CHAPTER 11: "I'll be your friend, even if you don't want to."

2419 Words
Hetera's POV "Class, what can you say about Biology?" Panimula ng teacher namin sa Science. Siya 'yong typical na teacher na naka-salamin at 'yong facial expression niya na nakakatakot.  Wala ni-isa sa 'min ang sumagot, tumingin pa ako ng bahagya sa pwesto nila Wilson pero mukhang wala siyang balak sumagot. "Magtititigan na lang ba tayo dito? Wala talagang sasagot? Gusto niyo ba na zero na lang kayong lahat mamaya sa quiz?!" Confirmed. Mabilis siyang magalit.  Nakatikom lang ang bibig nila. Wala talaga silang balak na sumagot kaya naisipan ko ng mag volunteer para hindi na umabot pa sa quiz kung saan maging zero kaming lahat. Hindi ko naman hahayaang mangyari 'yon, mapapagalitan lang ako kapag may bagsak ako. Tiningnan ko na ang mga mata ni sir at saka tinaas ko ang aking kanang kamay, "Sir." Sabi ko para mapunta ang atensyon niya sa 'kin. Napatingin naman ang mga kaklase ko sa 'kin dahil sa ginawa ko. "Okay, Miss Lim. What's your answer?" "Biology is a natural science that deals with the study of life and living organisms." Sabi ko at lahat naman sila napanganga. "Very good, Hetera!'Pumalakpak pa si sir, 'Next question." "Sir, naman! Ang daya si Hetera lang makakasagot niyan." Reklamo naman ng isa. That's what you called power. I can read minds.* Madali lang naman talagang sagutin lalo na't kapag nagbabasa ka kahit sino masasagot 'yon. Mabuti na lamang tama ang naging sagot ko dahil nakumpirma ko sa isipan ni sir kaya confident ako. "Quiet!' Sabi naman ni sir kaya natahimik naman ang mga nagreklamo, 'Wilson." Biglang tawag ni sir sa kanya. "Good luck, par." Narinig ko pang sabi ni Von. "Yes, sir?" Sabi naman ni Wilson at tumayo na. "Let's tackle about bacteria morphology. What kind of bacteria lack a cell wall and are therefore resistant to penicillin?"  Hindi naman nakasagot si Wilson kaya muli akong tiningnan ni sir, "Hetera, alam mo ba ang sagot?" Tumayo ako, "It's mycoplasmas." Sagot ko at muling namangha si sir. Tumango si sir at muling kinausap si Wilson, "Hindi ka nakasagot, Wilson. Mukhang may katapat ka na. Hahayaan mo bang matalo ka ni Hetera?" Seryosong sabi ni sir at umupo na ako. "No, sir."  "Then, don't be such a loser!" Napasigaw na si sir kay Wilson. "Kaya naman nakasagot 'yan kasi nag-aral 'yan, eh." Sabi naman ni Wilson, lumingon pa talaga siya sa 'kin para tingnan ako ng masama. Napailing na lamang ako dahil sa kanyang sinabi, naghahanap na naman ng gulo. Nagawa pang mag-react ng mga kaklase ko. Ginatungan pa si Wilson, gusto talaga nila kaming pag-awayin. /Ngayon,  sabihin mo sa 'king nagsisinungaling ako, Hetera./  Nababasa ko kung ano ang nasa isipan mo, Wilson. Psh.* Hindi naman ako nagpatalo, "Nagsisinungaling ka,' Sabi ko naman at lahat naman ay  natahimik, hindi nila inaasahan na sasagot ako kay Wilson. 'Tingnan mo pa ang notebook ko at masasabi mong nagsisinungaling ka nga." Hindi ko na napigilan ang inis ko. Nakakainis na talaga ang ugali niya. Pilit kong iniintindi ang lahat pero pagdating sa kanya gusto ko na lang sumabog. "ANO?!" Sigaw niya sa 'kin na akala niya kami lang ang tao dito. "That's enough! Umupo na kayong dalawa.' Pumagitna na sa 'min si sir kaya napaupo na kaming dalawa, 'It doesn't matter, Wilson. Maganda pa nga kung nag-aaral siya, eh ikaw? Ngayon na 4th year ka na, Do you think I'm happy? No.' At umiling pa 'to. 'I'm very disappointed to you Wilson. Matalino ka pero anong nangyari sa'yo? And your attitude! You're unbelievable!" Tinanggal niya pa talaga ang salamin saka nilapag 'to sa kanyang table at bumuntong-hininga.  Hindi na nagsalita pa si Wilson. Ako naman ay hinintay na ang susunod na gagawin ni sir. Muli ko siyang tiningnan sa kanyang mga mata at nalaman ko na, /Kailangan kong malaman kung hanggang saan ang talino mo Hetera and Wilson./ Napailing na lamang ako dahil sa kanyang naisip. "Get a one half crosswise! It's all about Biology! Let's have a quiz, now!" Kaya naman kinuha ko na ang papel at nag ready na sa itatanong ni sir. "Number 1, The phospholipids present in cytoplasm membrane of the archaeo-bacteria is?" Ano ba 'yon?  Polyisoprenoid branched chain lipids?* Tumingin naman ako kay sir at saktong nakatingin din siya sa 'kin kaya naman madali kong nabasa ang kanyang isipan. Natuklasan kong tama nga ang sagot ko. Sunod-sunod naman ang pagtanong ni sir kaya minadali ko rin ang pagsasagot ko. Wilson's POV Sa buong buhay ko ngayon lang ako napahiya. Masyado akong naging kampante sa paligid ko, wala na akong oras para makipaglokohan pa lalo na't seryoso na ang nangyayari sa buhay ko. Pansin ko rin na simula ng dumating si Hetera sa buhay ko ang daming nagbago pero hindi pa rin magbabago na galit ako sa kanya! Never! "Nagsisinungaling ka." Paulit-ulit na lumalabas sa isipan ko. Paano niya kaya nalaman? O baka naman coincidence lang? O sadyang may common sense siya pero iba naman ang pagkakasabi niya parang nabasa niya tuloy ang nasa isipan ko!  "Number 10! The oldest eukaryotic organisms are considered to be?!" Shit! Ano ba 'yon?!* Number 10 na at hanggang ngayon alam ko lang na sigurado akong tama sa mga sagot ko ay lima pa lang. Bwiset talaga! This is bullishit! Ayoko ng ganito, may pa-surprize quiz. Kaya lang naman ako binansagang matalino dahil nag-aaral ako hindi katulad ng iba na pinanganak na matalino na talaga sa mundong 'to. Parang si Hetera na kahit yata hindi mag-aral masasagot niya. "Number 11, What kind of bacteria can grow in acidic pH? " Alam ko 'yan! Anim na ang tamang sagot ko, kulang pa rin!* "Number 12, Glenoid cavity is found in?" Shit! Pectoral girdle ba o pelvic? Bahala na nga!* Tuluyan ng tumunog ang bell. Niligtas kami! "Okay! Pass your papers in the count of one, two, three!' At pinasa na namin ang papel namin, 'Hindi pa tayo tapos sa Biology, maghanda kayo sa mga susunod na araw. Kaming mga guro niyo titingnan namin kung hanggang saan ang talino niyo. Understand?!" "Yes, sir!" Sabi naming lahat. Tuluyan ng nagpaalam sa 'min si sir Bordog. Tumayo na kami at,  "Good bye and thank you, sir Bordog!"  Bordog parang bulldog*  Bahagya naman akong natawa dahil sa 'king naisip at napailing na lamang dahil na naman sa kagaguhan ko. Lumabas na siya at nang makaupo kami para kaming nabunutan ng tinik sa lalamunan, nakakahinga ka kami ng maluwag. "Pakinengshet talaga, eh! Hindi ko alam kung mayroon ba akong tamang sinagot do'n." Sabi naman ni Von. "Ikaw, Charles? Ilan sa tingin mo ang nasagutan mo?" Tanong naman sa 'kin ni Reya. "Anim lang yata." Sabi ko naman at napahawak sa batok. "It's okay, may next time pa." Nakangiting sabi naman ni Reya kaya napangiti rin ako. Nakakahawa kasi ang ngiti niya. Ang ganda mo talaga.* "Mabuti na lang talaga! Nag bell na kundi abot hanggang bente ang quiz natin!" Von. "Bilib ako kay Hetera." Sabi naman ni Brentt at napatingin kaming tatlo sa kanya. "Anong sabi mo?!" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Narinig mo naman nagtatanong ka pa?" "Gusto mo ba si Hetera?!" Tanong ko sa kanya. "Ang ingay mo, gago." Bahagya niya pa akong siniko. "Eh, ano?!" "Malamang hindi!" Deny pa, gan'yan ka Brentt.* "Nako, pre! Siguraduhin mo lang wala." Von. "Hmm, p'wede naman. Wala namang masama do'n, ah?" Si Reya 'yong tipon na susuportahan ka talaga kahit saan. Syempre kapag hindi masama. "Hindi ako papayag." Sabi ko naman at natigilan silang tatlo, 'Kaaway ko 'yon, eh!" Dagdag ko naman bago pa sila makapagsalita baka kasi kung ano ang isipin nila. "Ah, akala ko kung ano na." Sabi ni Von at huminga pa ng malalim. "Mga baliw." Sabi ko naman. "Hetera, ano sagot mo sa number three?" "Eh, sa ten?" "Sa five?" Ang iingay nila! Gaganti ako! Mas matalino ako sa'yo Hetera.* "Everyone go back to your seats!" Dumating pa ang isang terror na teacher namin sa ESP! About values, etc. Ang dali ng subject na 'yon pero pinapahirapan niya kami. Bumati kami na kami sa kanya at nang makaupo kami isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi na para bang may ibig ipahiwatig,"Get a one fourth sheet of paper!" Another quiz. Hindi pa nga kami nakaka-get over sa una tapos meron na naman? Ganito ba talaga kapag 4th year na? Kainis! Hindi pa naman ako handa lalo na't wala akong pakialam sa subject na 'to, ang boring ba naman kasi. Kumuha na kami ng papel. Mayamaya pa ay nagsimula na kami, "What is the meaning of ADHD?" Sakit? Ano ba namang buhay 'to!* Sinulat ko na sa papel ang naging sagot ko. Mabuti na lang talaga alam ko 'yon. "Number two, It is the presence of at least one lifetime manic episodes." The what?!* "Number three, People with this disorder are typically unable to tolerate being alone, and their relationships are tend to be unstable and intense. What is that type of disorder?" Bwiset! Hindi ko alam!* "Number four, It is more than feeling of blue or down." Kinginang 'yan! Wala akong alam.* Tiningnan ko si ma'am Erin na palinga-linga sa amin. Tumitingin pa sa mga papel namin. "Isa pa lang? Really, Wilson?" Napayuko naman ako dahil sa sinabi niya. I hate you, ma'am!* Kung hindi lang talaga siya nakakatakot kayang kaya kong hindi siya respetuhin, eh. Pumipili lang kasi ako ng dapat kong respetuhin, the rest pasensyahan na kapag trip kita.  "Last number.' Ano?! Isa na lang? One to five lang pala.* 'It is the problem of maintaining a sleep." Insomnia! Alam ko 'yan! Bwiset, masaya pa ako dalawa lang ang alam ko. Amp!* "Pass your papers!" Sabi ni ma'am at pinasa na nga namin ang mga papel nang hindi tumatayo.  