THIRD PERSON
Isang linggo na sa Pilipinas si Marlyn. Palagi silang magkasama ni Rafael mamasyal. Sinabi din ni Rafael na baka isipin ni Marlyn na ginawa lamang siyang panakip butas ni Rafael dahil sa nagpaubaya si Rafael kay Kennedy para kay Khala. Sinabi ni Rafael kay Marlyn na maluwag sa loob ni Rafael na magpa ubaya dahil hindi naman ka tindi Ang naramdaman ni Rafael para kay Khala. Sa isang linggo na pagsasama ni Rafael at Marlyn. Mabilis na nahulog ang loob ni Marlyn kay Rafael. Ganun din ang naramdaman ni Rafael para sa dalaga. Ngunit hindi naman nagmamadali si Rafael. Gusto niya munang kilalanin pa ng mabuti Marlyn. Napansin kasi ni Rafael na parang mailap si Marlyn sa mga tao lalo sa mga lalaki. Nahiya naman na magtanong si Rafael. Hintayin niya nalang na mag kwento sa kanya si Marlyn. Ang naisip ni Rafael ngayon ay sulitin ang pagsasama nila bilang magkaibigan ni Marlyn bago si Marlyn bumalik ng Switzerland. Ngayon narito sila sa isla nang Siargao. Enjoy silang dalawa sa mga activities dahil parehas pala silang mahilig mag sky diving at surfing. Pagkatapos nila mag surfing. Niyaya muna ni Rafael na kumain ng lunch si Marlyn bago bumalik ng suit. Magkatabi lang sila ng kwarto. Masaya silang nag-uusap sa mesa habang hinihintay ang kanilang order. Nang may lumapit sa kanila na dalawang lalaki at gusto na makipag kilala kay Marlyn. Nagpantig ang panga ni Rafael dahil sa klasi nang pagtitig nila kay Marlyn. Naka one piece swimsuit si Marlyn ngunit may cover up naman ito. Naiilang din si Marlyn sa lalaki kaya sinabi ni Rafael na hindi nakikipag kamay si Marlyn. Nagpakilala nang maayos si Marlyn sa kanila kahit na pakiramdam ni Marlyn hindi sila mabuting tao. Hindi binigay ni Marlyn ang kanyang totoong pangalan.
"My girlfriend don't want to touch any hand except me. At hindi ko rin gusto na may humawak sa girlfriend ko." Matigas na wika ni Rafael. Nagulat naman si Marlyn kung bakit 'yun ang sinabi ni Rafael. Ngunit nagpasalamat nalang siya dahil kaagad na umalis ang dalawang lalaki. Sobrang kinabahan si Marlyn dahil ang akala niya may gulo na mangyari. Hindi kasi talaga sanay si Marlyn sa gulo. Nanginginig ang kamay ni Marlyn kaya lumapit si Rafael at niyakap ang dalaga. Sa halip na kumain sila binuhat ni Rafael papunta sa suit ni Marlyn. Sinabi lang ni Rafael sa waiter na home service nalang ang kanilang pagkain. Pagdating nila sa loob ng silid ni Marlyn Hindi pa rin mawawala ang panginginig ng dalaga. Kaya pinahiga ni Rafael si Marlyn at niyakap hanggang sa nakatulog si Marlyn. Nang mahimbing na ang pagtulog ni Marlyn. Maingat na bumangon si Rafael at tumawag sa isang Kilala niya sa Isla ng Siargao upang hulihin ang dalawang lalaki na nang haras Kay Marlyn. Pagka tapos ng tawag sakto nag door bell ang waiter upang mag ibigay ang order ni Rafael. Nagpasalamat si Rafael at nilapag muna ang pagkain sa mesa . Hintayin niya si Marlyn na magising para sabay silang kumain. Ayaw ni Rafael iwan si Marlyn kaya humiga si Rafael sa couch dito sa loob ng silid ni Marlyn.
Nagising si Marlyn nang alas tres nang hapon. Medyo gumaan na ang kanyang pakiramdam. Nakita niya si Rafael na nakatulog din sa couch. Pinag masdan niya ito ng mabuti. Napangiti si Marlyn dahil habang tumatagal mas lalong nahulog ang kanyang loob Kay Rafael. Gwapo na nga, mabait at maalaga pa. Lalo na ma respito. Napaka gentle man. Hindi Muna ginising ni Marlyn si Rafael dahil gusto niya pang titigan ang gwapong mukha ni Rafael.
Nagising si Rafael dahil pakiramdam niya may nakatingin sa kanya. Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Kaagad niyang tiningnan ang oras sa kanyang cellphone. Napabangon siya kaagad dahil alas tres na pala ng hapon. Pagka bangon niya nagtama ang kanilang mata ni Marlyn. Nagulat si Marlyn dahil habang nakatulala siya Kay Rafael nagising na pala ito. Biglang nakaramdam ng hiya si Marlyn at pakiramdam niya nag kulay kamatis ang kanyang mukha. Hindi niya alam ang kanyang gagawin dahil hiyang-hiya siya ng makita siya ni Rafael na nakatulala sa kanya. Lihim naman na napangiti si Rafael sa kinilos ni Marlyn. Ang cute niya talaga. Sa isip-isip ni Rafael.
