MARISOL Nang mahimasmasan, saka pa lang nag sink in sa akin kung gaano nakakahiya 'yong nangyari sa pagitan namin ni Tito Sandro. Nakaramdam ako ng inis pero hindi ko mawari kung para sa kaniya ba or para sa sarili ko. Wala akong ginawa, at hinayaan ko lang siya. Nung sandaling iyon puwede naman akong kumawag at kastiguhin siya. Pero para akong nahipnotismo, hinayaan ko lang siya. Baka isipin niya na gusto ko rin kasi ang ginawa niya- Damn it. Pinilig ko ang aking ulo, bakit nagawa sa akin iyon ni Tito? Lasing na ba siya? May tama na ba siya sa isang in can ng beer na nainom niya? Nami-miss niya si Tita Amira at napagkamalan ako? Naiinis ako. "Sol, sandali." Hinawakan niya ako sa braso, wala akong lakas ng loob na tingnan siya sa mga mata kaya nag iwas ako. "I-I'm s-sor

