CHAPTER 10: GOOD GUY

1844 Words
Brentt's POV "Babe, Tara na?" Babe? na naman.* Siya lang ang napakakulit na babaeng nakilala ko. Hanggang ngayon hinahabol niya pa rin ako, simula nang dumating ako hindi niya na ako pinakawalan pa. "Sinabi ko na sa'yo 'wag mo akong tatawaging gan'yan hindi naman tayo." Wala siyang pakialam kahit na anong sabihin ko sa kanya.  Inirapan niya lang ako pero mahal ako niyan. "Masama bang mag assume? Do'n na nga lang ako nagiging masaya, eh.' Muli niya akong inirapan, she always love to do that when she's with me. 'Parehas lang kayo ni Hetera tinataboy ako." Napansin ko ngang ayaw ni Hetera makipagkaibigan sa kanya. Bakit kaya? I like Hetera.*  Napangiti naman ako nang muli siyang maalala. "Bakit ka ngumingiti diyan?' Tanong niya, 'Narinig mo lang pangalan ni Hetera napangiti ka na." Dagdag niyang sabi kaya hindi ko siya nasagot agad, napanguso naman siya na parang bata na hindi binigyan ng candy. "Stop imagining things, let's just go." Sabi ko na lang at sumakay na siya sa kotse. Katatapos lang namin mag breakfast sa labas, niyaya niya ako. Kaya naisipan kong isabay na lang siya papunta sa school. Kahit naman hindi ko siya gusto. I'm not that rude. Hinahayaan ko siyang gawin ang gusto niya basta alam niyang wala akong kasalanan kapag nasaktan ko siya dahil ginusto niya 'yon. After all, it's her life.  Mayamaya pa ay nasa school na kami. Nang makababa kami sa sasakyan, "Thank you nga pala, Brentt. Una na 'ko may gagawin pa ako." Sabi niya at tuluyan na akong tinalikuran.  Napabuntong-hininga na lamang ako nang makita ang reaksyon niya na para bang wala siya mood, "Sure." Nasabi ko na lang kahit malayo na siya sa 'kin. Habang naglalakad nahagip ng mga mata ko si Hetera mukhang patungo siya sa library dahil nakita ko 'yong sign board kung saan ang punta niya. Bakit gano'n?* Paakyat siya sa hagdan imbis na mag elevator na lang. Nilapitan ko na siya at kinalabit kaya napatingin siya sa 'kin. "Where are you going?' Tanong ko pero hindi niya ako pinansin, umkyat na ulit siya kaya sinundan ko na lang muna siya and this time wala na siyang kawala dahil hinawakan ko na ang kamay niya, 'Tinatanong lang kita, sa'n ka pupunta?" "Hindi ba halata na papunta ang daan ko sa library?" Mahinahong sabi niya pero malalaman mong wala siyang ganang makipag-usap sa'yo. "Bakit sa hagdan? P'wede naman na elevator para mabilis kang makapunta do'n kaysa naman sa hagdan mahihirapan ka lang nasa 5th floor pa 'yon."  I'm just being a good guy here. Mas mahihirapan ka kasi, gusto lang kitang tulungan. Kahit na gusto ko ring mapalapit sa'yo.* "It's none of your business." Sabi niya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang bitawan siya. Hetera's POV /I'm just being a good guy here. Mas mahihirapan ka kasi, gusto lang kitang tulungan. Kahit na gusto ko ring mapalapit sa'yo./ Nabasa ko ng tuluyan ang nasa isipan niya. Isang contact lens lang ang ginamit ko ngayong araw kaya nakakapagbasa ulit ako ng kanilang isipan. Hindi ko naman inaasahan na makakausap ko si Brentt.  Mukha namang mabait ka pero pasensya na, Brentt.* Mas pinili ko na lang na hindi magsalita, kaibigan siya ni Wilson. Mas mabuti na lumayo na lang din ako sa kanya. Nang mabitawan niya na ang kamay ko nagpatuloy na ako sa pag-akyat. Magbabasa muna ako at mag research about the knowledge of Science. Kahit na may nalalaman na ako, gusto kong maging handa sa Science Quiz Bee kung tutuusin kaya kong hindi mag-aral dahil isang tingin ko lang sa kanilang mga mata maaari ko ng makita ang sagot pero hindi ko gawaing mandaya kaya mas mabuting paghirapan ko 'to. Pumasok na ako sa loob at nakita ko kaagad ang librarian. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. /New student? Sino kaya 'to?