Halos wala na akong isuka kakasuka tuwing umaga, ito ang naging araw araw na pinag dadaanan ko mula ng tumungtong ng tatlong buwan ang tiyan ko.
"Anong nangyari sa iyo? At ang aga aga suka ka ng suka may sakit ka ba ha Ciara?" tanong sa akin ni tita Adie nang makita akong halos nakasubsob na sink . Agad nitong hinaplos ang likod ko.
"Wala po tita, siguro po napadami lang ako ng kain ng chocolate kagabi," tugon ko kay tita at agad nag hilamos at inayos ang sarili at ngumiting humarap dito.
Tumitig muli sa akin si tita Adie, nakakunot pa ang noo nito.
Mabuti na lang at muling may tumawag sa kanyang cellphone kaya umalis ito sa harapan ko.
Napahawak ako sa aking ulo, dahil mukhang nakaka ramdam na si tita sa sekretong tinatago tago ko.
Nagpaalam si tita, at pupuntahan daw siya huwag ko raw siya lutuan ng almusal maging sa pananghalian dahil sa labas na raw siya kakain at na uuwi dahil gusto raw niya agad matapos ang dapat niyang gawin upang makabalik na agad siya sa Spain dahil 1 week lang siya dito sa Pilipinas.
Mabuti na lang at ganoon, dahil wala akong dahilan upang magpanggap na pumapasok ako sa school kahit ang totoo isang buwan na akong hindi nag aaral.
*******
Isang malakas na sampal ang sinalubong sa akin ni tita Adie nang pagbuksan ko ito ng pinto pasado alas otso na nang gabi ito nakauwi sa aming tahanan.
"Tita bakit po!?" Nagulat ako, at napahawak sa pisngi ko.
"Hanggang kailan ka magsisinungaling sa akin!?" singhal ni tita sa akin.
"Tita ano po ba ginawa ko?" Pabalik na tanong ko kay tita dahil hindi ko alam kong ano itong nalaman niya sa akin ang pagbubuntis ko ba o pag tigil ko sa pag aaral.
"Naka usap ko ang teacher mo, saktong nakasalubong ko malapit sa munisipyo. Ciara!! Bakit!? Bakit isang buwan ka nang hindi pumapasok?" Kitang kita ko mukha ni tita Adie ang galit at punong puno ng tanong sa akin.
Hindi ko alam kong anong isasagot ko kaya napaiyak na lang ako.
"Magtapat ka na!! Parang awa mo na Ciara, huwag mo na akong pagsinungalingan pa. Lagi kitang kinukumusta, kumusta araw mo, pag aaral mo? At wala kang ibang sagot kundi ayos lang at nag aaral ka ng mabuti pero ano ito? Ano ito Ciara !? Isang buwan mo na akong pinagsisinungalingan!?" muling bulyaw sa akin ni tita Adie.
"Tita I'm sorry, tita I'm sorry..." Wala akong ibang nasabi kundi ang salitang sorry.
"Sabihin mo sa akin ang totoo? Anong nangyari sa iyo?" Tumitig si tita sa akin.
"Tita.. Tita buntis po ako," mahina lang ang pagkakasabi ko pero alam kong naririnig iyon ni tita.
Sinampal muli ako ni tita ng dalawang beses sa magkabilang pisngi ko kaya halos mabingi ako ng oras na iyon at Napa upo na lang sa sahig.
"May nobyo ka pala ng hindi ko alam? My goodness Ciara kaka 18 mo pa lang, ang bata bata mo pa. Bakit ganun? Bakit sinira mo ang tiwala ko sa iyo. Wala kang pinag kaiba sa ina mo.. Mga wala kayong utang na loob at higit sa lahat walang kwenta, walang awa sa akin."
Hindi ako nakasagot, hindi ako nakaimik sa mga masasakit na salitang binitawan ni tita sa akin bago ito pumasok sa kwarto niya at pabagsak na sinira ang pinto.
