Liegh Kagat labi ako habang palabas na ng gusali. Nagulat lamang ako nang bigla kong makasalubong ang guard na nagbabantay sa gabi. "Ngayon pa lang ba kayo uuwi, ma'am?" tanong niyang nakangiti pa. "Opo, manong. Sige po. Mauuna na ako," sagot kong mabilis na tinahak ang pinto paalis sa gusali. Naringgan ko pa siyang nagsalita ngunit hindi ko na iyon pinansin. Alas otso na ng gabi at alam kong nag-aalala na naman sa akin sina Nanay Editha at Ken. Nagtext naman ako pero panay pa rin ang tawag ni Ken kanina na hindi ko na nasagot. Napapikit ako habang naaalala ang nangyari kanina. Hindi matanggal tangal sa sistema ko ang itsurang nakakahabag ni Rafael. Muli akong pumasok sa kanyang kuwarto nang maulinigan ko ang mga ungol niya. Pabiling-biling siya sa higaan niya. Agad akong lumapit

