Chapter 4

1805 Words
Nagpalinga-linga ako at hinahanap ko pa rin ang lalaki. Para siyang bulang naglaho na lamang kanina. Nakabili na ako ng pamalit ko sa damit kong nabuhusan ng softdrinks kanina. Isang  t-shirt sa Hudson's bay na nagkakahalaga lamang ng sampong dolyar, naka-sale kaya hindi ako pikit matang bumili. Ayaw ko man na isuot agad dahil hindi pa naman nalabhan ay wala akong magagawa, kesa naman manlagkit ako. Dala ko pa rin ang bag na may lamang dress. Nais kong ibigay iyon pabalik sa lalaking iyon. Siya dapat ang magsauli n'un dahil credit card niya ang pinambili. "Day! Sorry na-late ako," humahangos na paghingi ng paumanhin ni Kristel sa akin. Mukhang tumakbo pa ito para lamang mapuntahan ako agad. Kung hindi ko lang kaibigan ito, kanina ko pa nilayasan. Trenta minutong late na hindi man lamang ako ni-text. Namumuti na ang mata ko kahihintay dahil hindi naman ako makapag-ikot mag-isa. Nahihiya ako dahil hindi naman ako bibili. Nag-set kasi ng oras na pagkikita namin pagkatapos ay siya naman din pala ang male-late. "Nakabili ka na?" tanong niya nang magawi ang tingin niya sa bag na hawak ko. Ilalayo ko palang ay naagaw na niya sa akin at inilabas ang laman. "Wow! Ang ganda ng dress," puri nito saka kunwaring sinipat sa sarili kung bagay. Pagkatapos ay tiningnna ang tag price. "Holy Siyete! Wow rin ang presyo!" bulalas niyang puno ng sarkasmo sa tono. Napalabi na lamang ako at inagaw ang damit kanya. Inilagay ko sa bag at umabra-siyete sa braso niya. "Isasauli ko ito. Hindi naman ako ang bumili, e." Napatigil siya at hinarap ako na halos magkasalubong ang kilay. "Hindi ikaw ang bumili? E, sino? May kasama ka? Boyfriend?" Iniikot ko ang bilog ng mata ko sa kanya. Nagkunwari pang hindi niya talaga ako kilala. Ako ba naman ang mapapabili niya ng ganoon kamahal. At ako ba naman ang magkaka-boyfriend? Umiling ako. "Regalo?" Hindi ko siya sinagot bagkus ay muli ko siyang hinila para muling maglakad. Ngunit muli siyang tumigil at pinigilan ako sa paglalakad. "Tell me, may kinatagpo ka ba?" Gusto kong matawa sa lantad na pagiging tsismisa niya. Talagang curious ang loka. Sabagay, sa lovelife ko talaga siya masyadong kuryoso bukod pa sa pamilya ko. "So what kung meron? May problema?" gatol ko sa pagdududa niya. Gusto kong makipagbiruan at kalimutan ang problema ko sa pamilya. "Hep!" bigla niyang saad at napalakas pa kaya napalingon sa amin ang ibang mga naglalakad at nakakasalubong namin. "Walang ganyanan, sinesekreto ang love life? Bruha, kailangan mo ako! Kailangan mo ng tutor, ng coach para sa mahahalagang bagay! s*x is s*x pero wala kang karanasan..." Tinakpan ko ng aking kamay ang  bunganga niyang walang preno. Bulgar na bulgar te? Nahiya na ako sa mga nakaririnig. Hindi man nila maintindihan ang pinagsasabi niya, nakakahiya pa rin ang lakas ng boses niya. Halos habulin niya ang kanyang hininga nang bitiwan ko ang bibig niya. Tinampal niya ako sa balikat dahilan ng pag-aray ko. "Papatayin mo ba ako, g*ga?" Natawa ako dahil namumula na siya. Mukha ngang seryosong hindi siya nakahinga sa kagagawan ko. Sumeryoso ako at ginagap ang palad niya saka siya hinila. Nagtungo kami sa Hudson's Bay dahil maraming sale ngayon na nakita ko. May magaganda pang damit na nasa clearance area, plus twenty five percent additional sa presyo. Tuloy ay napabili ako ng wala sa oras. Ipinagpilitan din kasi ni Kristel. Ilang taon na rin naman na wala akong bagong damit, kung meron man ay mga regalo lamang iyon galing sa kanya. Nahiya ako dahil siya ang magbabayad ng mga pinili niya para sa akin kung hindi ko ilalabas ang credit card