pa naglalaplapan sa loob ng bus. Hindi ko na muling sinulyapan ang lalaki at muli na lamang pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD