Chapter 2

1712 Words
Isang minuto bago ang oras ng trabaho ko ay nakarating ako. Para akong nakipagkarerahan dahil sa bilis ng takbo ko kanina para makapag-punch-in sa tamang oras. "Morning, Liegh, aga-aga haggard ka na ah!" puna sa akin ni Janet. Isang pinay na kasamahan ko sa trabaho nang makita akong nakayuko at nakatukod ang palad sa tuhod sa harap ng talaan ng oras. Nginitian ko lamang siya dahil alam ko namang totoo iyon. Hinihingal pa nga ako at halos habulin ko ang aking hininga. Signs of aging na nga dahil nakaramdam agad ako ng pagod sa ilang metro lang naman na tinakbo ko. Naglakad ako patungo sa cabinet kung saan kinukuha ang pulang apron na gagamitin sa paglilinis. Kinuha ko roon ang may pangalan ko at isinuot. Pagkatapos ay nagpalit ako ng sapatos panglinis at kinuha ang susing gagamitin ko para makapasok sa mga silid ng aming mga residente. Muli kong inayos at ipinusod ang aking mahabang buhok pataas. Sa kakatakbo ko, nagulo ito at umalpas ang mga buhok sa pagkakapusod. "Alis na ako, Janet," paalam ko sa kanya at sinulyapan siya habang nag-aayos na rin. Puting apron naman ang suot niya dahil sa kitchen area siya. "Good morning, everyone!" malakas na bati ko at nilagyan ng matamis na ngiti ang labi. Madadaanan ko kasi ang dining area kung saan kumakain ng agahan ang matatanda papunta sa aming laundry room. "Good morning, Liegh." "Morning, sweetie." Halos sabay-sabay na bati ng mga nadaanan ko. Nangiti muli ako nang papalapit na ako kay Lawrence, isang matandang masasabi kong ka-close ko. Maraming kalokohan ang matanda na nasasabayan ko naman. Kung ano ang tugtog, siya ang sayaw sa mga ugali ng matatanda. Huwag silang kontrahin dahil lalo lamang nilang ikagagalit o kaya ay mas magiging mainitin ang mga ulo nila. Ang hirap pa naman dahil pabago-bago ang mood nila. "Good morning, kiddo!" bati ni Lawrence na ikinatawa ko. Sa tanda kong ito, tinatawag niya pa rin ako sa ganoon. Sabagay, hindi naman daw kasi ako mukhang trenta'y singko. Mas bata raw akong tignan sa edad ko, kung hindi ko pa sasabihing gurang na ako at wala na sa kalendaryo, di pa nila ako paniniwalaan. "Morning, Papa," bati ko pabalik. Papa ang tawag namin sa mga lalaki at Mama naman sa mga babae. Iyon ay tanda bilang paggalang lalo na at ang hirap ikabisado ang mga pangalan ng animnapu't limang residente. Muli akong naglakad patungo sa laundry room kung saan ko kukunin ang cart ko para sa paglilinis. Tatlo kami sa trabaho. May tinatawag na 200, 300 at 400 wings. Ako ang nakatoka sa 200 wings kung saan may dalawampu"t limang silid akong lilinisan. Limang silid sa loob ng limang araw, papalitan ko ang kanilang mga kobre kama at lilinisan ang buo nilang silid. Hindi madali, pero ini-enjoy ko na lamang. Tuwing hapon naman ay project work. Magka-carpet shampoo ako o kaya ay magwo-wall cleaning, o kung anong makakuha ng atensiyon ko para malinisan. Napabuga ako ng hangin habang kumakatok sa unang pinto. Bilang respeto, kailangan muna silang katukin ng tatlong beses, kapag walang sumagot ay saka lamang puwedeng buksan ang kanilang pinto. Suwerte na lamang kung buhay pa ang mapasukan ko. Isang beses na kasing napasukan ko ay  patay na ang matandang residente. Ang masaklap, nagbigti pa ito dahil sa lungkot na walang pamilya. Karamihan sa kanila ay walang mga asawa o anak. O minsan ay inabandona naman ng pamilya. "Good morning, Mama. How are you today?" bati ko sa matandang babae na nagkahiga pa sa kanyang kama. Mukhang tinatamad na naman itong bumangon at  hindi na naman magpapalinis. "Not good, I'm tired," sagot niya at inubo pa. Napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi ko siya puwedeng pilitin bumangon, baka matumba, kasalanan ko pa. "Okay, next week, I want to make your bed so better wake up early by that time, please," ani kong ipinapaintindi sa aking salita na dapat next week, magpapalinis na siya. Kung hindi ako magmamatigas minsan, isang taon na hindi magpapalinis ang mga matatanda. Wala na nga'ng ligo, wala pang malinis na higaan, patay ako, hindi lang sila dahil sa mabahong amoy. "I'll clean your washroom." Iniwanan ko na ang matanda at kinuha ang mga gamit ko para linisan ang washroom niya. As usual, hindi na naman gamit ang tub at ang tuwalya na nilagay ko noong isang linggo. Mga matatanda talaga, takot sa tubig, libre naman at wala silang babayaran. Natapos ko ang mga kuwarto ko sa kalahating araw. Sa nalalabing  tatlong oras ay naglinis naman ako  sa sarili kong janitors room at inihanda ang mga labahin na natanggal ko para makuha ng kompanya na siyang naglalaba ng mga bedsheets at towels na marumi. Araw-araw ganito ang routine ko sa trabaho. Tuwing break time ay nakikisalamuha naman ako sa ibang katrabaho ko, pero kadalasan, tahimik lamang ako habang nagbabasa ng mga istorya sa online platform na nadiskubre ko. Sa mga kuwento na lamang ako kinikilig. Sa kuwento na lang ako natututo. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong mag-boyfriend noong nasa Pilipinas pa ako. Dahil sa panganay ako, naging mahigpit si Mama sa akin. Halos bawal akong lumabas ng bahay, laging may curfew. Bantay sarado ako ni Papa kaya natakot ang mga lalaking lapitan ako. Maging ako ay natakot rin na sawayin ang magulang ko, na siyang naging dahilan kung bakit sa edad kong ito, hindi ako nakatikim ng kahit anong saya ng may karelasyon. Maganda na sana at may pagkakataon na ako dahil malaya na ako sa kanila at sa pagdidikta nila sa takbo ng buhay ko. Ngunit kahit hindi ko na sila kasama, may pagkakataon pa rin na tila hawak pa rin nila ako sa leeg. Hindi ko magawang makipagrelasyon at lumandi. Hindi ko magawang magpakasaya. Dahil sa tuwing gagawin ko iyon, nakakaramdam ako ng pangungunsensiya sa sistema ko. Mas gusto ko pa rin silang sundin at suportahan kesa ang lumigaya. Mas inuuna ko pa rin sila bilang pamilya ko. Sa tuwing mapag-uusapan namin ang tungkol sa pagpapamilya, hindi man lantarang sabihin ni Mama, alam kong salungat siya pagdating sa akin. Inuusig niya ako kahit hindi siya magsalita. "Nakangiti ka na naman mag-isa riyan, Liegh," untag sa akin ni Jose at tumabi pa sa akin ng upo. Sinimangutan ko siya saka lumayo. Hindi alintana sa akin na nagpapahiwatig siya at gusto niya ako. Sa tuwing gagawin niya iyon ay umiiwas na ako. Guwapo naman si Jose. Matanda siya sa akin ng dalawang taon. May anak ngunit hiwalay sa asawa dahil nagloko. Ayaw ko sa ganoong lalaki, kung nagawa niyang ipagpalit ang asawa niya noon, ako  pa kaya? Paglalaruan lamang niya ako.  