MARLYN "CONGRATULATIONS MRS. DE CASTRO,YOU HAVE A QUADRUPLETS!" Masayang bati sa akin ni Doktora. Sa pagka bigla ko hindi ako kaagad nakagalaw sa hospital bed. Kung hindi ako hinawakan ni Doktora sa aking kamay hindi ako nakabalik sa tamang pag-iisip. Sa sobrang saya ko tumulo kaagad ang aking mga luha at mahigpit na yumakap kay Doktora. Hindi ko akalain na ganito ang blessing na matanggap ko kahit may problema ako'ng hinaharap. Birthday ng triplets bukas at ito may apat na babies na parating sa buhay namin. Sana lang talaga bumalik na ang alaala ni Rafael. Para lubusan kaming masaya. "Maraming maraming salamat Dok. Hindi ako makapaniwala na apat ang magiging anak namin ni Rafael." Humihikbi pa rin ako sa sobrang saya. Hinaplos ni Doktora ang aking likod at hinayaan muna ako na mayakap

