Cullen
"Mama look? Kai's uniform looks nicer than Rai. Why? You lob Kai more than Rai?" tanong ni Rai habang binibihisan ko si Eon.
Nauna ko ng binihisan ang tatlo bago si Eon dahil pahirapan ang mga itong bihisan bukod sa pahirapan pang gisingin.
"No habibi. It's the same. Look at the mirror," sagot ko sa kanya bago tumingin kay Eon. .
"Tandaan mo Eon kapag inapi ka, sabihin mo sa akin ha?" paalala ko sa kanya.
Buti pumayag si Sage na kahit papaano ay makapag-aral si Eon. But of course may kapalit iyon.
Inihatid ko ang mga bata sa sasakyan.
"Mama, you no come with us?" tanong ni Kai sa akin.
"No, Kai. I'll be waiting for you here," nakangiting sagot ko sa kanya.
"Otay," aniya bago humawak sa kamay ni Eon which made my little son blush.
"No hold hands to Eon Kai! Kai no fair!" sabi ni Sai bago tinanggal ang pagkakahawak ni Kai sa kamay ni Eon.
"No touching either!" dugtong naman ni Rai.
"Otay otay! Kai no holds and touches anymore," sahot ni Kai sa kanila na nagkasya na lang sa pagtingin kau Eon.
Pagkatapos kong maisara ang pintuan ay nagpaalam na ako sa kanil bago umalis ang sasakyan patungo sa kanilang eskwelahan.
"Cullen? Ikaw na ba si Cullen?" tanong sa akin ng may edad ng babae habang nagtitimpla ako ng kape sa engrandeng kusina ng bahay ni Sage. "Mabuti nama-"
"Nana Sonya," narinig naming may nagsalita sa pintuan ng kusina na hindi nagpatuloy sa sasabihin sana ng babae. Sa tono kasi ng napapanalita niya ay parang kilala niya ako.
"Sage," sabi ni Nana Sonya.
"Gawah (coffee) and tamar, please. Bring it to my room, Cullen," utos nito bago umalis at naiwang natitigilan ang babae.
"Ano ho iyong gawah, Nana?" tanong ko sa kanya.
"Ah kape iyon, Cullen. Sandali lang at igagawa ko siya," aniya na parang hindi makapaniwala at natitigilan.
"Tulungan ko na po kayo," alok konsa kanya.
"Oh sige. Kunan mo na lang ako ng manok sa ref at mga sangkap na lulutuin ko ng tanghalian. Kumakain kasi muna si Sage bago pumunta ng trabaho," aniya.
"Sige po. Alin-alin po ba ang kukunin ko?" tanong ko sa kanya.
"Nakamagnet sa ref ang recipe na lulutuin ko, Cullen. Check mo na lang. Nasa food storage room lahat ng mga nakasulat diyan," sagot niya.
Lumapit ako sa malaking ref at saka kinuha ang papel na nakasulat doon.
"Alam mo ba Cullen, yung dating asawa ni Sage ang nakaisip ng ideyang iyan," sabi niya sa akin matapos makapagsalang mainit na tubig sa isang kettle-like na kaldero.
"Po? Akala ko po namatay siya sa pagnganganak sa triplets?" tanong ko sa kanya.
Natigilan ito ng bahagya at saka ngumiti.
"Iyan ay noong nagbubuntis pa lang siya. Napapagod na kasi siyang pumunta dito sa kusina mula sa taas kung kaya sinusulat na lang niya at saka pinabibigay sa akin kinabukasan kay Sage," aniya.
"Ah," tatango-tango kong sabi.
Ibig sabihin ba noon ay mabuting asawa at nanay ng triplets? Was he better than me? Halos maiyak ako sa isiping ang bilis lang akong pinalitan ni Sage ngunit hindi ko rin naman siya masisi dahil ako ang bumitaw.
"Siguro po ay napakabait ng asawa niya, ano po?" tanong ko sa kanya matapos tanggalin sa magnet ang papel.
"Ay oo. Sobra. Alam mo ba Cullen kahit na buntis iyon, hindi siya nawawalan ng oras kay Sage. Siya pa nga ang nagluluto para sa asawa at sinisigurado niyang naalagaan ito at bukod pa doon. Ubod ito ng bait," aniya pa na matamang nakatingin sa akin.
