MARISOL "Anong nangyari?" agad kong salubong kay Joy na panay ang punas ng luha sa mga mata. Mugto na nga iyon. Pulang pula rin ang ilong niya. "Nag-away na naman si Daddy at Mommy." Humikbi siya. "Sol, gusto ni Mommy na sa Amerika na kami tumira." Humagolgol na siya. Natigilan rin ako saglit, awang ang labi ko siyang tiningnan. Yumakap siya sa akin, hindi ako nakakilos. "Ayaw ko, Sol. Ayaw kong umalis. Ayaw kong magkalayo tayo." Medyo estirikal na tangis niya. Kahit ako man. Ayaw ko rin. "S-sigurado ka ba diyan, Joy? Tahan na, baka simpling away lang iyon ng mommy at daddy mo... Lilipas din 'yon. Hindi naman basta basta papayag si Tito Sandro na umalis ng bansa lalo na't karamihan ng negosyo niyo ay narito sa Pilipinas." Ang pagtatahan ko sa kaniya. Though, nakaramdam ak