Deserve ko ang mga salitang iyon, totoong wala akong pinagkaiba sa ina ko na nabuntis ng maagap at pagkatapos akong ipinanganak ay basta na lang akong iniwan sa tita ko at sumama sa ibang lalaki at hanggang ngayon ay wala pa rin paki alam sa akin at kinukumusta lang ako pag may kailangan ni hindi rin masabi sa akin kung sino ang aking ama dahil tulad ko nabuntis ang ina ko dahil sa alak.
Isa sa mga reason kung bakit may pagkakataon na gusto gusto kong wakasan ang buhay ko dahil ang pinaka ayaw na ayaw ko nangyari sa akin ay walang pinagkaiba sa ina ko ang nabuntis ng hindi alam sino ang ama.
Pumasok ako sa kwarto ng tita ko, hindi ko kayang lilipas ang gabi ng hindi ko siya nakakausap at humingi ng tawad sa kanya.
"Tita.... Tita alam kong naririnig mo ako, I'm sorry tita kong nagawa kong magsinungaling sa iyo. Tama ka wala akong pinagkaiba sa ina ko, tita I'm sorry dahil nabuntis akong walang kikilalanin ama ang magiging anak ko," hindi ko muli mapigilang umiyak.
Tumayo si tita sa pagkakahiga at humarap sa akin. Kitang kita ko rin sa mata niya ang matinding pag iyak.
"Anong sabi mo? Ano hindi ka rin pananagutan ng nobyo mo?" kunot noong tanong sa akin ni tita Adie.
"Wala po akong nobyo tita.." Napahawak ako sa aking bibig habang umiiyak.
"Anong walang nobyo? Paano ka mabubuntis ng walang nobyo?" Napakapit si tita sa kanyang ulo.
Bumuntong hininga ako bago sinimulang e-kwento sa kanya ang nangyari sa akin noong mismong debut ko.
"Ang tanga tanga mo!! Ang tanga tanga mo!!" May sabunot at sampal ang nagawa sa akin ng tita sa pangalawang pagkakataon wala akong nagawa kundi ang saluhin ang pananakit ni tita kung iyon lang ang dahilan upang maibsan ang galit niya sa akin.
"Lumabas ka sa silid ko! Paki usap. Baka kung ano pa magawa ko sa iyo, malimutan ko pa na buntis ka," saad muli ni tita.
Hindi na ako nagsalita pa muli, sinunod ko na lang si tita.
Wala akong ginawa sa pagdamag na iyon kundi ang umiyak ng umiyak nag sisi sa mga nagawang kasalanan ko.
******
"Mag ayos ka, at tutungo tayo sa teacher mo at pakikiusapan ko rin ang mga teacher mo na kung maari ay mag module ka upang kahit senior high school man lang makatapos ka sa pag aaral," tanging saad ni tita Adie nang lumabas ito ng kwarto at datnan akong umiinom ng gatas sa kitchen.
"Ayaw ko na po tita mag aral, buo na po ang disisyon ko na tumigil. Huwag po kayong mag alala tita, nagtatrabaho po ako hangga't kaya ko pa para may magastos ako sa panganganak ko," tanging tugon ko kay tita.
Hindi na nagsalita pa muli si tita Adie, tumingin lang ito sa akin. Sa halos isang linggo na pananatili nito sa Pilipinas ramdam ko ang disappointed sa akin. Pero kahit hindi kami okay nang bumalik ito sa Spain, nag iwan ito ng hindi kalakihan na pera sa account ko inisip pa rin nito ang sitwasyon ko. Halos linggo linggo rin dinadalaw ako ng iba kong kamag anak at kaibigan binilin daw sa kanila ng tita na bantayan ako at alagaan. Mahal na mahal pa rin ako ni tita kahit nakagawa ako ng malaking kasalanan sa kanya.
********
Mabilis lumipas ang mga taon, apat na taon mula nang umuwi si tita Adie sa Pilipinas at tatlong taon na gulang na ang anak ko. Ang akala ko na dalawang taon na lang kuntrata niya sa Spain naging apat dahil sa pakiusap ng amo niya bago pa siya mag resign.
