Bumigat bigla ang pakiramdam ko. Lumambot na ang boses ko nang muling magsalita sa pag-asam na mabago pa ang direksiyon ng isip ni Mommy. “Gusto ko na rito sa bahay ni Daddy Armand, Mommy.”
“E ‘di maiwan ka rito kung gusto mo,” parang naiinis nitong sabi sa akin saka tumalikod at bago pumasok ng kusina, “Iyon ay kung papayagan ka niyang manatili rito pagkatapos ko siyang iwanang parang basura.”
Sinundan ko siya sa kusina. “Bakit?”
Sumandok siya ng kanin mula sa rice cooker. “Anong bakit?” Hinila niya ang isang bangko saka umupo at tinanggal ang takip ng pang-ulam na niluto ko na nakapatong sa gitna ng mesa.
Wala na akong makitang pagkukulang kay Tito Armand para magaya ito sa mga naunang lalaking naka-live in ni Mommy. “Ano bang meron ang Dwight na iyon na wala si Daddy Armand?”
Umiling si Mommy at pinigil ang tawang napansin kong gumuhit sa mga labi. “Hindi kulang ang dahilan kundi sobra.”
Napakunot-noo ako tumingin sa kaniya. “Anong sobra?”
Hindi na ako sinagot ni Mommy at nagsimula na siyang kumain.
Dalawang oras kong pinag-iisipan kung ano ang sobra sa katangian ni Tito Armand na dahilan para maisipang iwanan siya ni Mommy.
Ang lahat ng sobrang alam ko ay puro positibo. Gaya na lang ng sobrang hot ni Tito Armand nang dumating ito galing sa gym na naging routine na pinupuntahan pagkalabas ng alas-kwatro ng hapon galing sa trabaho.
Nakakapanlaway ang katawan nito sa suot na grey na gym shorts, sleeveless muscle fitting top at rubber shoes. Nasa gym bag naman ang hinubad na unipormeng sinuot maghapon sa trabaho bilang Mechanical Supervisor sa isang pabrika ng tunawan ng bakal.
“Musta ang maghapon, Garreth?” bungad nito pagkaabot sa akin ng gym bag na naging routine ko na rin sa araw-araw.
Kinuha ko ang gym bag sa kaniya saka ipinatong sa sofa. Nag-angat pa ako ng tingin dahil mas matangkad siya sa akin ng apat na pulgada sa taas niyang 6’2”. “Okay naman Tito,” tugon ko na mabilis ding binawi ang tingin sa kaniyang mga mata.
Umupo siya sa mahabang sofa at iniunat ang mga paa. Kagaya ng dati, yumuko ako saka hinila ang tali ng kaniyang kanang sapatos. Iniangat naman niya ng bahagya ang sakong nang tanggalin ko ang suot niyang rubber shoes. Tinanggal ko rin ang puting medyas saka ipinatong sa gym bag.
Noong una kong ginawa sa kaniya ang pagtanggal ng sapatos ay hindi siya pumayag pero nang idahilan kong hayaan lang niya akong gawin ang dapat ay ginagawa sa kaniya ni Mommy, ang asikasuhin siyang parang hari ay napapayag ko na rin.
Kaya normal na sa akin ang makita ko ang kaniyang malinis na paa na medyo pinkish na talampakan dahil na rin sa ivory white na kulay ng balat ni Tito Armand. Normal na rin sa akin ang makita ang kaniyang maskuladong binti at hita, maliban ngayong gabing ito na bigla kong napansin na parang sa sobrang linis, parang ang sarap dilaan ang kaniyang mga daliri sa paa at araruin ng halik paakyat sa tuhod at papasok sa loob ng laylayan ng shorts papuntang singit.
Kasalanan ito ni Tristan, sa ikinweto niya tungkol sa nangyari sa kanila ni Sir Breydon sa loob ng gym shower room. Idagdag pa ang iniisip kong tungkol sa kung anong ‘sobra2 kay Tito Armand ang tinutukoy ni Mommy.