"Buti gising ka na? Kamusta ang pakiramdam mo, Marlyn? Okay ka na ba? Nagugutom ka na ba? May pagkain na dito." Saad ni Rafael para mawala ang awkward sa pagitan nilang dalawa. Nag-iwas nasi ng tingin si Marlyn at yumuko.
"Ahm! Thank you, Rafael. Okay na ako. Sorry kung muntik ka nang mapa-away kanina." Nahihiya na wika ni Marlyn. Kaya lumapit si Rafael kay Marlyn. Umupo siya sa gilid ng kama at kinuha ang kamay ni Marlyn.
"Don't say, sorry. Hanggat kasama mo ako, po-protektahan kita. Kaya let's go, kanina pa malamig ang pagkain. Saka late na, Hindi pa tayo na kain ng lunch." Tumango si Marlyn at nagpasalamat ulit kay Rafael. Nilahad ni Rafael ang kanyang kamay upang hawakan ni Marlyn para makabangon siya sa kama. Ngunit nang akmang babangon na si Marlyn na out of balance siya kaya napabalik siya sa higaan. Nahawakan na ni Marlyn ang kamay ni Rafael kaya natangay si Rafael at hindi sinasadya na nakahiga si Rafael sa ibabaw ni Marlyn at naglapat ang kanilang mga labi. Nanlaki ang mga mata ni Marlyn dahil first time niyang mahalikan sa labi. N'ong una nagulat si Rafael ngunit ng maramdaman niya na ang lambot ng labi ni Marlyn sa halip na umalis siya. Hinawakan niya ang pisnge ni Marlyn at siniil ng halik ito sa labi. Sobrang kaba na naramdaman ni Marlyn ngunit kalaunan ay pumikit na lamang ito at hinayaan na halikan siya ni Rafael. Sarap na sarap si Rafael sa matamis na labi ni Marlyn. First time niya rin makahalik sa labi. Dahil n'ong Sila ko Khala hanggang noo lang ang halik ni Rafael. Napangiti si Rafael dahil hindi alam ni Marlyn kung paano humalik kaya masaya siya na siya din ang unang nakatikim at nakabalik sa malambot at matamis na labi ni Marlyn. Ilang segundo pa ninamnam ni Rafael ang labi ni Marlyn hanggang sa tumigil ito. Pinagdikit niya ang kanilang noo ni Marlyn. Dahan-dahan naman na minulat ni Marlyn ang kanyang mata. Parang maduduling siya dahil ang lapit-lapit nila ni Rafael. Nahihiya din siya na baka isipin ni Rafael na mabilis siyang magbigay. Hinaplos ni Rafael ang maamo at inosenti ni Marlyn.
"I'm sorry kung nakadagan ako sa'yo. Pero Hindi ako mag so-sorry dahil hinalikan kita. I like you, Marlyn. Kahit bago pa lang tayo nagkakilala at nagkasama. Kakaiba ka sa mga babaeng nakilala ko. Sana huwag kang magalit. I really like you, Marlyn." Sensiro na wika ni Rafael. Dahil gusto naman ni Marlyn si Rafael napag isip-isip niya na pagbigyan niya din ang kanyang sarili. Bahala na Kong mag work dahil nga malapit na siyang babalik ng Switzerland. Susulitin niya ang mga natirang araw niya dito sa Pilipinas. Ngumiti din siya kay Rafael at nagsalita.
"I- I like you too, Rafael." Nau-utal at nahihiya na wika ni Marlyn. Dahil sa sinabi ni Marlyn. Napangiti ulit si Rafael at hinalikan muli ang labi ni Marlyn. Hinayaan ni Marlyn na halikan lamang siya ni Rafael. Tumigil lang sila nang kinapos na sila ng kanilang mga hininga. Matamis na ngumiti si Rafael habang haplos-haplos niya ang pisnge ni Marlyn.
"Tayo na? Mag girlfriend, boyfriend na tayo?" Nakangiti na tanong ni Rafael kay Marlyn. Ngumiti din si Marlyn at tumango. Dahil sa saya na naramdaman ni Rafael kaagad niyang binuhat si Marlyn at pina ikot-ikot. Masaya din ang puso ni Marlyn dahil Sila na ni Rafael.
"Thank you! Thank you! MOO." Nangunot ang noo ni Marlyn kung bakit tinawag siya ni Rafael na MOO. Napansin ni Rafael na kumunot ang noo ni Marlyn kaya sinabi niya kung bakit MOO ang tawag niya dito.
"MOO, MY ONE AND ONLY." Malambing na saad ni Rafael. Kaya lihim na kinilig si Marlyn. May alam din pala siya sa mga sweet endearment. Sa isip-isip ni Marlyn. Mga ilang segundo pa sila na magkayakap sa kama bago tuluyan bumangon para kumain ng kanilang late lunch. Masaya silang dalawa na kumain habang nag susubuan. Hanggang sa naubos nila ang kanilang pagkain dahil pareho silang ginutom. Pagkatapos nilang kumain bumalik sila sa kama at nagpahinga. Sinabi ni Rafael na mamayang gabi nalang sila mamasyal para mag night market. Halikan at yakapan ang kanilang ginawa sa kwarto hanggang sa sumapit ang gabi. Sinulit nila ang kanilang oras na masaya sa kanilang bakasyon.