MARISOL Naka-online na si Joy sa sss! Agad ko siyang tinawagan. Malawak ang ngiti ko. Dalawang araw lang kaming puro text lang dahil kailangan kong mag-review para sa exam. Siya rin naman ay busy din daw. Natapos ang exam ko today at sa tingin koy maganda naman ang naging resulta. Napanguso ako nang limang ring na ay 'di pa niya sinasagot. Baka busy pa. E-off ko na sana saka naman biglang na niyang sinagot. Na-freeze ang ngiti ko nang ang bumungad sa akin ay mukha ni Tito Sandro. Nakangiti siya. Maaliwalas naman ang mukha niya. "Hi, Miss beautiful. Wala si Joy, lumabas lang saglit kasama ng pinsan niya. Kumusta na, parang kailan lang kinakarga pa kita, ngayon dalagang dalaga ka na, ah." Nag-init ang mukha ko. Si Tito talaga, bigla tuloy akong nahiya. Nakabihis si Tito San