"Siguro po ay magandang lalaki rin siya," sabi ko.
"Simple lang si-"
"There's no use of talking to someone who is dead, Sonya," sabi ng isang boses sa pintuan ng kusina.
Sabay namin nilingon kung sino ang nagsalita at nakita ko ang lalaking kasama ni Sage sa sasakyan noong sinundo niya ang bata.
No doubt about the man's beauty. Isa itong dominant omega. Ito ang klase ng omega na pinag-aagawan ng mga alpha kagaya ni Sage.
Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
"Sorry ho, Sir Liyue," sabi ni Nana Sonya.
"Sa susunod, ayaw kong pinag-uusapan ang taong iyon dito. At alam mong ayaw din ni Sage na marinig ang anumang tungkol sa kanya. Naiintindihan mo?" sabi nito sa matanda.
"Excuse me, pero hindi bata ang kausap mo. At sa tingin ko ay hindi pa naman kayo kasal ni Sage. Show some respect porke naninilbihan siya rito," hindi ako nakatiis sa talas ng dila ng lalaking nasa harapan ko. When it comes to old people, respect is a must.
"At sino ka naman para pagsabihan ako niyan? Hindi mo ba ako kilala? Ako ang fiance ng amo ninyo. At sa malaon ay isa na ako sa magiging amo ninyo," galit na sabi nito. "At ikaw," aniya na sa akin na nakatingin. "Know your place. Yaya ka lang ng mga anak ni Sage at wala kang karapatang sagut-sagutin ako," sabi pa niya.
Hindi na kami umimik ni Nana Sonya. Tumalikod ito at marahil ay pupuntahan si Sage sa kwarto nito.
"Naku! Hindi ko talaga alam kung bakit iyan ang napiling ipalit ni Sage kay Yu," sabi ni Nana Sonya.
"Yu? Sino ho iyon?" tanong ko sa kanya.
Siya ba iyong dating asawa ni Sage?
"Ah. Palayaw ko iyon sa asawa ni Sage dati," sagot niya.
"Pero itong Liyue na ito, kung ano ikinaganda ng mukha niya ay siya ring ikinapangit ng ugali nito. Naku Cullen, mag-iingat ka sa omegang iyon. Walang nagtatagal na yaya ng mga bata dahil inaaway ng lalaking iyan," sabi ng matanda habang isinasalin sa thermos ang kape.
"Tatandaan ko po iyon, Nana," sagot ko sa kanya bago lumalabas ng kusina ta pumunta ng food storage room ng bahay.
Paglabas ko ng silid na iyon ay hindi sinasadyang nakita kong naghahalikan sina Sage at Liyue. Mahigpit na nakakapit sa leeg ni Sage si Liyue habang nakahapit naman ang mga braso ni Sage sa bewang ng lalaki.
Biglang nanikip ang aking dibdib. Namuo agad ang luha sa aking mga mata. Mabuti na lang at hindi nila ako napansin. Bumalik ako sa loob at doon ibinuhos ang luhang kanina pa nagbabadyang umalpas sa aking mga mata.
Napasandal ako sa dingding malapit sa pintuan at kagat-labing umiyak. All I need to do is cry dahil alam kong kapag tapos na akong umiyak, mapapawi ng kaunti ang sakit na aking nararamdaman. Alam ko namang deserve ko ang nangyayari sa akin. Ano ba naman ang panama ko sa dating asawa ni Sage at sa fiance niya ngayon? Wala, hindi ba? Isa lang akong ordinaryong omega na tadtad ng utang.
Sumilip ako sa labas. Wala na roon ang dalawa. Binitbit ko ang basket ng may lamang ingredients ng lulutuin ni Nana Sonya. Sumaglit lang muna ako sa pinakamalapit na banyo at saka naghilamos. Baka kasi magtanong ang Nana kung bakit namumula ang aking mga mata.
Humarap ako sa salamin at saka isinuot ang maskarang matagal ko ng gamit. Maskarang nagkukubli sa tunay na ako.
Ngumiti muna ako bago lumabas ng banyo at nagtuloy-tuloy ng kusina.
"Narito na po lahat ang nakasulat, Nana Sonya," nakangiting sabi ko sa kanya pagkapasok ko ng kusina.
