MARISOL Iniwasan ko muna ang magawi ng madalas sa kabilang mansyon. Dalawang Linggo na ang nakakaraan mula nung magbakasyon kami from Tagaytay. Kahit anong gawin ko, hindi na ako naging komportable sa presensya ni Tito Sandro. Being encountered with Tito Sandro always gives me an awkward feeling. Hindi ko na siya matingnan sa mga mata niya. Kapag nariyan siya, laging tumarahip ang dibdib ko, lagi akong natataranta. Ilang beses din siyang sumubok na lumapit pero nauuwi lang kami sa nakakahiya at hindi komportable na sitwasyon. Hindi ako makapagsalita ng maayos at naiilang talaga ako sa kaniya. After that, nag iiwas na rin siya ng tingin sa akin. Pero ilang beses ko na siyang nahuling nakatitig sa akin, from a far. Si Joy naman, hindi pa rin nagbago. Panay pa rin ang punta sa

