"Girl, ano tulala pa rin!? Ako nahihiwagaan na ako sa pagiging tahimik mo mula pa nang bumalik ka silid natin eh nagkakaganyan ka na. Hello... Birthday mo kaya ngayon, bakit parang problemado ka na?" tanong sa akin ni Janine. Habang naliligo kami sa swimming pool.
Si Janine ang pinakamatalik kong kaibigan sa aming apat na magkakaibigan na kahit masyado itong matabil at masakit manalita ito ang pinaka pinagkakatiwalaan at sumbungan ko sa hinaing ko sa buhay. Naging kaibigan ko na kasi ito mula pagkabata kaya kilalang kilala na namin ang isat isa.
"May sasabihin ako sa iyo pero huwag kang mabibigla ha?" saad ko kay Janine.
Tumango lang ito at bahaghang lumapit sa akin.
"Nine, kagabi kasi maling kwarto iyong napasok ko, tapos sa kwartong iyon may...may...Hayss... Paano ba ito?" Napahawak ako sa aking ulo dahil pakiramdam ko nahihiya ako sa kaibigan ko na e-kwento sa kanya ang karanasan ko.
Binatukan ako ni Janine," Sira ulo ka ba!? Anong may... May ano dun sa kwartong napasok mo? Multo kaya hindi ka nakabalik!?"
"Parang ganun na nga, basta hindi lang multo nakakatakot na multo," tugon ko sa kaibigan ko at muli akong napatulala.
Tumitig sa akin si Janine, titig na may halong pagdududa.
"Ano!?" singhal ko dito.
"Bobo ka alam mo iyon, mapag sisinungalingan mo ang iba pero ako hindi. Excuse me Ciara Delevingne, haler kaibigan mo ako mula pa ng mga sanggol pa tayo kaya kilala ko na pagkatao mo. Ekukwento mo iyan sa akin o lulunurin na lang kita?" Nakataas pa ang kilay ni Janine habang nagsasalita sa harap ko.
"Sa kwartong napasok ko kasi kagabi may lalaki akong nakasiping tapos ano.." Muli kong hindi naituloy ang aking kwento dahil naiiyak ako sa tuwing naiisip ko ang katangahan na nagawa ko.
"Halika na muna sa kwarto natin, doon natin pag usapan iyang kwento mo," saad ni Janine at hinila ako sa aming silid.
Hindi na namin niyaya si Lailyn at Karina dahil may mga kausap itong mga lalaki at mukhang nag e-enjoy kaya hinayaan na lang namin kaya suminyas na lang ako na pupunta kami sa kwarto namin.
"Anong ginawa sa iyo? Ginahasa ka ba? Pilinit ka ba ng lalaki? May ginawa bang mali sa iyo? Ano, sabihin mo para ma-report natin sa staff o sa mga pulis," pag aalalang saad ni Janine nang makapasok kami sa kwarto.
"Walang ganoon na pangyayari Nine, walang pilitan, walang masamang ginawa kasi iyong nangyari ginusto ko rin naman," mahinang tugon ko sa kaibigan ko.
Napanganga si Janine at kalaunan napahalakhak ito ng tawa.
"Baliw ka nagawa mo pa akong pagtawanan sa kagagahan ko kagabi. Janine, nagkamali ako ng pinasok na kwarto kagabi tapos paghiga ko sa kama may lalaking humalik sa akin, tapos ayon nagtuloy tuloy na," pagkukwento ko kay Janine.
"Haha...Hindi ko ma imagine kung gaano ka baliw, isipin mo nag debut ka lang nag pa gerr gerr ka na!? Hayss.. unang lasing, nakatikim agad ng ot*n." Hindi pa rin mawala wala ang tawa ni Janine habang nagsasalita.
Wala akong naging tugon kay Janine kundi tingnan lang siya paano ako pagtawanan.
"Ciar, pogi ba iyong lalaki na naka ano mo? Eh kasi naman wala ka naman boyfriend tapos bumigay ka kaagad?" muling tanong ni Janine sa akin habang tumatawa pa rin ito.
Umiling iling ako, dahil sa totoo lang kahit anong isip ko, kahit anong alaala ko hindi ko talaga matandaan ang mukha at hitsura ng lalaking nakasiping ko.
Kumonot ang noo ni Janine kaya napaupo ako sa sofa.
"Madilim Janine, wala akong maalala o matandaan man lang sa hitsura ng lalaking iyon. Basta ang alam ko, mabango siya, matangkad at malaki pangangatawan at higit sa lahat englishero," pagpapaliwanag ko kay Janine.
"Ayy foreigner? Afam ba? Gaga halika puntahan natin kung saan kwarto ka pumunta kagabi para makita natin ang mabangong guy na nakabihag sa virginity mo," diritsahang saad ni Janine.
Lumabas kami ng silid at tumungo sa katabing silid pero nakatatlong door bell na kami at may kasamang katok wala pa rin na lumalabas ng tao hanggang isang staff ang lumapit sa amin.
"Good afternoon ma'am, may problema po ba?" tanong ng staff sa amin.
"Ahmm.. Andito pa ba iyong guy na naka check in dito sa room na ito?" tanong agad ni Janine sa staff.
"Kanina pa po nakaalis madaling araw ma'am, kaya wala na pong tao diyan sa loob," tugon ng staff sa amin.
"Pwede ko bang malaman, or makuha man lang ang pangalan nung guy?" saad ko sa staff.
"I'm sorry ma'am, pero mahigpit po namin na pinagbabawal ang pagbibigay nang any private details ng aming lahat na bisita na nag stay cation sa building na ito. Alam n'yo na po para sa privacy ng lahat, hoping na maiintindihan n'yo ma'am," nakangiting tugon ng staff.
Tumango lang ako, at gumanting ngiti sa staff.
Hinila ko na si Janine upang pumasok sa aming silid at doon na lang mag usap.
"Sira ulong lalaking iyon ah.. May pa tawag tawag pa siyang baby sa akin kagabi tapos iiwanan lang pala na parang wala lang.. Nakaka bwisit iyon ah!" gigil na saad ko habang nakapamewang at salubong ang aking kilay dahil sa gigil na nararamdaman ko.
"Ayy nakuu.. Tigilan mo na pag e-emote mo na diyan, gaga ka rin kasi. Huwag mo na isipin iyon, halika ka na mag enjoy na lang tayo.. Don't worry my best friend safe sa akin ang sekreto mo na may naka gerr gerr ka sa mismong debut mo sa lalaking hindi mo nakilala haha.." Muli akong pinagtawanan ni Janine habang nakahawak sa aking balikat.
"Hindi iyon ang inaalala ko Nine, what if mabuntis ako? Or kahit malaman ma lang ni tita ko ang nangyari sa akin? Hayss... Tiyak sasabunutan ako nun at palalayasin at hindi na pag aralin. Ayaw ko mangyari iyon Janine, marami akong pangarap sa buhay at gustong marating at gusto ko rin bumawi sa tita ko na buong buhay niya nilaan niya sa akin," tanging tugon ko kay Janine habang hindi ko namamalayan na may tumulong luha na pala sa mga mata ko.
Matandang dalaga ang tita ko na nagtaguyod o umampon sa akin mula nang sanggol pa ako na iniwan ako sa kanya ng mama ko na kapatid niya.
Ayaw ko bigyan ng kahihiyan ang tita ko, dahil buong buhay niya inalaan niya sa akin upang maabot ko ang pangarap ko maging ang sariling kaligayahan niya tinalikuran niya para sa akin kaya natatakot ako na magbunga ang isang gabing kagagahan na nagawa ko .