Maganang kumakain si Rapha habang pinapanood ko lamang siya. Napatahan ko naman siya agad kanina at kung ano-anong kasinungalingan ang mga sinabi ko para hindi na siya magtanong pa ng magtanong. Mas lalo kasing nahihirapan ang kalooban ko. Sa isang Jollibee kami binaba ng taxi driver. Dala ang mga maleta namin sa loob ng fastfood chain na iyon. Buti na lamang talaga ay mabait ang driver, siya na ang nakiusap sa crew para madala namin lahat ng maleta namin doon. Ngayon nga ay nasa pinakagilid kami para kahit may mga tao man ay hindi sagabal ang mga dala namin. "Naynay? Is that lola's house awhile ago?" tanong ni Rapha na muling gumising sa pagkakatulala ko. Akala ko ay tapos na siya sa pagtatanong. Hindi ko alam paano sagutin ang tanong niyang iyon. Mahirap sagutin, mahirap dahil ni hindi

