Pinapatahan ko pa rin si Rapha nang marinig namin ang pagtunog ng doorbell sa bahay. Si Brad na ang pumunta para buksan ang pinto. "Police are here, they want to talk to you, Liegh," ika ni Brad na sa akin nakatingin. Nagkatinginan kami ni Kristel. Si Nanay Editha naman ay papaalis na sana para puntahan si Ken sa hospital. "I'll take Rapha. Talk to them." Kinuha sa akin ni Bad si Rapha. Ayaw pa ng anak kong bumitiw sa akin dahil na-miss ako. "You miss, Dada too, right. Let's play. I have a new game on my lappy." Nagkatinginan kami ni Kristel. "Magandang umaga po. Hindi na namin kayo naabutan sa hospital.kaya dito na namin kayo dinayo. SPO3 Sanchez nga pala," bati ng pulis at ipinakilala na rin ang kasamang si SPO2 Delgado. "Kami ang nakahawak sa kaso ninyo." Pinatuloy namin sila a