/ Nakasuot na nga ako ng academic uniform mukha pa rin akong new student. Sabagay, ngayon niya lang naman ako nakita. "Good morning, po. I'm Hetera kukuha lang po ako information about Science." Sabi ko naman sa kanya, nagpakilala na ako. "Okay, 'wag kang magtatagal dahil may flag ceremony pa. Alam mo ba ang class number ng Science?" /Class 500 - Science/ Hindi ko na kailangan, alam ko na.* Hindi ko maipagkakaila na maganda rin ang naidulot ng kakayahan na ipinagkaloob sa 'kin dahil nalalaman ko kaagad. Hindi na ako nahihirapan pa kapag may kailangan akong malaman o itanong, nasasagot na nila. Isang tingin ko lang sa kanilang mga mata, may kasagutan na. "No need na, po. Thank you." Nakangiting sabi ko at nagtungo na sa bookshelves. Mayamaya pa ay nakita ko na ang librong hinahanap ko. Umupo na ako sa isa sa mga upuan at nagsimula ng magbasa. Abala ako sa aking binabasa nang maramdaman ang taong tumabi sa akin. Itinuon ko lang ang atensyon ko sa 'king binabasa pagkatapos nagsulat din ako, sinulat ko ang mga important terms sa notebook na dala ko. "Ate? Patulong naman po, oh." Napatingin naman ako sa kanya, ako nga ang kausap niya. "Ano ba 'yon?" She's from 1st year high school ayon sa kanyang suot na uniform. May color coding kasi ang academic uniform sa bawat students depende kung sa'n ka kabilang. From freshie's to senior. Sa 1st year color green, second year color blue, third year color red at kaming 4th year color black. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata,  /Sa math po, ang hirap po kasi. Nagbigay kaagad ng homework kahapon si sir hindi ko naman masagutan./ Sabi ng isipan niya na gano'n din ang lumabas sa bibig niya. /Please ate, help me./ "Ah, sige. Patingin muna." Sabi ko at ibinigay niya na sa 'kin ang notebook niya. About polynomials lang naman kaya madali lang 'to. Sinagutan ko na at tinuro ko na rin sa kanya para hindi na siya mahirapan pa. "Thank you, ate! Salamat po talaga!" Nakangiting sabi niya. Tumango naman ako sa kanya at umalis na siya para puntahan ang mga kaibigan niyang nag-aabang sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang ako nang may pumalakpak galing sa likod ko, "Akalain mo nga naman makikita-kita dito." Wilson.* Hindi ko siya pinansin, nagbasa na lang ako. Masyado pang maaga para sa flag ceremony. Maaga kasi akong hinatid ni kuya dahil may pupuntahan din siyang importante kaya sumabay na ako sa kanya. "Pinansin mo 'yon tapos ako hindi? Baka nakakalimutan mo ako ang apo ng may-ari ng school na 'to." Sabi niya at umupo naman sa harapan ko.  Pinapagitnaan kami ng table at kitang kita ko ang mga mata niya. /Baka gusto mong mapatalsik ka dito?/ Ano bang ginawa kong masama at ginaganyan mo ako?* Hindi ko pa rin siya pinansin. As far as I know, wala akong ginawang masama sa kanya kaya malabong mapapatalsik niya ako dito. "Huy! Hetera! Takot ka bang matalo kita kaya ka nag-aaral diyan?" Patuloy siya sa pagpapansin. "Talk to me!" Talk to my hand na lang, psh* "Bingi! Bingi!"  Tiningnan ko na siya ng masama, "Nasa library ka, wala ka sa palengke." /Aba! Kinakalaban mo ako, ha! Wilson, 'wag kang gan'yan! Magbait-baitan ka muna!/ Kinakausap mo sarili mo? Ayan, ang baliw.* "Ah, ano kasi. Sorry na Hetera p'wede ba maging friends tayo?" Nakangiting sabi niya. Sa tingin mo magpapaloko ako sa'yo?* /Pumayag ka na, bulag! Bingi!/  Sabi pa ng isipan niya. Hindi lahat ng tao kung ngumiti sa'yo ay mabait na. Hindi rin lahat ng tao na tumutulong sa'yo ay mabait na, who knows? Baka, kaya ka lang niya tinutulungan dahil may kailangan din siya sa'yo. At hindi lahat ng tao na maganda ang pakikitungo sa'yo ay hindi ka na kayang saktan. Kung sa tingin mo mabait na ang tao sa'yo maaaring panlabas na anyo niya lang 'yon dahil hindi niyo pa nakikita ang tumatakbo sa kanilang isipan. Hindi mo alam binabastos ka na pala. Bihira ka na lang makakita at makaramdam ng mga taong tapat talaga sa'yo.  "Friends?" Tanong ko. Gusto ko ulit mabasa kung ano ang nasa isipan niya baka sakaling may malaman pa akong iba. /Friends mo, mukha mo! Ayoko nga!