AMERA JOY Bumaha agad ang emosyon sa dibdib ko pagkapasok pa lamang ng sasakyan na kinalululan namin sa subdivision kung saan kami nakatira. All my memories here suddenly flooded inside my head. Hindi ko napigilan ang hikbi ko, I'm really home... Hinaplos ni Daddy ang likod ko nang makita ang pagtangis ko. Samantalang ramdam ko pa rin ang titig sa akin ni Tito Eduardo. Siguro, kung hindi lamamg naalangan itoy kanina pa niya ako inalo. "I'm so sorry, Dad. Hindi ko lang po talaga mapigilan..." Ang sambit ko sa pagitan pa rin ng tangis ko. "Akala ko po, hindi na ako muling makakatapak pa rito," ang napaka emosyonal kong sabi. Tipid ang ngiti niyang nakaka-unawa sa akin. "I know Joy, and I understand that... It's normal. You're finally home, my princess. Welcome home..." Medyo

