AMERA JOY Ganun pa rin ang ayos ng kuwarto ko, napansin kong alaga pa rin iyon sa linis tulad ng dati. Parang bagong palit ang sapin ng kama. Pati ang sapin ng comforted ay bago rin. Ang amoy ay tulad nung paborito kong pabango, parang sinadya nila Jes at Sol na ganito ang madatnan ko. Narinig ko ang paglapat ng pinto, tiningna ko siya. Nakatitig rin siya sa akin. Nakaramdam ako ng nerbyos nang kami na lang ang nasa silid. Napansin ko ang kapit ng anak ko sa daddy niya habang nakasunod din ang tingin sa akin. Kita ko ang pagtataka sa inosente niyang mukha. Marahil, nagtataka ito kung bakit kasama nila akong mag-ama at kung bakit naroon kami sa silid na iyon. "She is your mom, and this is her room, dito muna tayo matutulog. Lagi mo na rin siyang makakasama from now on. May m