/ Sabi ng kanyang isipan. "Oo." Nakangiting sabi niya. "Ayaw mo, eh. Kaya ayoko." Ngumiti ako 'yong tipong maasar siya bago pa man siya makapagsalita ay iniwan ko na siya. 'Wag na 'wag kang nakikipag-eye contact sa akin, Wilson. Dahil, ultimong sinasabi ng isipan mo nalalaman ko.* Binalik ko na ang libro at nagpaalam na sa librarian. Lumabas na ako sa library at bumaba na. Pumunta na akong field para sa flag ceremony dahil tumunog na rin ang bell. Natigilan naman ako, Ang daming tao paano ba 'to.* Nahihirapan talaga ako kapag madaming tao dahil hindi ko naiiwasang mapatingin sa mga mata nila, sumasakit kasi talaga ang ulo ko. Paano na 'to.*  Brentt's POV Hinanap ko si Hetera dahil wala pa siya dito, nakapila na kasi kaming 4th year. Nakita ko siya kanina imposible na mawala 'yon.  Tumambad naman si Wilson na papalapit na sa amin habang ito'y tumatawa. "Baliw ka na, par!" Sabi naman ni Von. "Si Hetera tingnan niyo do'n. Nakatayo lang sa gilid parang bata. Naiiyak na nga yata, eh! Hindi alam kung anong gagawin, amp!" Sabi niya na ikinainis ko naman dahil sa inasal niya. "Bakit mo iniwan do'n? Paano kung mapagalitan ng mga disciplinary committee 'yon dahil wala pa siya sa pila. Hindi ka ba talaga nag-iisip, Wilson?" Hindi ko na napigilang sabihin. Kumunot naman ang noo niya, hindi niya siguro inaasahang magagalit ako sa kanya. "Ano?! Edi puntahan mo siya do'n! Tsk!" "Pare, easy ka lang." Sabi naman ni Von pero hindi ko siya pinansin, hinanap ko na si Hetera. Nang makita ko siya ay nilapitan ko na si Hetera kahit na ang daming tao ang nakahadlang sa dadaanan ko napansin ko rin ang mga mata niya na parang maluluha na pero isang mata niya lang. "Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya kaya naman hinawakan ko na ang palapulsuhan niya para hindi na siya makalayo pa at nagpunta na kami sa pila ng mga 4th year. Kumpleto na kami, siya na lang kasi ang kulang kanina. Muli ko siyang sinulyapan na pinunasan na ang mata niya. Nasa tabi ko siya lumayo ako kanila Wilson pero nakikita ko siya na matalim ang tingin sa 'kin. Wala kang pake, Wilson.* "Salamat." Mahinang sabi niya na narinig ko naman. "You're welcome." Nakangiting sabi ko sa kanya pero umiwas na siya ng tingin. Nahihiya? Aww, so cute.* Nang matapos ang flag ceremony. Sinamahan ko siya hanggang sa classroom at hindi kami nakaligtas sa mapanukso nilang mga mata pero wala akong pake at gano'n din si Hetera dahil nakatungo lamang ito.  "Okay na ako. P'wede mo na akong iwan." Sabi niya. "O-okay, sure." Nauna na akong pumasok sa room at nang makaupo na ako sa upuan, pumasok na siya. "Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong ni Wilson. "Look, Wilson. If you think it's funny to leave her behind like that you're wrong." Seryosong sabi ko naman sa kanya. "Sinumbong niya ako kay lola kaya gumaganti lang ako." Mga rason niya na hindi tatalab sa 'kin.  "It's not her fault. Ang lola mo ay madaming nalalaman kaya it's possible na malaman niya kung ano ang pinaggagawa mo, Wilson. You should be thankful ngayon lang kumilos ang lola mo." Sumingit na rin si Reya. Thank you, Reya.* "Kasalanan ni Hetera 'yon. Ikaw ba? Magiging masaya ka ba na maglinis ng cr ng boys, sige nga?" Sumabat na rin si Von. Mag best friend nga talaga kayo.* "Kasalanan niyo kaya nangyari sa inyo 'yan.' Sabi ko naman, 'Pinsan mo 'yon Von tapos gan'yan ka?" Dagdag ko pa. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang pakikitungo ni Von kay Hetera. Matagal ko ng napapansin na palaging lumalayo si Hetera kay Von habang si Von naman magulo ang ugali. "Bahala kayo diyan. Kapag nakita niyo ang totoong anyo ni Hetera baka pagsisisihan niyo ang magagandang sinasabi niyo tungkol kay Hetera." Nakangising sabi ni Von. "Bakit--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pumasok na sa room si sir.  Anyo? Totoong anyo? Ano 'yon?* Mas lalo tuloy akong napapaisip kung anong klaseng tao si Hetera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD