Chapter 4

1038 Words
"Mukhang nangangayayat ka ata? Maputla ka pa, anong nangyayari sa iyo? May sakit ka ba?" sunod sunod na tanong ni tita Adie sa akin at pinasadahan pa ako mula ulo hanggang paa pasalubong ko dito. Umuwi ng Pilipinas si tita Adie, dahil may kailangan siyang permihan na papers. Papers para sa bentahan ng lupa sa bukid na sinasaka ng isa niyang kaibigan dahil gusto niyang bumili ng mas malaking lupa na sakahan. "Wala po tita, medyo masama lang po ang pakiramdam ko," mabilis na tugon ko. Agad kung binuhat ang ang kanyang bag at bagahe na dala dala. Pinaghanda ko ng makakain si tita dahil wala pa raw itong kain buhat sa mahabang byahe. Agad naman itong kumain at naupo sa sofa pagkatapos kong niligpit ang pinagkainan niya. "Baka masyado kang tutok sa pag aaral mo ha, sa kagustuhan mong makakuha ng mataas ng grado health mo naman ang maaapektuhan huwag ganun anak," muling saad ni tita Adie nang muli niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumiti lang ako at umiling sa kanya. Strict si tita Adie, pero mabait naman ito at sobrang generous pag dating sa pangangailangan ko sa pag aaral. "Kunin mo iyong isang bag, sa iyo lahat iyon. Marami akong pasalubong na dress at bag, shoes para sa iyo." Tinuro ni tita ang bag na nakapatong sa isang bagahe. Agad kong kinuha at excited na buksan, ang gaganda ng dress lalo na ang mga shoes at bag talagang halatang mamahalin at branded. "Binili iyan ng amo ko para sa iyo, alam mo naman iyon gustong gusto kang bilhan palagi dahil sa kagustuhan magkaroon ng anak na babae eh ayan ikaw lagi ang iniisip. Palibhasa isang lalaking anak lang pinagkaloob sa kanila," pagkukwento ni tita Adie. Hindi ko pa nakikita ang amo ni tita Adie, pero mabait at generous ang mga ito eh kahit nga sa mga larawan lang sa social media ang pinapakita ni tita Adie ako sa kanila tuwang tuwa ang mga ito. Private ang buhay ng pamilya kaya wala kahit picture man lang si tita Adie at syempre wala rin mga itong social media tulad namin. "Sukatin mo ito, bagay ito sa iyo Ciara." Inabot sa akin ni tita Adie ang kulay maroon na dress. Agad akong pumasok sa kwarto ko at sinuot ko ang dress. Morena lang kasi ang kulay na mayroon ako, pero kahit ganoon makinis naman nag balat ko kaya ang kulay na maroon ang nagpalabas ng ganda balat ko. "Diba... Bagay na bagay sa iyo. Pero bakit parang ma puson ka ngayon Ciara, kahit namayat ka?" Kumunot ang noo ni tita Adie nang makita akong lumabas ng kwarto suot ang dress. "Ahhh...Ano kasi tita, hindi.. Hindi pa kasi ako nagkakaroon kaya ito malaki pa puson ko," mabilis na tugon ko. At agad akong pumasok sa kwarto at nagpalit ng damit. Nanginginig ang katawan ko, hindi ako makatagal na suot ang dress dahil nakikita ang umbok ng tiyan ko. Apat na buwan, apat na buwan na mula ng nang debut ko at mula noon ay hindi na ako nagkaroon pa ng regla o buwanan dalaw. Sa madaling salita oo buntis ako. At kasalukuyan akong nasa stage ng paglilihi. Lumabas ako ng kwarto suot muli ang maluwang na t-shirt at short upang hindi mahalata ni tita ang katangahan na nagawa ko. May kausap sa cellphone si tita, kaya hindi ko na ito inabala pa at agad kong pinagtuunan ng pansin ang mga can goods at chocolates na pasalubong din ni tita. "Aba... At kailan ka pa nahilig sa chocolate?" Nakangiting saad ni tita Adie. Ngumiti lang ako sa kanya, hindi ko rin ma-imagine na maging ang chocolate na hindi ko kinahiligan ngayon ay gustong gusto ko na. "Hala sige na, pagkatapos mong ligpitin iyang mga pasalubong eh matulog ka na. Matutulog na ako, pagod na pagod ako sa byahe kaya bukas na tayo magkwentuhan," muling saad ni tita Adie bago pumasok sa kanyang kwarto. Tumango lang ako at ngumiti, pasado alas onse kasi ng gabi kaya matapos kong pagsawaan ang chocolate ay dumaan at sumilip ako sa kwarto ni tita bago matulog sa kwarto ko. Pinagmasdan ko ang mukha ni tita Adie na nababanaag na ang katandaan, mahimbing ang tulog nito dahil na rin siguro sa pagod sa byahe eh hindi nito naramdaman man lang ang pagpasok ko. "I'm sorry tita," bulong ko at hindi ko mapigilan na umiyak. Pigil na pigil ko ang hikbi ko. Na ge-guilty ako, sa nagawang kasalanan ko kay tita. Hindi ko ma imagine o maisip kung anong pakiramdam at magagawa ni tita sa akin kapag nalaman niyang buntis ako. Isang buwan na rin akong hindi pumapasok sa school, tumigil na ako sa pag aaral mula ng malaman kong dalawang buwan na akong buntis. Hirap na hirap ako sa sitwasyon ko, hindi ko na rin alam ang gagawin ko tanging si Janine, Karina, at Lailyn ang nakakaalam ng sekreto ko, dahil silang tatlo lang ang pinagkakatiwalaan ko. May mga oras at panahon na gusto ko na lang wakasan ang sarili ko dahil sa kagagahan na nagawa ko, pero sa tuwing naiisip ko ang sanggol na nasa sinapupunan ko at si tita nagbabago ang isip ko. Hinaplos ko ang mukha ni tita Adie, hindi ko alam kung paano ko siya harapin pag nalaman niya ang kahihiyan na nagawa ko. Sobrang nakakahiya, iiniisip ko pa lang ang kahihiyan na mangyayari kapag na bulgar na ang sekreto ko. Sino ba naman kasing matutuwa sa nagawa ko, nabuntis at hindi alam ang kung sino ang ama. Pinagmamalaki sa lahat, matino at marangal na babae pero magiging diagrasyada lang pala na babae. Maingat kong isinara ang pinto ng kwarto ni tita, at pumasok sa kwarto ko upang matulog. Gustong gusto kong sabihin kay tita ang nangyari sa akin, ngunit inuunahan ako ng takot. Kaya grabi ang kaba ko, at para akong aatakihin sa puso ng tumawag ito at uuwi ng ilang araw dahil napagdisisyonan niyang ebenta ang lupa na nabili nito upang bumili ng mas malaking lupa. Ang plano ko pa naman ay itatago ko ang pagbubuntis ko, at hindi ipapalam dito ang nangyari sa akin dahil tutal dalawang taon pa naman ang contract nito sa Spain bago umuwi kaya gulat na gulat ako sa pag uwi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD