MARISOL Humigpit ang yakap niya, tumulo ang luha ko. Ngayon ko napagtanto kung gaano ako nangulila sa kaniya. Napapikit ang mga mata ko at dinama ang init ng yakap niya. His warmth embrace brings back thounsand of memories. Pamilyar na pamilyar sa akin ang tagpong ito, pati ang binibigay nitong kawalhatian sa dibdib at puso ko. Ganitong ganito kami noon sa penthouse niya, ang pagkakaiba lang, walang sandali na magkatabi kami sa kama noon nang hindi naka hubad. Hinayaan ko siyang yakapin ako. Hanggang kusang hilahin ng karimlan ang diwa ko. Napahimbing yata ang tulog ko. Mukhang nasobrahan pa nga. Pagkagising ko kasi, wala na siya sa tabi ko. Unan na lang na lukot sa ibabaw ang naiwan na katabi ko. Kinuha ko iyon at wala sa sariling niyakap at inamoy. Napatingin ako sa crib

