MARISOL ILANG araw din na naging laman ng bulungan ang nangyari sa kabilang mansyon. Baka raw 'di pa talaga nagawang makapag move-on ni Tito. Baka mahal pa niya daw si Tita Amira, at mahirap para ditong bumitaw ngayon na napawalang bisa na nga ang kasal nito. Mayroon naman kumukuntra dun, si Nana Bebang. Basta daw ang nakikita niya, naka-move on na raw si Tito Sandro. Pero alin man sa dalawa, na-realised kong siguro it's about time na mag reach out na ako sa kaniya. Hindi ko naman kasi sure, kung sinadya niya 'yong nangyari or nagkamali lang talaga siya. Humingi naman siya nun ng sorry, baka nga may naging epekto na ang alak at biglang nangulila sa asawa. Pinilig ko ang ulo para wagwagin ang pagkontra ng munting tinig sa isip ko. Pero ano man ang naging dahilan kung bakit nag