Ayaw ko rin magaya kay Mama na nakapangasawa ng lasinggero at sugalero. Alam kong kaya hindi ako mabitiwan ng lahat dahil sa akin sila nakaasa. Sinanay kong ibigay lahat ng hilingin nila. Nakalimutan ko ang aking sarili para lamang maibigay ang mga kapritso nila sa buhay. "Tumanggi ka kasi minsan! Sinanay mo silang nakaasa sa iyo. Hindi ka ba nabibigatan na pasan mo sila sa balikat mo? Sila as in silang lahat!" sarkastikong sermon ni Kristel sa akin. Kasama ko siya sa apartment na inuupahan ko. Hindi ako nakaimik dahil totoo naman. Naiinis na rin siya sa akin dahil sa kanya ko ibinubuhos lahat, pero kahit anong untog niya sa ulo ko, hindi ako natatauhan. "Pamilya ko sila, Tel. Alangan namang pabayaan ko sila," ika ko habang ngumunguya. Kasalukuyan kaming naghahapunan na dalawa. Tinaasan niya ako ng kilay. Wala ng tataas pa sa kilay niya habang pinandidilatan pa ako ng mata. "Pamilya ba ang turing sa iyo o banko? Saka ka lang nila kukumustahin at tatawagan kapag nangailangan ng pera eh. Pamilya bang matatawag ang mga iyon?" bulalas niyang tila galit na ang tono. Napakagat labi tuloy ako. "I'm sorry sis, nagsasabi lang ako ng totoo. Ilang taon ka nang nagtiis dito. Pinaaral mo ang mga kapatid mo para sila ang bumuhay sa magulang mo at nang maging masaya ka naman! Pero ano? Nagsipag-asawa at sa iyo pa inasa ang pagbuhay sa pamilya nila! Nasaan ang hustisiya?" Nagbaba ako ng tingin at tinitigan na lamang ang pagkain. Sa.lahat ng tao, si Kristel ang nakakaalam ng kuwento ng buhay ko. Halos sampong taon ko na siyang kaibigan. Siya ang tumulong sa akin para makarating dito sa Canada. "Sumama ka sa akin sa party sa isang linggo. Kailangan mo iyon. At hep!" Itinaas niya ang kamay para pigilan ako sa balak na pagtanggi. "Bawal na bawal ang tumanggi. Kung ako sa iyo, hindi na ako magsasalita dahil hinding-hindi ko tatanggapin ang pag-ayaw mo!" aniyang inirapan pa ako at nagpatuloy siya sa paglamutak sa cake. Nilalaro lang niya kasi iyon at hindi naman isinusubo para kainin. Napailing na lamang ako at muling itinuon ang pansin sa pagkain. May magagawa pa nga ba ako para tumanggi sa pinakamalapit kong kaibigan? Siya na lang ang nagmamahal sa akin  at alam kong totoo. Karamihan kasi sa mga nakikilala ko ay hinuhusgahan ang buhay na meron ako. Hindi nila iniintindi ang pinagdadaanan ko. Si Kristel, ganito man ang bunganga, alam kong mapagkakatiwalaan ko siya. Ilang beses ko nang napatunayan iyon sa tuwing nasa hindi maganda akong sitwasyon. Natatawang muli ko siyang sinulyapan. Napanguso ako nang iniamba niya ang tinidor na gamit at kunwari ay tutusukin ang mga mata ko. "May ipapakilala ako sa iyo, huwag na huwag mong tatakbuhan o tataguan. It's time to shine madam! Kailangan nang magalugad at mahawi ang damuhan para hanapin ang mahiwagang kuweba nang mapasukan naman!" Natampal ko ang aking noo. Bunganga talaga ng kaibigan ko.  Sarap busalan ng malaking ano... Ahmm...malaking... "Hoy anong nasa isip mo ha? May kademonyohan iyang utak mo ano?" Napairap ako sa kanya. Sino ba demonyo ang utak sa aming dalawa. Kung ano-ano ang lumalabas sa bunganga niya. Kung ano-ano ang mga itinuturo niya sa akin at kung sino-sino na lang pinapakilala para daw mabinyagan ako. "Gusto kitang lumigaya, hindi sa lahat ng oras makakasama mo ako," ika niyang sumeryoso. I know that, lalo na at balak na nilang magpakasal ng nobyo niya. Hindi naman ako puwedeng sumama sa kanya. Baka ako pa maging dahilan ng hiwalayan nilang dalawa. "Hayaan mo, bago ka ikasal, mahahanap ko na ang kaligayahan ko. Hindi ka na magwo-worry pa sa akin." Napanguso si Kristel sa akin. Totoo naman ang sinabi ko. Hahanapin ko talaga ang kaligayahan ko para hindi na niya ako alalahanin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD