Isang linggo na ang nakalipas. Mas nakilala ko pa si Rafael sa isang linggo na iyon. Nalaman ko rin na may hidden room pala sa loob ng opisina niya. Silid na may sariling banyo at closet kaya may mga sarili na rin siyang damit doon. Doon na rin daw kasi siya nalalagi sa tuwing may importanteng papeles, importanteng business. Napansin ko rin kung gaano siya kaseryoso sa trabaho. Ngayon nga ay nasa meeting kami sa conference room. May mga investors na galing Korea at gustong gawing supplier ang kompanya. Malaki ang kikitain ng kompanya kapag na close deal iyon ni Rafael, kaya sa nakalipas na araw, pinag-aralan niya talagang mabuti iyon. Halos uma-umaga na lang na nakikita ko siya na tulog sa sofa o kaya nakadukdok sa kanyang mesa. Lagi rin nagpapa-deliver ng kanyang pagkain para sa breakfas

