Chapter 1
“Hay! Sana makatagpo rin ako ng lalaking guwapo, mayaman, at mamahalin ako nang tapat. May ganoon pa kayang lalaki?!” malakas na tanong ko sa aking sarili habang yakap-yakap ang katatapos ko lang basahin. “Saan kaya ako makakatagpo ng ganoong lalaki?!” muli kong bulalas.
“Nariyan sa loob ng pocketbook na binabasa mo,” singit ng kaibigan kong si Analyn.
Napasimangot akong tumingin sa babae. Parang gusto ko tuloy itong sakalin.
“Keith, kung ang basihan mo sa paghahanap ng lalaki ay iyong mga nababasa mo sa loob ng pocketbook, wala ka talagang makikitang perfect handsome sa ngayon!” patalak ng kaibigan ko.
Napairap na lamang ako kay Analyn. Nandito kami sa employees’ canteen sa ground floor ng building na kinaroroonan ng opisina namin.
Pare-pareho kaming customer relations officer sa isang land development firm.
“Kaibigan pa naman kita, pero sinisira mo ang ilusyon ko.”
“Mahal kong kaibigan, itinatama ko lang ang ilusyon mo. Ay! Teka lang, mauuna na ako sa iyo, Keith. Sumunod ka agad, ha,” bilin sa akin ni Analyn.
“Bakit nagmamadali ka, Lyn? Ang aga pa kaya.”
Muli siyang humarap sa akin habang nakataas ang isang kilay.
“Hindi ka na naman nagbasa ng memo, ano? Alam mo bang lahat ng empleyado ay pinapa-assemble ng ala-una sa conference room?”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Teka, bakit hindi ko yata alam iyon? Hindi tuloy ako makapagsalita.
“Keith Galindo, puwede ba! Magbasa ka rin ng memo paminsan-minsan!”
“Sorry naman po! Nakalimutan ko kasi,” palusot ko sa babae sabay ngiti nang alanganin.
“Iwan ko sa ’yo, Keith! Bilisan mo na lang at baka ma-late ka na naman.”
“Sige, susunod na ako sa ’yo,” sagot ko.
Pero ang totoo, wala pa akong balak umalis sa pagkakaupo ko. Muli akong tumingin sa kawalan at pagkatapos ay nagsimula na naman akong mag-ilusyon.
Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Nagulat na lang ako nang pagtingin ko sa relo kong pambisig ay sampung minuto na lamang ang natitira sa akin.
Kaya naman maliksi akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at nagmamadaling tinungo ang elevator.
“Anak ng tipak! Late na ako!” palatak ko.
Nang bumukas ang elevator sa harap ko, nagmamadali akong pumasok sa loob. Kaya lang, biglang naputol ang takong ng sapatos ko.
Peste! Malas yata talaga ang araw ko.
Ang masama pa, lumusot ang naputol na takong sa maliit na butas. Hirap na hirap tuloy akong alisin iyon. Alam kong maaari pa itong idikit. Saka sayang naman ito.
“Pambihira! Kung kailan nagmamadali ako! Nakakainis!” palatak ko habang patuloy na hinihila ang naputol na takong.
Hindi ko alintana ang papasarang elevator. Ang gusto ko lang ay makuha ang aking pakay. Ang mahal kaya ng bili ko sa sapatos na ito, tapos ganito lang ang mangyayari. Basta na lang naputol!
Ngunit bigla akong napaangat ng tingin nang mapansin ko ang isang kamay na pumigil sa pintuan ng elevator upang hindi ako maipit.
“Just what do you think you are doing, lady?!”
Nang lingunin ko ang lalaking nagsalita, ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko.
Oh, my gosh!
A gorgeous man with a furrowed forehead was looking down at me.
Saglit akong napatulala at muntik nang tumulo ang laway ko. Mabuti na lamang at napigilan ko iyon dahil nakakahiya kung sakali.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nakasuot siya ng kulay-abong business suit at, mula sa kinatatayuan ko, napakatangkad niya. Napaka-elegante at napakaguwapo niya, gusto ko tuloy mawalan ng malay.
Sa tanang buhay ko, ngayon lamang ako nakakita ng ganito kaguwapong lalaki, at sobrang lapit pa niya sa akin.