"Salamat Cullen. Dito raw kakain ang demonyo," nakasangot na sabi niya sa akin.
"Po? Sino pong demonyo?" natatawang tanong ko sa kanya kahit alam ko na kung sino iyon.
"Sino pa ba? Eh di si Liyue. May bahay naman siya bakit dito pa kakain," aniya pa na ikinatawa ko.
"Baka po gusto lang niyang makasama ang mag-aama," sagot ko sa kanya.
"Kuh! Para namang gusto siya ng mga bata," aniya. "Ayaw na ayaw sa kanya ng mga bata lalo na si Kai. Kaya siya sumama sa Daddy niya kasi nga ayaw niya sa lalaki," aniya pa bago tumingin sa akin. "Paano ka ba nahanap este nakilala ng bata, Cullen?" tanong niya sa akin habang hinuhugasan niya ang karne ng manok at ako naman ay nagbabalat ng sibuyas.
"Ah, aksidente lang ho iyan, Nana. Nagkataong nakatayo ako sa isang stop light. Nagulat na lang po ako tinawag niya akong mama," sagot ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin ng makahulugan.
"Totoo talaga na kapag ang bata ang naghanap, mahahanap niya ay isang napakabuting tao," makahulugan niyang sabi.
"Po? Naku! Hindi po ako mabait," natatawa ko na lang sabi.
"Nahahalata ko sa iyo na mabait ka, Cullen," sabi pa niya. "Pagdumating ang tatlo pang kadama (katulong) rito ay tiyak magugustuhan ka nila lalo na iyong personal driver ni Sage," aniya pa.
"Talaga po?" nakangiting tanong konsa kanya.
"Ay maiba nga tayo Cullen," sabi niya. "Anak mo ba iyong kasama mo?" tanong niya habang naggigisa ng mga sangkap ng lulutin niya.
"Kaka-adopt ko lang po sa kanya legaly, Nana. Bale anak ko na po siya," sagot ko sa kanya.
"Kay buti mo talaga Cullen. Naku. Napakaswerte ng mapapangasawa mo kung sakali," aniya pa.
"Hindi po ako mabait, Nana," natatawa pa ring sabi ko. "Nagkataong naaawa ako sa bata kaya inampon ko na lang. Mabuti po at pumayag si Sage na isama ko siya rito at pag-aralin na rin," sabi ko.
"Mabait talaga iyang si Sage kaya lang nagbago na noong nawala ang asawa niya," sagot niya sa akin na wala sa kanyang loob.
"Po? Nawala? Hindi po ba namatay?"
"Ibig kong sabihin, namatay, Cullen," natatawa nitong sabi.
Bumukas bigla ang pintuan ng bahay kasabay ng may simigaw ng:
"Mama! Where you?"
Napangiti ako. Kahit na nasa kusina ako ay rinig na rinig ko ang boses ni Kai.
"Mama's here darlings. Welcome home," sabi ng isaang boses na halatang-halata na kay Liyue.
"Huh? You not our Mama. Kai, Sai and Rai want our real Mama. Not you," sagot ng isa sa mga bata.
Nagmano sa akin si Eon at saka humalik sa aking pisngi.
"Tignan mo," sabi ni Nana Sonya. "Ayaw talaga sa kanya ng mga bata. Trying hard talaga," aniya na ikinatawa ko na lang.
"Kai, you need to call Liyue Mama not Cullen," sabi ni Sage na kahit hindi ako nakikinig ay narinig ko pa rin iyon.
Masakit.
Bakit bawat mga salitang lumalabas sa bibig ni Sage ay masakit sa tenga at sa aking dibdib?
"No! Only Cullen is Mama. Mama is our Mama not Liyue. Liyue is bad!"
"Kairil! Stop saying that!" malakas na sigaw ni Sage sa bata.
Malakas na pumalahaw si Kai.
"Daddy bad! You no lob Kai. Kai hate you!" sigaw nito na ikinalabas mo sa kusina.
"Kai?" tawag ko sa kanya paglabas ko ng kusina.
May bahagi ng aking puso ang nasaktan lalo na ng marinig ko ang iyak nito.
"Mama!" patakbo itong lumapit sa akin at saka yumakap sa aking bewang ng mahigpit.