Nakatulala ako habang nakaupo pa rin sa dating puwesto. Pilit inaabsorba ng isip ko ang nangyari. Nang bigla ay mapapitlag ako dahil sa tapik na naramdaman ko sa balikat ko. Napalayo pa ako at kamuntikan nang napasigaw.
"Ang OA te? Anong nangyari at ganyan ang itsura mo?" tanong ni Kristel at naupong muli. Kinuha ang cellphone niya at nagtipa.
Palihim akong napairap sa kanya. Ayaw ko ng ikuwento pa ang nangyari dahil maha-highblood lamang siya.
"Bakit ang tagal mo sa washroom?"
"Pila, tapos alam mo na, gumawa muna ako ng kababalaghan doon. Nagpa-amoy ng bombang malupit!" sagot niyang 'di man lamang ako tinitingnan. Abala pa rin siya sa kakapindot sa kanyang phone. "Nangyari sa manliligaw mo? Himala at nilubayan ka agad?" tanong niyang umangat ang tingin at nagpalinga-linga
Napabuntong hininga ako at naupo sa tabi niya. Hindi ko talaga balak i-kuwento ang nangyari para hindi na siya mag-alala pa.
"May importante raw na aasikasuhin kaya umalis na," sagot kong kinuha na rin ang phone at sinubukang laruin ang word puzzle na dinownload ko.
Nang bigla ay sumagi na naman sa isip ko ang lalaking ilang beses ko ng nakatagpo. Ayaw ko man aminin pero malaki ang pasasalamat ko sa pagliligtas niya sa akin kanina. Kung hindi dahil sa kanya ay tuluyang nabastos na ako nang husto ni Jose. Baka nagkapahiyaan pa kami at nauwi sa mas magulong sitwasyon.
Napabuga akong muli ng hangin. Paano ko kaya siya haharapin sa Lunes? Magkunwari ba akong walang nangyari kanina? Napahilot ako sa aking sentido, bigla ay sumakit ang ulo ko.
"Okay ka lang ba? May nangyari ba kaninang wala ako?" May pag-aalala na sa tono ni Kristel. Nilingon ko siya at pilit na ngumiti. Naibaba na niya ang telepono at nakatingin na sa akin.
"Walang nangyari. Sumakit lang bigla ang ulo ko. Pagod siguro sa dami ng ginawa natin," sagot ko.
Nakakapagod naman talaga ang pamimili lalo sa mga clearance area. Halo-halo kasi doon at talagang isa-isahin pa para makapamili ng gusto. Nakakangawit sa kamay, pagkatapos isa-isang isusukat para makita kung kasya ba o hindi. Halos naikot rin namin ang malaking retail store na iyon.
"Sige, uwi na tayo. Pagod na rin naman ako eh."
Sumunod ako noong tumayo siya. Isa-isa ko na rin pinulot ang mga pinamili ko ang bigla ay mapatampal ako sa noo. Hindi ko na isauli ang damit sa lalaking iyon.
"Nangyari sa iyo?" muling tanong ni Kristel.
Ipinilig ko ang ulo at nakangiti ko siyang hinarap.
"Wala, tara na. Saan ba naka-park sasakyan mo?" Pag-iiba ko ng usapan at baka usisain pa ako. Malakas pa naman pang-amoy ng isang ito sa tsismis.
Alas otso na ng gabi kami nakarating sa bahay. Buti na lamang talaga at nagmamaneho na si Kristel, kung hindi eh, isang oras kami bago makauwi sakay ng bus. Every hour pa naman ang biyahe kapag gabi na. Kapag na-miss namin, dagdag isang oras muli. Buti sana kung wala akong pasok bukas.
Pareho kaming napasalampak ng upo sofa pagkapasok sa apartment namin. Nakakapagod pero malawak ang ngiti ko sa labi. Unang beses kong pagbigyan ang sarili kong gastusan ng ganito. Naibilhan ko ang aking sarili kahit ubos na ang pera ko. Nakakatawa dahil doon ko pa talaga nagawang mamili, kahit sabihing sale o munurahin.
Biglang sumibol ang luha sa mga mata ko kaya pumikit ako at nahiga. Pinatong ang braso ko sa ibabaw ng mga mata at nagkunwaring natutulog.
Nang biglang umalpas sa bibig ko ang isang hikbi. Hindi ko pa rin mapigilan lalo na at nasa bahay na kami. Wala ng distraction sa problemang meron ako.
"Hoy, babae, okay ka lang?"
Hindi ako sumagot sa tanong ni Kristel. Tumagilid pa Ako para itago ang lihim kong pagluha.
Hindi lang pagod ang meron ako. Napakabigat din ng dumadagan sa dibdib ko na halos hindi na ako makahinga. Kung sana ay kaya kong kumawala sa sakit na nararamdaman ko. Kung sana ay kaya kong lumaya sa kanila na walang nararamdamang guilt. Kung sana lang...
"Huy! Ang saya-saya lang natin kanina, nagda-drama ka naman ngayon? Pamilya mo na naman ba? Anong ginawa na naman sa iyo?"
Kumilos ang ulo ko para umiling. Kahit alam ko naman na hindi niya ako paniniwalaan. Pagdating sa usapan ng pamilya ko, kahit anong sabihin ko, kahit magandang bagay pa ang i-kuwento ko kay Kristel, hindi na niya pinapaniwalaan iyon. Alam niyang nagsisinungaling lamang ako.
"Ewan ko ba riyan sa nanay mo rin. Okay lang sana na hingan ka nang hingan ng pera, given nang kabayaran iyon sa mga sakripisyo niya kuno! Pero ang tratuhin kang parang hindi anak, nakakapanggigil talaga at nakagagalit!" Panggagatong pa niya sa sugat na meron ako.
"Kaya talagang hindi ko hahayaan na 'di ka sasama sa akin. Kailangan mong makakilala na ng katuwang sa buhay na puwedeng pumukpok o mang-untog sa ulo mo. Dahil ako, ilang beses ko ng ginagawa pero hindi ka pa rin natatauhan. Baka kung ma-in love ka, eh, masusuway mo na nanay mo!" mahaba pa niyang litanya.
Napangiti na lamang ako bigla sa isiping maiin-love nga ako. Magmamahal at mamahalin. Pero kailan naman kaya darating ang tamang lalaki? Kailan ko siya makikilala?
Napaupo ako pagkatapos kong pahirin ang luha sa pisngi ko. Lumapit kay Kristel saka siya niyakap ng mahigpit.
"Sana nga ay dumating ang tamang lalaki para sa akin, Tel. Sana hindi pa ako huli sa biyahe."
Hinagod niya ang likod ko saka ko siya naringgan ng kaunting tawa.
"Kusang darating iyan. Pero payo ko, huwag kang maghintay. Learn to make friends, kung kailangan mong makipag-fling! Go for it. Alam mo naman kung hanggang saan ka at hanggang saan ang kaya mong ibigay. At alam mo ro kung anoa ng tama sa mali. Just get put of your shell, best. Gawin mong masaya ang buhay mo. Hindi na tayo bumabata pa. Gurang na tayo!" natawa niyang sabi saka suminghot.
Napangisi ako at natawa. Akala ko ako lang ang drama queen sa amin, nakikisabay pa siya. Lumayo ako sa kanya at bumitiw sa pagkakayakap saka siya tinitigan nang nakakalokong tingin. Bigla niya akong inirapan at tinulak sa braso.habang nagpapahid ng luha sa mga mata.
"Umayos ka nga! Kainis ka!" singhal niyang hindi ko pinatulan. Muli lamamg akong napayakap sa kanya nang mahigpit.
"Love you best," ika ko.
"Hindi tayo talo, best. Gusto ko pa rin ang may patola. Ayaw ko ng kamay-kamay lang, hindi masarap!"
Napalayo ako bigla sa kanyang sinabi. Paanong napunta sa patola at masarap ang usapan namin? Aminado akong masarap ang patola lalo na kung may sotanghon pero bakit may kamay at hindi kami talo?
Bigla siyang napahagikhik sa itsura kong nalilito. Hindi ko siya na-gets sa totoo lang.
"Ang slow mo best. Pagong ka ngang talaga. Nagtatago ka na nga sa shell mo, slow mo rin!" palatak niya na tatawa-tawa.
Kunot-noo kasi akong pilit inaalisa ang sinabi niya. Nang bigla ay magkunwari siyang may isinusubo. Naka hugis O ang kanyang bibig at umuurong-sulong ang kanyang ulo.
"Oh my gosh! Kristel!" saway ko sa kanya. Malakas pa ang boses kong natawag ang pangalan niya nang ma-realize ang ibig niyang sabihin.
Birhen man ako, pero hindi birhen ang utak at mata ko nang dahil sa kanya. Kung ano-anong sinasabi niya at pinapakita sa akin. Minsan ay inaya niya ako sa kuwarto niya para manood daw ng movie. Ako naman, dahil excited mag-movie marathon, um-oo. May pa-pop corn pa ako at softdrinks. Matatapon lang pala sa sahig ang popcorn na niluto ko dahil pagka-play niya ng video, umuungol na babae at lalaki ang sumambulat sa akin.