"Ano Ciara, kaya mo ba mag ibang bansa? Sinasabi ko sa iyo mahirap ang buhay doon, ang no. 1 na magiging kalaban mo ay ang inip sa mahal sa buhay," saad ni tita habang nilalaro si Prince Carl na anak ko.
Na e-recommend kasi ni tita na ako na lang ang pumalit sa kanya sa Spain bilang katulong ng kanyang amo. Tutal mababait naman daw ang mga ito.
"Opo tita, syempre kakayanin.. Saka gusto ko rin naman na magpahinga na lang kayo dito sa bahay, at ako naman ang magtatrabaho. Syempre gusto ko rin naman bumawi sa inyo," tanging tugon ko kay tita.
"Naku ang intindihin mo itong anak mo, dahil sa mga susunod na taon mag aaral na ito," tugon ni tita.
Isang buwan lang ang tinagal ng proseso ng papel ko at agad akong nakaalis at tumungo ng Spain. May kaba at excitement akong nararamdaman dahil panibagong mundo ang aking tatahakin dahil sa loob ng apat na taon na pagtigil ko sa pag aaral wala akong ibang ginawa kundi ang pumunta sa bukid at tumulong sa pagtatanim.
"¿Hola, cómo estás?" agad na bati sa akin ng amo kong babae na si ma'am Ella, pagkasalubong sa akin sa airport.
Mabuti na lang ang nakapag aral ako ng basic words ng Spanish kaya naintindihan ko agad ito na ang ibig sabihin" Hello at kumusta raw ako."
"I'm okay po ma'am," tanging tugon ko.
Ngumiti ito at suminyas na pumasok ako sa kotse. Ang sabi ni tita hindi raw ako mahihirapan makipag cumunicate sa mga ito at marunong naman umintindi ng English at magsalita paminsan minsan at saka mayroon naman google translate sa isip isip ko.
Naalala ko dati na gustong gusto ako ng mga ito, at naawa rin sa naging kalagayan ko nung nalaman nila nangyari sa akin. Kaya naman noong nalaman nila na agad akong nakaalis sa Pilipinas tuwang tuwa ang mga ito.
"This will be your room, don't be shy about telling me what you need and tell me right away. For now, get some rest and you'll start your work tomorrow, okay?" saad ng aking amo nang pumasok kami sa kwarto ko.
Ang alam ko may anak itong lalaki na dalawang taon ang tanda sa akin, ito talaga ang inalagaan ni tita Adie mula sanggol. At dahil nga binata na ito, ang tanging papel ko na lang sa tahanan na ito ay ang pagsilbihan sila sa madaling salita katulong.
"¿Qué estás haciendo aquí!?
Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likuran ko.
"Lo siento, lo siento," tanging tugon ko dito.
Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa likuran ko, at alam ko ito ang anak na tinutukoy ni tita Adie.. Matangkad, hindi ganoon ka puti ang balat tama lang may matangos na ilong at mapupungay na mata at bumagay sa awra nito ang kanyang medyo curly na buhok at syempre gwapo.
Tinatanong nito, kung ano ang ginagawa ko doon sa terrace nag libot kasi ako ng bahagya at nakarating doon. Lo siento, ang naging tugon ko na ang ibig sabihin I'm sorry.
Hindi na ito muling nagsalita pa at tumingin lang ito sa akin ng mula ulo hanggang paa na walang ka emosyon emosyon na para bang wala lang ako sa kanya saka tumalikod.
"Ehh suplado, sabi ni tita Adie mabait daw ito," bulong ko sa aking isipan habang naglalakad patungo sa aking silid.
Agad akong nakatulog dahil na rin siguro sa pagod sa haba ng byahe, at alam ko dapat din na ipahinga ko ang aking katawan dahil kinabukasan mag uumpisa na ako sa aking trabaho.