Chapter 73

1560 Words

Mabilis at maingat akong umalis sa gusaling iyon. Ayaw kong magkaroon ng usap-usapan at maging dahilan pa ng gulo. Kakausapin ko na lamang ang head ng HR na si Mr. Timogan para sa resignation ko. But now, gusto kong lumayo kay Rafael. Hindi agad ako umuwi at napagpasyahan na dumaan na sa dati naming bahay. Naroon pa kasi ang mga gamit kong basta na lamang iniwan ng kapatid ko roon noong lumipat sila. Pinakiusapan ko si Aling Virgie para kunin ang mga iyon at itago. Kung sa tingin nila ay basura ang mga kagamitang iyon, sa akin ay hindi! May sentimental value bawat gamit ko. Pinapaalala nila kung paano ako naging matatag sa hamon ng buhay. "Ineng, naku narito ka na pala," salubong sa akin ni Aling Virgie. May curlers pang nakalagay sa kanyang ulo. Tipin akong ngumiti at yumakap sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD