"Ciara, come to my room now," saad ni sir Calle nang dumaan siya sa aking silid na saktong nag aayos ako ng aking sarili upang matulog.
Sa isip isip ko kung kailan ako patulog na saka naman may e uutos ang mukong na ito.
Sumunod ako kay sir Calle patungo sa kanyang room na hindi naman ganoon kalayo sa silid na tinutuluyan ko.
"Can you please clean up my mess?" Itinuro ni sir Calle sa akin ang tambak na tupiin na damit at mga kalat na scratch na papel sa paligid.
Napakunot ang noo ko, aba sino ba naman hindi maiinis eh kung kailan gabing gabi na saka pa ako pagliligpitin ng kanyang kalat.
"Okay sir," tanging tugon ko at ngumiti sa kanya. Pero, sa loob loob ko napipikon ako pero hindi ko pwedeng ipahalata dahil ito ang trabaho ko.
Agad kong sinumulan ang dapat ligpitin dahil alam kong aabutin ako ng kalahating oras sa pagliligpit dahil sa dami ng kalat na para bang sinasadya niyang gawin iyon.
"Why sir?" tanong ko kay sir Calle dahil kanina ko pa nakikita na sumusulyap siya sa akin, habang kaharap ang laptop.
"Aren't you wearing a bra? I've been seeing your small, bare breasts for a while," mabilis na tugon nito.
"Excuse me!!" Napadampot ako ng kapiraso na tela sa tinitupi kong damit at tinakip sa dibdib.
Natawa ito at muling bumalik ang tutok ng mata sa kanyang laptop.
"Don't worry, I'm not interested in your small breasts," saad nito habang nakangiti.
"Pervert!!" singhal ko dito. At nang ihahagis ko sa mukha niya ang tela na tinakip ko sa dibdib ko mas lalo pa akong nakaramdam ng hiya dahil brief niya pala iyon.
Napatakbo ako sa aking kwarto, upang magsuot ng bra. Sino ba naman kasing babae ang nagsusuot pa ng bra pag matutulog. Agad naman akong bumalik sa kanyang silid upang tapusin ang trabaho ko dun naiwan.
"I'm not a pervert, what the heck," saad ni Calle nang pumasok ako muli sa kwarto nito.
"Really!?" Kunot noong tumingin ako sa kanya.
"Yes, and I said it again. I'm not interested in your small breasts," nakaka insultong saad ni sir Calle na nakangiti pa habang nagsasalita.
"Excuse me sir, this is not a small size. It's a medium size," pagmamalaking saad ko. Aba, hindi naman talaga small dede ko kundi katamtaman lang.
"I told you to stop calling me sir, I'm not your boss," biglang seryuso nang pagmumukha ni sir Calle.
"Okay señiorito," tanging tugon ko.
"¿Estás intentando ser molesto?" Kunot noong tanong nito.
Napangiti ako at umiling iling. Naintindihan ko kasi ang tanong nito ang sabi niya kasi kung nanadya ba raw akong mang inis sa kanya.
"So, what do you want to call you?" tanong ko sa kanya.
"Calle, or Seb. I'm most prepared for that," mabilis na tugon nito.
"Okay Calle," tugon ko. Tama nga si tita Adie, ayaw na ayaw ng pamilyang ito na tinatawag silang ma'am or sir lalo na ang katagang señiorito at señiorita dahil parang ang taas ng tingin nila sa sarili nila. Eh totoo naman na mataas sila, mayaman makapangharihan sa madaling salita. Kung totoushin kaya nga nila mag hired ng 10 katulong pero ito nag iisa ako hindi dahil gusto nila makatipid dahil ayaw nila nang maraming tao sa kanilang bahay.
Matapos kong ligpitin ang mga kalat ni sir Calle agad akong nagpaalam dito, pero bago ako lumabas nag utos pa ito na ipagtimpla ako ng kape, agad ko naman sinunod upang makapag pahinga na ako dahil gabing gabi na.