ko. "Nagutom ako!" palatak ni Kristel at hinimas pa ang tiyan pagkatapos naming mamili. Maging ako man kumakalam na ang sikmura. Wala pa pala akong kinain simula kaninang umaga. "Sa food court tayo. Like ko kumain ng Kentucky Chicken." Muli akong nangiti. Inilagay ko sa harap ko ang aking dalang bag at hinahanap ang flyer ng KFC. "Saan dito?" Inilahad ko sa kanya ang flyer upang makapamili kami. May tig 9.99 dollars na for two person. May four pieces chicken, fries at drinks na rin. Solve na kami pareho roon. Pinunit ko ang flyer para ibigay na lamang kapag nag-order kami. Nang makuha na ang order namin ay saka naman kami naghanap ng mauupuan. Napabuga na lamang ako ng hangin  dahil sa dami ng tao ngayon sa food court. Halos punuan at wala na talaga kaming makitang bakanteng mesa. Nang bigla ay hinila ako ni Kristel papunta sa kung saan. Iyon pala ay may nakita siyang bakanteng mesa at mauupuan. Dahil sa gutom, agad naming nilantakan ang pagkain namin. Ni walang usap-usap. Nakatuon lang kami pareho sa kinakain. "Hay, busog ako!" pahayag ni Kristel  sabay dighay. "Oops, excuse me," dagdag niya sabay takip sa bibig at lumingon sa aming paligid. Ako naman ay nagpunas ng bibig gamit ang tissue na bigay sa KFC. "Leigh, nandito ka pala?" Pareho kaming napaangat ng tingin sa lalaking nagsalita at ngayon ay nakatayo sa harap namin. "Jose!" walang ganang tawag ko sa pangalan niya. Para akong natataeng napangiti sa kanya, nahalata iyon ni Kristel kaya siniko niya ako at pinandilatan ng mata. "Nag-shopping yata kayo?" muling tanong ni Jose na napatingin pa sa mga dala naming supot na nakalagay sa gilid namin. Tumango ako at lihim na naidalangin na sana ay umalis na siya. "Puwede ba akong umupo rito? Wala na kasing bakante," muli niyang tanong at hinila na talaga ang upuang nasa harapan namin. Pasimple akong lumingon sa paligid. Napaismid ako dahil may iilan naman na na bakante, talagang sa amin pa gustong makiupo. "Hmmm, washroom lang ako, natatae yata ako eh!" biglang paalam ni Kristel at agad na tumayo. Hindi pa ako nakakapagsalita ay umalis na siya. Gusto ko sanang sumama pero ang g*ga, iniwanan mga dala niya. Kung kaya't talagang maiiwan ako roon. Hindi ko madadala lahat ng iyon para sundan siya. Pilit akong nangiti kay Jose na nakatitig sa akin habang umiinom ng dala niyang kape mula sa isang sijat na coffee shop. "You look great, Leigh," papuri niyang lihim kong ikinairap. Hindi talaga ako tinitigilan kahit na ilang beses kong sabihin na ayaw ko sa kanya. "Pero nakakainis na ang pagiging pakipot mo. Eh nasa loob naman ang kulo mo!" Hindi ako makapaniwalang napatitig kay Jose. Bigla ay nag-iba ang aura niya. Nakainom ba siya o nakadroga? "Halata naman na iniiwasan mo ako noon pa. Hindi ko lang talaga matanggap na isang old maid na gaya mo ang bumabalewala sa akin!" dagdag pa niya. Mukha yatang nakainom talaga dahil namumula ang kanyang mga mata. "Jose, malinaw na noon pa na ayaw ko  sa iyo at ayaw ko sa relasyon," pabulong na pagpapaintindi ko ng dahilan ko noon pa man. Ayaw ko na sanang patulan pa ang pang-iinsulto niya sa akin. "Pakipot ka pa talaga! Eh ako lang naman ang nagkakagusto sa iyo at nagtiya-tiyaga. Kumukulubot ka na, ayaw mo bang maranasan ang langit sa piling ko?" Kinilabutan ako sa sinabi niya. Nakakadiring marinig sa  kanya ang salitang iyon. Kinalap ko ang mga tray ng pinagkainan namin ni Kristel para itapon at umalis. Hindi ko gustong humantong na magkapahiyaan pa kami ni Jose. Kakayanin kong buhatin ang mga pinamili namin makalayo lang sa kanya. Ngunit hindi ko pa ako nakatatayo ay mahigpit na niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan. "Bitiwan mo ang kamay ko, Jose!" May pagbabanta ang tinging ipinukol ko sa kanya. Ngunit lalo lamang niyang hinigpitan iyon. "Nakakabastos ka na kasi! Kinakausap pa kita ah!" mas galit na saad niya sa akin na para bang kakainin niya ako ng buhay. Alam kong natatapakan ko na ang p*********i niya. Pero siya ang may kagustuhan n'un. Sinabi ko nang hindi ko siya gusto pero, ipinagpipilitan pa rin niya ang kanyang sarili. "Please, Jose, nasa mataong lugar tayo, huwag kang gumawa ng gulo!" nakapinid ang bibig kong ika sa kanya. Halata na rin ang inis sa sistema ko. Bigla siyang ngumisi at hindi pa rin ako binibitiwan. "Kung ayaw mo ng gulo..." "Baby, nandito ka lang pala, kanina pa kita tinatawagan ah!" Napalunok ako at sumikdo ang puso ko nang may maupo sa tabi ko at umakbay sa akin. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba ang biglang pagsulpot ng lalaking kanina ko pa hinahanap dahil mas lalo akong kinakabahan. "May problema ba, baby?" muling tanong niya at napatingin sa kamay namin ni Jose. Nanlilisik ang mga mata ni Jose na bumaling sa lalaking katabi ko. Nawala rin bigla ang ngisi niya sa labi at napalitan ng ismid na nakakaloko nang bitiwan niya ang kamay ko. "Baby? Totoy, mukhang ikaw ang baby at hindi ang babaeng ito!" Pinagpawisan ako nang malapot nang tumawa ang lalaking katabi ko at lalong hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin. "Sir, kung may problema ka sa girlfriend ko, ako ang kausapin mo," mariing saad niya kay Jose. Hindi ako makapagsalita. Nanlalamig ang pakiramdam ko. Bakit bigla na lang akong naiipit sa ganitong sitwasyon?  Ang pagsulpot-sulpot ng lalaking ito na parang kabute ang nagpapagulo pa ng lahat. Tumayo bigla si Jose at idinuro ako. "Kaya pala ayaw mo sa akin dahil mas gusto mo ang mas bata. Mas gugustuhin mo pala na maging sugar mommy!" panunuya niya sa akin. Nakuha niya ang atensiyon ng ibang kumakain. Tumayo ang katabi kong lalaki kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang panga. Nagawi ang tingin  ko sa kamao niyang nakakuyom. "Ang akala ko, mature na ang tao kapag tumatanda. Hindi ko aakalaing makakakilala pa pala ako ng matanda na pero asal bata pa rin!" "Anong...!" "Is there any problem here?" Nakahinga ako ng maluwag nang may mga security na lumapit sa amin. Marami ang rumoronda sa mall kapag  ganitong oras. "Ah...eh, no, no! Nothing to worry about. We're just talking," natatarantang sagot ni Jose at tumingin pa sa akin na para bang maamong tupa. Napailing na lamang ako. Gusto ko na lamang tumahimik. Nakalimutan ko pa lang may lalaki akong katabi  na minsan walang preno rin ang bunganga. "That guy..." Kinurot ko bigla ang lalaki nang balak nitong magsumbong. Nagtaka tuloy ang security na napatingin sa akin. "We're okay, he's going anyway. Bye, Jose!" pagtataboy ko sa kanya. Agaran naman siyang kumaripas ng lakad. Takot rin pala. "Tsk!" Rinig ko sa lalaking katabi ko pero hindi ko na pinansin. Humingi rin ako ng paumanhin sa security at nagpasalamat. "Tinutulungan ka na nga, Miss, pinatakas mo pa ang bugok na iyon. Tsss!" sabi niyang halatang dismayado at agad na naglakad palayo. Napatda ako at hindi nakahuma. Tuloy, nakalimutan kong may isasauli pala ako. Huli na noong na-realize ko dahil nawala na naman siyang parang bula. Kung kailan ko siya hinahanap, hindi ko siya napagkikita. Kung hindi ko naman siya kailangan, susulpot naman na parang kabute. Hindi na bale, parang pinagtatagpo naman kami ng tadhana. Siguradong makikita ko pa siyang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD