MARLYN
Ang bilis lang nang araw at ang buwan. Isang buwan na ako dito sa Pilipinas. Isang buwan na rin ang relasyon namin ni Rafael. Alam na rin ni Khala at Analyn ang tungkol sa amin ni Rafael. Masaya ako na masaya sila para sa akin at kay Rafael. Ngunit minsan naisip ko, kung tama ba nag naging desisyon ko dahil sa isang buwan namin ni Rafael. Hindi ko pa narinig mula sa kanya ang salitang I love you. Palagi niyang sinasabi na "I like you Marlyn" pero iba talaga kapag sinabihan ka ng I love you. Nakikita at ramdam ko naman sa mga kini-kilos niya. Saka MOO ang tawagan naming dalawa. Dito din siya gabi-gabi natutulog sa aking unit ngunit nasa kabilang silid siya. Nagpasalamat din ako sa kanya na kuntinto na siya sa yakap at halik lamang. Hindi pa rin kasi ako talaga ready gawin ang isang bagay na ginagawa lamang ng mag-asawa. Ngayon ang one monthsarry namin kaya balak ko siyang i-surprise. Maaga siyang umalis kanina dahil may meeting siya sa kanyang mga investors. Sinabi niya sa akin na maaga raw siya uuwi dahil mag dinner date kami. Pagka-gising ko kanina may isang malaking bouquet na bulaklak at malaking teddy bear sa aking higaan. Napaka sweet talaga ni Rafael. Nag bake ako ng cake at gumawa ng paborito niyang beef kebab. Nakangiti ako habang inaayos sa paper bag ang aking niluto. Alas onse na nang umaga kaya tamang-tama lamang ito kapag dumating ako sa kanyang kompanya.
Hindi ko sinabi na pupuntahan ko siya para ma surprised siya sa aking gagawin. Kilala rin naman ako ng security guard at iba niyang mga employee dahil tatlong beses niya na akong dinala sa kanyang kompanya. Nang maayos ko na ang lahat sa paper bag. Pumasok muna ako sa aking silid upang magbihis. Nagsuot lamang ako ng simpleng dress at nag apply din ng kunting make-up at lipstick. Nang makuntinto na ako sa aking ayos. Nag-spray ako ng kunting pabango. Pagkatapos lumabas na ako sa aking silid. Bit-bit ang paper bag lumabas na ako sa aking unit upang tumungo sa kompanya ni Rafael. Sakto pagpasok ko sa elevator nag message ang taxi na bi-nook ko kanina habang nag bibihis ako. Kaya paglabas ko ng elevator dumiretso na ako sa taxi na naghihintay na sa akin. Alam niya kung saan ako pupunta kaya pagpasok ko kaagad niyang pinaandar ang kanyang taxi. Sampong minuto nasa harapan na ako ng building ni Rafael. Pagka bayad ko kay manong driver hindi ko na kinuha ang sukli. Nagpasalamat ako saka dumiretso na papasok sa kompanya ni Rafael. Binati ko si Manong guard at sinabi na huwag nang tawagan si Rafael na nandito ako. Habang papalapit ako sa elevator bigla akong kinabahan na hindi ko alam. Biglang nanlamig ang aking mga palad. Ngunit hindi ko nalang pinansin. Pagpasok ko sa elevator mabuti at isa lang ako sa loob kaya malakas akong bumuntong hininga upang pakawalan ang kanina ko pang kaba na naramdaman. Ilang beses pa akong nagpakawala ng malakas na hininga bago kumalma ang aking pakiraramdam. Pagbukas ng elevator kaagad akong lumabas at dumiretso sa opisina ni Rafael. Wala ang kanyang secretary kaya nagpasya na akong lumapit sa pintuan ng opisina ni Rafael. Nang makalapit na ako bukas at medyo nakaawang ang pinto. Nakita ko na may kasama siyang isang lalaki na katulad niya nakasuot ito ng pang opisina. Kakatok na sana ako nang marinig ko na nagsalita si Rafael.
"I don't know bro! But I think I'm still in love with Khala. I'm happy with Marlyn but I can't stop thinking Khala. Siya ang first love ko at ang hirap talaga siyang kalimutan. Maybe I like Marlyn but not the way that I love Khala. Naguguluhan ako bro. I'm happy to be with Marlyn but my heart still inlove with Khala." Wika ni Rafael na rinig na rinig ko. Parang bombang sumabog sa aking puso ang lahat na sinabi ni Rafael. Gusto kong sugurin si Rafael at sampalin. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Naisip ko na hindi ako iiyak sa kanyang harapan upang mag maka-awa ng kanyang pagmamahal. Umiyak ako ng umiyak na walang boses na lumabas sa aking bibig. Mabuti nalang walang taong dumaan sa hallway. Kaya pala hindi niya magawa na banggitin ang magic word na hinihintay ko dahil hindi niya talaga ako mahal. Kahit na durog na durog ang puso ko. Inayos ko ang aking sarili saka iniwan sa mesa ng kanyang secretary ang ginawa ko para sa kanya. Patuloy pa rin sa pag-uusap si Rafael at ang kasama niyang lalaki. Ngunit hindi ko na maintindihan pa dahil walang pumasok sa utak ko. Kundi ang isipin na ginawa lamang lala ako ni Rafael na panakip butas. Mabuti Hindi nila napansin na may tao sa labas. Maingat ang bawat kilos ko na hindi makagawa ng ingay. Pagpasok ko sa elevator bumuhos ulit ang aking mga luha. Mabuti nalang nasa loob ng aking bag ang aking shade kaya kahit papano na takpan ang aking mata. Nang makalabas ako sa elevator mabilis ang mga hakbang ko palabas ng building ni Rafael. Binati at tinanong pa ako ni Manong guard ngunit hindi ko na siya sinagot. Mabuti nalang may bumaba na pasahero sa taxi kaya kaagad akong nakasakay. Habang nasa loob ako ng taxi hindi ko maiwasan na tumulo ulit ang aking mga luha. Ang sakit isipin na katulad din pala si Rafael ni Daddy. Pagdating ko sa aking unit. Sinabi ko kay Manong driver na hintayin muna ako sandali dahil may kukunin lang akong mga gamit at magpahatid sa airport. Sinabi ko na doble ang ibigay kong bayad kaya pumayag naman kaagad si Manong driver. Mabilis ang bawat kilos ko upang ayusin ang lahat ng aking mga gamit. Ang plano kong dalawang buwan dito sa Pilipinas ay hindi ko na itutuloy. Ngayon din babalik ako sa Switzerland. Nang maayos ko na ang lahat. Lumabas na ako ng unit bit-bit ko ang dalawang luggage bag ko palabas ng building. Pagkakita sa akin ni Manong driver lumapit naman siya sa akin upang tulungan ako sa aking luggage upang mailagay sa likuran ng kanyang taxi. Pagkatapos kaagad na siyang bumyahe papunta ng airport. Habang nasa byahe kami panay pa rin ang tulo ng aking mga luha. Ang sakit lang, na unang beses akong nagmahal ganito pa ang aking sinapit. Nagpadala ako kanyang ka sweetan na pinakita sa akin. Parang sinaksak ng kutsilyo ng pinong-pino ang aking puso sa sakit. 20 minutes nakarating na rin kami sa airport. Kaagad akong pumasok at bumili ng ticket. Mabuti nalang may nakuha pa ako kahit VIP. Binili ko pa rin upang makaalis na sa Pilipinas. Huling sulyap ko sa labas at tuluyan na akong pumasok upang mag check-in.
"I hate you! Rafael. Ginawa mo akong tanga." Sambit ko habang papasok ako sa loob ng eroplano.