MARISOL "Talaga lang ha? So, mamaya sa kaniya talaga matutulog si Baby Pogi?" 'yan na ang nakasanayan niyang tawag sa anak ko. Napabuntong hininga ako, at saka pilit ang ngiti. "oo. At wala akong magawa, kaysa mag-away kami. Alam mong hindi ako sanay na napapawalay sa anak ko, kahit pa sabihin mong nandyan lang naman sa tapat ang mansyon niya, siguradong iiyak ang anak ko at hahanapin ako mamayang gabi." "Ano ka ba, Sol. Hayaan mo siya para alam niya ang hirap sa pag-aalaga ng bata. Naku, huwag niya lang akong makatok-katok kapag hindi niya napatigil sa kakaiyak si Baby Pogi!" ang nakabusangot na ani Jessica. Sa kanyang Tito Sandro ito ngayon tumutuloy para malapit daw sa akin, inalok ko naman itong dito na lang sa amin tumuloy kung gusto lang naman niya pero ang sabi ba naman ng l

