THIRD PERSON Dalawa buwan simula ng magising si Rafael at tuluyan na siya nakalabas ng ospital. Si Marlyn pa rin ang umasikaso sa kanya. Pero parang ibang Rafael ang kasama ni Marlyn. Malamig at walang buhay kung makatingin kay Marlyn. Hindi din ito nagsasalita. Ngunit inintindi lamang ni Marlyn. Ayaw niyang pilitin si Rafael sa alalahanin sila. Kahit Minsan nasasaktan si Marlyn dahil simula ng nagising si Rafael hindi niya manlang binanggit ang triplets. Hindi niya manlang tinanong o kinamusta. Tulad ngayon kahit hawak sa triplets hindi niya magawa. Kahit tinatawag siya ng Daddy ng triplets malamig niya lang itong tiningnan.Hindi din sila magkatabi ni Marlyn sa pagtulog. Ayaw niya maniwala na mag-asawa sila kahit pinakita ni Marlyn ang mga pictures nila n'ong kinasal sila at may nakasa