Halos humagalpak siya sa tawa dahil nag-walk out talaga ako sa kanya. Sakit niya sa bangs! Tuloy hindi ako nakatulog nang maayos. Kahit kaunti lang ang nakita at narinig ko, kapag naman pumipikit ako ay kitang-kita ko ang nasa video. Ang linaw-linaw pa. Bigla tuloy nag-init ang pakiramdam ko. Kaya matinding mura ang sinasambit ng utak ko para kay Kristel.
"Kailan ulit day off mo?"tanong ni Kristel at kinalap na ang pinamili. "Sa Sunday ang party," saad niya at naglakad papunta na sa kanyang kuwarto.
"Alam mong wala akong day-off. Huli na ito at babalik na ako," sagot kong kinuha na rin ang mga pinamili ko at naglakad na rin patungo sa kabilang pinto. Magkaharap ang pinto ng mga kuwarto namin.
Hinarap niya akong nakasimangot.
"Pinapatay mo talaga ang sarili mo, g*ga! Umalis ka na nga sa hotel! Hindi ka ba nahihirapan?"Umiling lamang ako. Kaya napabuntong hininga siya. "Well, sa Sunday magpaalam ka nang maaga. Kailangan natin ng time para magpa-beauty."
Pagkasabi n'on ay pumasok na siya agad sa kanyang kuwarto. Napailing naman akong pumasok na rin at ibinaba ang mga pinamili sa maliit na mesang katabi ng kama ko. Muli'y nahagip ng mga mata ko ang supot ng mamahaling brand ng damit. Sa tuwing nakikita ko iyon, naalala ko ang lalaking ilang beses ko na rin nakatagpo.
Nilapitan ko iyon at kinuha ang damit. Pinalandas ko ang aking palad sa tela at dinama ang lambot nito. Talagang nakuha ang atensiyon ko ng damit na ito. Simple siyang tingnan, kulay pula ito at may manggas na napalamutian ng maliliit na beads. Hanggang tuhod ang haba at sa klase ng tela, siguradong bakat ang hubog ng katawan ko. Micheal Korrs ang tatak ng damit na nagkakahalaga ng halos kulang kulang isang libong dolyares.
Tumapat ako sa malaki kong salamin at tinapat ko ang damit sa aking katawan. Napakagat labi ako nang hindi ako makuntento para malaman kung babagay ba sa akin. Gusto ko siyang isukat.
"Wala naman sigurong masama kung isusuot ko. For picture and remembrance only," kumbinsi ko sa sarili. Ngayon lang ako nakahawak ng ganitong kamahal na damit kaya bakit hindi ko isukat at picture-an ang aking sarili.
Naghubad nga ako at isinuot iyon. Namilog ang mga mata ko at namangha dahil fit na fit talaga sa akin ang damit. Napalawak lalo ang ngiti ko dahil kahit morena ako, hindi ako naging maitim masyado sa kulay ng damit. Parang pumuti pa nga ako.
"Ang ganda!" puri ko sa damit.
"Liegh..."
Nagulat ako sa biglang pagbukas at pagpasok ni Kriatel sa kuwarto ko. Tsk, hindi talaga marunong kumatok.
"Wow!" palatak nitong nakatitig sa akin at nakalimutan na yata ang sasabihin. "Ang ganda mo, babae ka!" bulalas niya at lalong lumapit sa akin.
"Itong damit ang maganda hindi ako..."
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang hablutin ang pusod sa buhok ko dahilan para mailugay iyon.
"There! Grabe, ang ganda-ganda mo talaga pero bakit 'di ka man lang napakinabangan ng mga lalaki noong bata-bata ka pa! Buti may tysansa pa ngayong 'di pa masyadong kulubot!"
Inirapan ko siya sa kanyang pahayag.
"Iyan ang isusuot mo sa party ha!"
Umiling ako. "Isasauli ko pa ito..."
"Nope!" singit niyang hinablot ang tag sa damit. Natanggal iyon saka siya lumabas sa kuwarto ko.
Mabilis ko siyang sinundan, huli na noong makita kong inihulog niya ang tag na may barcode sa toilet bowl. Hindi ako nakahuma nang i-flush niya iyon saka nakangising tinitigan ako.
"Oppss, sorry, dear friend. 'Di mo na maisasauli."
"Kristel!" nanggigigil akong tinawag ang pangalan niya. Napatampal na lamang ako sa aking noo. May magagawa pa ba ako? Sana hindi ko na lamang makita uli ang lalaki.