Ipinatong ni Tito Armand sa center table ang kanang paa habang ang tali ng kaliwang sapatos naman ang isununod ko.
“May problema ba?” tanong niya sa akin na nagpakaba sa dibdib ko.
Napilitan tuloy akong tumingin sa mukha niya. Sa medyo makapal na kilay, sa mga brown na mata na kung tumingin para akong tinutunaw. Sa manipis na labi at parang nililok sa tangos na ilong. Nakalilis ng bahagya ang suot niyang itim na muscle tops kaya kita ang pinakailalim na bahagi ng six-pack abs at manipis na balahibo mula pusod pababa hanggang maglaho sa waistband ng suot na gym shorts.
Shit. Bigla akong naglaway sa sobrang sarap ng hitsura ni Tito Armand na animo nakahain sa akin. Ano pa bang negatibong sobra ang pwedeng idahilan na pagkukulang ni Tito Armand?
“Garreth…”
Malaki ang problema. Iyon ang dapat na sasabihin ko kay Tito Armand. Pero hindi ko kayanin na ako ang maghahatid sa kaniya ng masamang balita. Ako ang magsasabi sa kaniyang may ibang lalaki si Mommy at isa sa mga susunod na araw, iiwanan na namin siyang mag-isa dito sa bahay niyang itinuring ko ng panghabang-buhay na tahanan ko.
“W-wala Tito,” tumungo ako ulit. Nahapyawan naman ng mata ko ang harapan ng kaniyang gym shorts at biglang tunigil. Minura ko ang sariling tanggalin sa pagkakatitig ang uhaw kong mga mata sa nakabukol sa dakong iyon bago pa ako mahuling nakatingin ni Tito Armand.
Mabilis kong tinanggal ang kaniyang kaliwang rubber shoes at nang tumayo ako, itinaas na rin niya ang paa sa center table katabi ng kanan.
“Sigurado kang wala?” Kita kong pinagmamasdan niya ang mukha ko, parang hinuhukay kung ano ang gumugulo sa isip ko. “Parang may kakaiba sa ‘yo.”
Pinilit kong ngumiti kahit bumalik na naman ang inis ko kay Mommy. Hindi ko maintinidihan kung paanong ang ganito ka-yummy na lalaki na bukod sa mabait ay magagawa pang palitan ng kagaya lang noong Dwight na ‘yon.
“Medyo pagod lang ako Tito, madaming ginawa sa school sa maghapon.” Kinuha ko ulit ang gym bag. “Ilalagay ko lang itong laman ng bag sa laundry room tapos ipaghahain na kita ng hapunan Tito,” sabi ko pa at hindi ko na siya hinintay na makatugon, tumalikod na ako.
Pinilit kong panindigan sa harapan ni Tito Armand na dahil sa pagod sa activities sa school kaya iba ang mood ko ngayong gabi. Iginalang naman ni Tito Armand ang pananahimik ko habang kumakain kaming dalawa ng hapunan. Nauna ng kumain si Mommy at malamang nakahiga na ito sa kama habang nagbabasa ng kung ano-ano sa ebook reader nito. Natapos ang hapunan na namayani ang katahimikan.
Maging nang maliligo na si Tito Armand isang oras makalipas, inilagay ko lang ang malinis na plaid brown boxer shorts, sando at bagong labang twalya sa may cabinet sa banyo kumpara dati na iniaabot ko ng personal.
Ayokong umalis sa bahay na ito. Ayokong iwanan si Tito Armand mag-isa. Iyon ang paulit-ulit na isinisigaw ng utak ko. Pero ano ang magagawa ko? Tama si Mommy, kapag iniwan na niya si Tito Armand, ano pang dahilan para manatili ako sa bahay na ito? Kaya lang naman ako nandito dahil nandito si Mommy.
Paghiga ko ng gabing iyon, patingin-tingin lang ako sa kisame. Wala akong maisip na paraan para mabago ang balak ni Mommy at nang huwag na kaming umalis. Para pa ngang nagsisimula ng magparamdam si Mommy kay Tito Armand nang marinig ko ang mga boses nilang dalawa na parang nagtatalo.