Panaginip ba ito? Ayaw ko nang magising pa! Ano ba ang kabaitang nagawa ko at nagpakita sa panaginip ko ang ganitong nilalang?!
“If you have all the time to look so stupid, well, every second for me is precious. Kaya kung balak mong tumunganga lang diyan, tumabi ka sa daraanan ko dahil naaabala mo ako, babae!”
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.
Hindi pala ito isang panaginip.
At iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may nagsabi sa akin na tanga ako. Medyo masungit pala ang anghel na ito. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagtaas ng kilay ko.
“Well, pasensiya po kung tanga!” sarkastiko kong sabi.
“Move aside!”
“Ha?!” Gulat na nakalarawan sa mukha ko.
“I said, move aside!”
Nang hindi pa rin ako kumikilos, siya na mismo ang yumuko at walang kahirap-hirap na tinanggal ang naputol na takong ng aking sapatos. Pagkatapos ay agad niya itong iniabot sa akin.
“Inilalagay mo sa alanganin ang buhay mo, babae! Siguro naman aalis ka na sa daraanan ko dahil nakaharang ka!”
Walang kibong tumabi ako habang yakap-yakap ang sapatos ko.
Sayang ang lalaking ’yon. Gwapo pa naman, kaso napakasungit. Hmmm...
“Oh, my God! Late na ako!”
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa conference room.
“Patay na talaga ako nito!” bulong ko.
“Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko sa iyo,” excited kong sabi kay Analyn nang maabutan ko siya sa conference room.
Mabuti na lamang at nasa likuran ang puwesto nito, kaya agad niya akong napansin.
“Ano ba kasi ang ginawa mo at ngayon ka lang nakabalik, ha, Keith?” tanong nito sa akin.
“Well, ganito kasi ’yon...” umpisa ko sa pagkukuwento.
Naririnig kong nagsasalita sa harap ng podium ang head ng HR Department na si Mr. Dela Cruz, pero hindi ko ito binigyan ng pansin. Abala kasi akong ikinukuwento kay Analyn ang tungkol sa lalaking nakita ko sa elevator.
“Subrang guwapo niya! Medyo masungit nga lang ang dating niya, pero okay lang. Ang bango-bango rin niya. I think I just found my fated man! Sana magkita pa kami,” wika ko habang kinikilig.
Hindi lang ang Ford ang nag-iisang kompanya sa gusaling iyon. Naroon ang iba’t ibang kompanya, kaya hindi ko alam kung saan patungo ang lalaking iyon.
Tinapik ako ni Analyn.
“Keith, ako ang iyong konsensiya. Sinasabi ko sa iyo, tigilan muna ang kabaliwang ito. Huwag mong gawing totoo ang lalaking nasa imahinasyon mo,” pang-aasar sa akin ni Analyn.
Umirap lamang ako sa kanya.
“Pambihira ka! Hindi ako nag-iimbento, my dear friend! Hay, kapag nakita ko ulit ako—”
Napatigil ako sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaki sa elevator na diretsong nakatitig sa akin.
“As I was saying, I am only here to watch over this company while my father is away for a long business trip. I am not going to impose any new rule on you. But if you are not going to listen and only have time for chit-chatting while someone in front is still speaking, you are definitely free to leave this room,” wika ng guwapong lalaki.
Alam kong ako ang pinatatamaan nito sa mga sinabi niya. Tuloy, parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko, lalo na’t halos lahat ng empleyado ay nakatingin sa akin.
I’m gonna kill this man, I swear!
Ngayon lang nangyari na napahiya ako nang sobra. Gusto ko siyang irapan nang tumingin ulit siya sa akin, pero ngumiti na lamang ako nang pilit.
“Well, that’s all I am going to say,” muli nitong wika, kaya napabaling ulit ang tingin ng mga kapwa ko empleyado sa direksiyon nito. “If you have anything to say or you have any concern, feel free to come to my office and talk to me personally.”
Bumaba ito sa podium at pinalitan naman ni Mr. Dela Cruz.
“Guys, let’s give our warm welcome to Mr. Demon Danz Ford.”
Nagpalakpakan ang mga kapwa ko empleyado habang masayang binabati ang kanilang bagong OIC.
Samantala, pinagbabalakan ko na kung paano ako makakaganti sa ginawa nitong pamamahiya sa akin.
Masama ang loob kong lumabas ng conference room.
Tahimik lamang akong nakaupo sa harap ng mesa ko. Hanggang ngayon kasi ay masama pa rin ang loob ko.
“I think I’m in love!” sabi ni Analyn na may kasamang buntong-hininga. “Mas nakaka-inspire nang magtrabaho ngayon. My gosh! He’s so guwapo! Pag-ibig na talaga ito!”
“I wonder kung binata pa si Sir Demon. Ano sa palagay mo, Keith?” tanong ni Analyn.
“Sa palagay ko, may labindalawa siyang anak—panganay, anim na asawa, anim na kerida, at anim na matrona na kasama sa bahay niya. Isa siyang makasalanang lalaki at nakikiapid. Nasusunog ang kaluluwa niya sa dagat-dagatang apoy dahil hindi na siya tatanggapin sa langit,” galit kong wika.
“Hoy, babae! Tumigil ka nga! Huwag ka ngang magsalita nang ganyan. Baka may makarinig sa iyo at lalo kang pag-initan ni Sir,” saway sa akin ni Analyn.
Nakairap na pinagpatuloy ko ang aking ginagawa.
“Para kayong mga ewan.”
Binuksan ko ang drawer at kinuha ang pouch na naglalaman ng toothpaste at toothbrush ko.
“Pakisagot na lang ang tawag. Magto-toothbrush lang ako,” wika ko.
“You there! Where are you going?” tanong ng bagong boss ko.
Napahinto ako sa paghakbang nang makasalubong ko ang substitute OIC namin sa hallway. Papunta kasi ako sa washroom.
“Sir!” naibulalas ko. Hindi ko inaasahang makakasalubong ko ito.
“Bakit pakalat-kalat ka? Hindi ba dapat ay nagtatrabaho ka sa mga sandaling ito?” tanong nito sa akin.
Nagkasalubong ang mga kilay nito nang mapansin ang bitbit kong mug at pouch.
“Pupunta lang po ako sandali sa washroom, Sir,” paliwanag ko.
“Katatapos lang ng break time, hindi ba?” galit na wika nito.
Pambihira naman! Gusto ko lang naman mag-toothbrush. Bakit ba parang ang laki ng kasalanang nagawa ko kung usigin ako ng lalaking ito?
Lumapit ito sa akin at inabot ang ID ko.
“Keith Galindo, Customer Relations Officer.”
Tumingin ito sa mukha ko at pagkatapos ay sa ID ko.
“Ikaw ba ang nasa ID na ito?” tanong nito.
Nagkasalubong ang mga kilay ko.
“Yes, Sir,” tugon ko.
“Bakit ang pangit ng ID picture mo? Mukha kang matanda rito,” tahasang wika nito.
Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
W-what?!
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Parang gusto kong ituktok sa ulo nito ang hawak kong mug para mawalan ito ng ulirat. Namumuro na ang lalaking ito sa akin. Wala ito ni katiting na gentleness sa katawan.
Why did I ever think he was my fated man?
“Sige na,” turan nito sa akin at nilagpasan ako.
Pero huminto rin agad ito at lumingon sa akin.
Sinuyod ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Muling nagkasalubong ang mga kilay nito nang mapatitig sa binti ko.
“And next time, Miss Galindo, wear something decent. The hemline of your skirt is three inches above your knee. It should be three inches below your knee. If not, expect a memo from me. Nagkakaintindihan ba tayo?” tanong nito.
Letse! Lumayas ka sa harap ko! gigil na wika ko sa aking isipan.
Pati pananamit kong palda ay pinupuna nito. Hindi ako gaanong katangkaran kaya medyo maiksi ang palda ko. Kapag humaba pa iyon nang isang pulgada, lalo nang mapaghahalata na kinulang ako sa pagkain ng Star Margarine.
Pero kahit ganoon kaikli ang palda ko, disente naman iyong tingnan.
Best asset ko rin kasi ang mga binti ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bad trip ito sa binti kong naka-expose.
“We are clear on this, Miss Galindo?” he asked while looking at me.
Tumango na lamang ako.
“Yes, Sir,” tugon ko.
“Mabuti naman kung ganoon.”
At umalis na siya sa harapan ko.
Mr. Impossible_