*********
Kinabukasan, araw ng sabado maaga pa rin akong nagising dahil araw-araw ko nang gagawin ang ipagluto sila ng almusal kahit walang mga trabaho ang mga ito.
Nagpaalam si ma'am Ella at sir Marvin may pupuntahan daw sila at babalik na ng meyerkulis kaya inisip ko na mag isa lang ako sa tahanan na iyon, ngunit nagkamali ako dahil naiwan pala si sir Calle at iyon na nga ang masaklap tanging ito lang ang makakasama ko sa ilang araw na wala ang magulang nito.
"Enjoying the view?"
"Po? Ahm... No..No..."
Kainis, napatulala at napatitig kasi ako kay sir Calle nang umahon ito sa swimming pool. Sinong hindi mapapatulala eh ang tanging suot lang nito brief tapos kung sa panty pa parang tibak dahil tangin p*********i lang nito ang natakpan.
"So, what are you doing here?" Lumapit si Calle sa akin.
"Ahm.. I'm.. I'm just only asking if you want drinks, snacks like that?" tugon ko. Umiwas ako ng tingin sa kanyang mga mata. Pakiramdam kasi nangliliit ako at parang matutunaw.
"I already prepared my snacks and drinks. Thank you, if you want to join my swimming time you can join."
Nawalan ako ng balance at agad nahulog sa swimming pool nang itulak ako nito.
"Sir.. Help me, sir!!" sigaw ko.
Nakakabwisit bakit naman kasi ako itulak nito eh hindi pa naman ako marunong lumangoy. Sa lalim ng swimming pool nila agad akong nakainom ng tubig.
"What the heck!! Why you can't swim!?"
Tanging narinig ko bago ako tuluyan nalubog sa swimming pool.
"Are you okay?" tanong nito nang maiahon ako sa tubig.
"No!! You want me to die!?" Nasampal ko ng malakas si sir Calle.
Nabigla din ako sa aking ginawa, napaatras ako ng bahagya nang nakita ko ang reaksyon ni sir Calle na nabigla at hindi makapaniwala na nasampal ko siya. Kitang kita ko ang pagdilim ng kanyang mukha.
"Sir.. Ahmm.."
"That's pay for what you do!"
Naitulak ko nang malakas si sir Calle upang bitawan ako nito.
Akala ko kasi sasaktan din ako pabalik, aba ang abnormal hinalikan ba naman ako sa labi.
Napatakbo ako sa aking kwarto at hindi na inabala pang lingunin ito.
"Sh!t! Nakakainis, kailangan ba talaga niya akong halikan sa labi dahil sa pagsampal ko sa kanya? Nakakainis talaga!" Pagmamaktok ko habang naghihilamos ako ng aking mukha.
Agad akong nagpalit ng aking damit dahil basang basa ito. Muli akong humarap sa salamin upang magsuklay nang bigla na naman sumagi sa isip ang ginawa ni sir Calle.
"Nakakainis talaga!!" Napahawak ako sa aking labi, iyon ang pangalawang beses na may nakahalik sa aking labi na lalaki.
Oo, hindi na ako birhen may anak na nga na tatlong taon na gulang eh. Pero kahit ganoon, ayaw kong isipin muli na muling magkamali at maibigay sa lalaki nang ganoon kadali ang aking sarili katulad nang nangyari noong lasing ako.
Ayaw kong muling lumiit ang tingin sa akin ng mga taong nakapalibot sa akin lalo na ang tita Adie ko na ngayon siya ang nag aalaga ng anak ko.
Mahirap na, isang malaking pagkakamali na ang nagawa ko at ayaw ko na maulit pang muli ito.
"Huwag kang Oa Ciara.. Halik lang iyon, nainis lang iyon dahil sinampal mo ba naman matapos kang iligtas sa pagkakalunod," saad ko sa aking sarili habang nakatingin sa replica ko sa salamin.