Nang hawak na ni ma'am ang papel isa-isa niya 'tong tiningnan. Habang tinitingnan niya pa 'to ay napapailing na lang para bang disappointed siya sa naging sagot namin. Sa huling hawak na papel niya ay napangiti naman siya. Kanino kaya ang papel na 'yon?* "Wala talaga kayong ideya, noh? Kung bakit types of disorder ang short quiz niyo at kung ano nga ba ang kinalaman ng mga disorder na 'yan sa ESP? Sa madaling salita, hindi kayo nagbasa. Ang lesson natin ngayon ay all about disorder of the patient, isang student lang ang naka-perfect." Sino ba 'yon? Tsk.* "Excellent! Miss, Hetera Lim." Sabi naman ni ma'am at lumapit pa 'to kay Hetera. Siya na naman?!* Pumalakpak naman 'yong mga kaklase ko maliban lang sa 'kin dahil naiinis ako.  "Talo ka na, par." Sabi naman sa 'kin ni Von. "Shut up." Sabi ko naman at tumawa lang siya. "Let's see, alam mo naman ang insomnia, right?" Sabi niya kay Hetera. Kami naman ay nakikinig lang sa kanila.  "Yes, ma'am." "Then, give me the four types of insomnia." Tiningnan ko naman si Hetera na nakatingin mismo sa mata ni ma'am. Nagawa niya pang makipag-eye contact sa kanya kahit na nakakatakot si ma'am. She's really a creepy person. Bakit no'ng una para siyang tanga na hindi makatingin sa 'kin. "Sleep onset, sleep maintain, terminal early awakening and mixed sleep problem." Dahan-dahan niyang pag sagot na para bang may binabasa siya sa mga mata ni ma'am. Creepy nga talaga.* "Very good, you may sit down." Sabi naman ni ma'am sa kanya at bumalik na si ma'am sa table niya.  Muli akong lumingon kay Hetera na ngumiti lamang. Tsk, babawi ako.* Nag lesson pa ng napaka-boring na si ma'am, pinipilit kong hindi makatulog dahil baka mapalabas lang ako kaya nang tumunog na ang bell. Tapos na ang morning period at nagsilabasan na ang lahat. Sinundan ko pa ng tingin si Hetera kung saan siya pupunta pero naisip ko rin na, ano nga bang pake ko sa kanya? Nagpunta na kaming cafeteria at para kumain. "Kakaiba talaga si Hetera, noh." Bigla namang sumulpot si Carly sa harap namin at tumabi kay Brentt. First love never dies nga naman, hays.* "Magpapatalo ka na lang ba?" Tanong pa niya sa 'kin. "No!" Sabi ko naman kay Carly. "Ayun naman pala! Anong ginagawa mo?" "Palagi na lang Hetera. Hayaan niyo na muna." Sumingit naman si Reya. Oo nga! Ipagtanggol mo ako, babe.* "Kitams! Buti pa si Reya concern sa 'kin. Eh, kayo pinapamukha niyo pa sa 'kin na mas magaling si Hetera!" Sabi ko naman sakanila at tumawa naman sila ng napakalakas. "Bata, amp!" Von. "Ayaw mo 'yon? May katapat ka na?" Brentt. "Sa una lang 'yan." Sabi ko naman at ngumisi. "Talaga lang, ha?" Carly. "Oo, Carly!" Sabi ko at inubos ko na ang pagkain ko. Hindi naman nawala ang bulong-bulungan nang makita ko si Hetera na pumasok na  sa cafeteria. Kahit kailan talaga hindi nawawala ang mga tsismosa't tsismoso.  "Ang ingay naman." Sabi ko na lang at napainom sa binili kong juice. "Dumating kasi si Hetera." Sabi ni Reya at tinuro si Hetera na mag-isang kumakain sa table. "Mabilis talagang kumalat ang mga tsismosa." Von. "Alam niyo naman 'yong mga auditor dito in charge sa news, bulletin board, blog at kaganapan sa school na 'to, eh." Paliwanag naman ni Carly. "What about disciplinary committee? May ginagawa pa ba?" Tanong naman ni Brentt. "Of course, pag alam naming mali. Aaksyon naman kami." Sabi naman ni Carly at tumango na lang si Brentt. Mayamaya pa ay bumalik na kami sa classroom. Muli na namang natahimik ang room ng pumasok kami. "Master is here." Kinikilig na sabi pa ng isang babae. Tsk. 'Di kita type.* Umupo na kami sa upuan namin, "Where's Hetera?" Hindi ko napansin, wala pa pala siya. Tsk, todo-concern naman 'tong si Brentt. Amp!* "Hanapin mo kung gusto mo." Sabi ko naman at tumayo nga siya, lumabas na ng room. "Masunurin." Sabi naman ni Von at humalukipkip. "Sana hindi sila ma-late. Susunod na klase pa naman ang Math." Sabi naman ni Reya. "Don't mind them." Sabi ko naman. Ma-late sana kayo mga peste!*  Hetera's POV Pagkatapos kong kumain, nag punta naman ako sa small garden. Umupo ako sa tabi ng puno. Bumuntong-hininga naman ako pagkaupo at ipinikit ang aking mga mata habang ang hangin ay sumalubong sa akin. "Mabuti na lang. Payapa ang araw ko ngayon." Madalas kong kausapin ang sarili ko kapag mag-isa ako. Sanay na dahil sa isang araw halos lahat ng oras mag-isa lang ako. Binuklat ko ang librong hawak ko at nagbasa. Hindi pa naman oras ng klase, eh. "Hetera?" Hala?* Sinarado ko ang librong binabasa ko at inilapag muna 'to sa tabi ko. Nilibot ko naman aking tingin sa paligid at nakita kong papalapit sa 'kin si Brentt. Siya na naman.* "Ano pang ginagawa mo diyan?" "Wala lang. Bakit?" Sabi ko naman at kinuha na ang libro ko at tumayo na. "Anong oras na klase pa naman sa math." "Huh? Eh, ang aga pa." Sabi ko at pinatingin ko sa kanya ang relo ko na 9:30 pa lang. Ang math subject namin ay magsisimula ng 10:00 am. "Mali, ang oras ng relo mo. Eto, oh." Sabi niya at pinatingin niya naman sa 'kin ang relo niya na 9:50, limang minuto na lang magka-klase na. Alam kong maayos ang oras sa relo ko. Bakit naging ganito?* "Ahh, sige." Sabi ko na lang. Naglakad na ako palayo sa kanya pero hinawakan niya naman bigla ang kamay ko, "Sabay na tayo." At tinanggal din 'to agad. "Okay."  "Nga pala, Hetera." Natigilan naman ako nang muli niya akong kausapin, humarap ako sa kanya. Pero hindi ako tumingin sa mga mata niya, ayoko lang. "Sumama ka na sa 'min para hindi ka na nag-iisa." "Hindi na, sanay na ako." "Hindi naman palagi kailangan mong mag-isa." At ngumiti pa siya. "Ayoko ngang sumama sa inyo, ano bang masama sa pagiging mag-isa?" Sabi ko sa kanya kaya bahagya siyang natigilan. Walang namang problema kung mag-isa ka. Minsan nararamdaman natin ang kapayapaan kapag mag-isa lang tayo dahil mas makakapag-isip at wala kang aalahanin na iba kundi ang sarili mo lang. Katulad ko, mas pipiliin na mag-isa dahil mas sanay ako do'n at maiingatan ko ang sarili ko sa mga taong ayaw sa 'kin. "Fine, if that's what you want. But,' Sabi niya at bumuntong-hininga. 'I'll be your friend, even if you don't want to." Nakangiti pang sabi niya.  Those words, I've felt sincerity. Kaya naman tiningnan ko ang mga mata niya at nalaman kong nagsasabi siya ng totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD