Liegh Nagising akong masakit ang kanang balikat. Ang bigat rin ng ulo ko at parang nakatulog ako ng mahabang panahon. Nanaginip rin ako. Nakikita ko si Raphael. Nakikita ko siyang malungkot na nakatingin sa akin. Kinakausap ko siya ngunit tanging nagagawa niya lang ay titigan ako. Napaigik ako nang pilitin kong bumangon. Suya namang pag-angat ng ulo ni Nanay Editha na nakadukdok sa gilid ng higaan ko. "Liegh..." Agad niya akong dinaluhan at tinulungang makaupo ng maayos. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap si Rapha dahil baka kasama ito ni Nanay. Kung narito si Nanay, dapat ay narito rin siya. Walang magbabantay sa kanya. "Nasa sa bahay si Rapha, Liegh..." sagot ni Nanay. Napaawang ang bibig ko. "Sinong kasama ng anak ko, Nay? Si Ken ba? Kumusta si Ken?" Naiiyak ako. Nadama

