THIRD PERSON
"Best alam mo kanina pa kita napapansin. Simula pumasok ka sa simbahan hanggang ngayon nakatingin ka pa rin kay Rafael. Na love at first sight ka ba sa kanya?" Deritsahang tanong ni Analyn kay Marlyn. Napansin kasi ni Analyn na walang kurap na nakatitig si Rafael kay Marlyn ganun din si Marlyn kay Rafael. Ngayon ang araw ng kasal ni Kennedy at Khala. Nagulat nalang ang lahat na sa halip na si Rafael at Khala ang ikakasal. Si Khala pala at Kennedy. Puno ng luha ang mga mata ng mga tao sa loob ng simbahan sa revelation kung bakit si Khala at Kennedy ang ikakasal. Kahit naluluha sila masaya sila sa kasal ni Kennedy at Khala.
Natampal naman ni Marlyn ang balikat ni Analyn. Sa pagka bigla sa tanong ni Analyn sa kanya. Kanina kasi pagpasok ni Marlyn naagaw kaagad ang atensyon niya kay Rafael. Lumakas din ang pagtibok ng puso ni Marlyn. Naguguluhan si Marlyn dahil maliban sa may-ari ng jacket. Nang makita niya si Rafael bumilis kaagad ang pagtibok ng kanyang puso. Parang pamilyar din ang mukha ni Rafael sa kanya.
"Bruha, ka! best. Love at first sight kaagad? Parang pamilyar siya kasi sa akin best. Parang nakita ko na siya dati. Pero hindi ko matandaan kung saan." Paliwanag ni Marlyn kay Analyn. Kaya tumango nalang si Analyn. Matapos ang kasal ni Khala. Bumati ang lahat na bisita at pumunta na sa venue. Si Analyn at Marlyn naman lumapit kay Khala at bumati din. Sila nalang ang naiwan dahil nauna na ang lahat sa venue. Nang makalapit si Analyn at Marlyn kay Khala at Kennedy na katabi pa rin si Rafael. Nakatayo naman sa si Shawn malapit lang kay Analyn. Biglang napasinghap si Marlyn nang tumabi sa kanya ang lalaki. Kaya wala sarili na umalis siya at bumalik sa upuan. Nagulat naman si Analyn at Khala kung bakit umalis si Marlyn.
Pagkakita kanina ni Rafael kay Marlyn na papasok sa simbahan. Nagulat si Rafael dahil parang pamilyar ang mukha ng babae. Walang kurap na nakatitig si Rafael kay Marlyn dahil biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Rafael. Hindi gaya ng pagtibok ng kanyang puso kay Khala. Parang may kakaibang nararamdaman siya sa babaeng pumasok sa simbahan. Kaya simula ng kasal ni Kennedy at Khala walang naintindihan si Rafael. Sapagkat ang tanging nasa isip niya ay ang babaeng maid of honor ni Khala. Nang lumapit si Analyn at Marlyn kay Khala. Nag lakas loob si Rafael na tumabi sa dalaga. Dahilan niya lang na yayain na si Kennedy at Khala na pupunta na sa venue. Ngunit umalis kaagad si Marlyn. Kaya naisip ni Rafael na kailangan niyang makausap ang dalaga. Lihim na nagtanong si Rafael ng pangalan ng dalaga. Na ngayon kasama na si Analyn at Shawn palabas ng simbahan. Si Rafael kasi ang driver ng mag-asawa papunta sa venue. Pagdating nila sa venue may kunting program para sa mag-asawa. Hanggang sa nag announce ang emcee na pumunta sa gitna ang mga dalaga sapagkat ihagis na ng bride ang bouquet ng bulaklak.
Napangisi si Rafael nang si Marlyn ang nakasalo ng bulaklak. Kaya nang sinabi ng emcee na Ang garter naman. Ay naglakad loob si Rafael na umakyat sa mini stage kung saan si Kennedy at Khala. Nakiusap siya Kay Kennedy na huwag ng ihagis ang garter kundi sa kanya nalang. Dahil sa sinabi ni Rafael kay Kennedy binigay nalang ni Kennedy ang garter kay Rafael. Labis naman ang saya ni Rafael habang papunta sa pwesto ni Marlyn. Paglapit ni Rafael kay Marlyn. Kumabog naman kaagad ang puso ni Marlyn. Hindi niya maintindihan kung bakit siya kinakabahan nang makalapit na si Rafael sa kanya. Lumuhod si Rafael sa harapan ni Marlyn.
"It's you? Hi how are you?" Tanong ni Rafael kay Marlyn. Dahil naalala na ni Rafael kung sino ang kaharap niya ngayon walang iba kundi ang babae na nakita niya sa bar. Hindi akalain ni Rafael na ang matagal niya na pa lang iniisip na babae at kaibigan ni Khala. Sa isip-isip ni Rafael. Kaya pala kahit sila ni Khala at alam ni Rafael na may mahal si Khala na iba. Hindi nasasaktan si Rafael dahil siguro hindi talaga mahal ni Rafael si Khala. Nangunot ang noo ni Marlyn sa tanong ni Rafael kaya nagpakilala si Rafael sa kanya.
"I'm Rafael De Castro. You don't remember me? Ako ang Nakita mo nuon sa bar sa Switzerland." Pakilala ni Rafael kay Marlyn. Bigla naman namilog ang mata ni Marlyn. Ngayon naalala niya na. Kaya Pala pamilyar ang mukha ni Rafael sa kanya at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso dahil ang may-ari ng jacket at si Rafael ay iisa.
"Ikaw? Kaya pala parang pamilyar ka sa akin. I'm Marlyn Sabaan." Nakangiti na pakilala ni Marlyn. Nagkamayan sila saka inumpisahan na ni Rafael ang pag suot ng garter sa paa ni Marlyn.
"Itaas pa! Itaas!" Sigaw ng mga bisita ng sinuot na ni Rafael ang garter sa paa ni Marlyn. Nasa itaas na ito ng kanyang tuhod. Ngunit sumigaw pa rin ang mga bisita na itaas pa. Nakapasok na nga ang ulo si Rafael sa suot ni Marlyn. Napalunok naman si Marlyn ng maramdaman niya ang mainit na hininga ni Rafael sa kanyang paa. Medyo tumagal pa si Rafael sa loob ng gown ni Marlyn. Mabuti nalang naka cycling shorts si Marlyn hanggang tuhod. Nang matapos isuot ni Rafael ang garter kay Marlyn. Niyaya ni Rafael si Marlyn na sumayaw sa gitna kasama ang bagong kasal. Hindi na tumutol pa si Marlyn. Humawak naman siya sa kamay ni Rafael na nakalahad sa kanyang harapan. Maya-maya lumapit din si Shawn kay Analyn upang yayain na sumayaw. Kahit nagtampo kanina si Shawn kay Analyn. Gusto pa rin isayaw ni Shawn si Analyn. Kaagad naman na sumama si Analyn. Kaya magkatabi na silang magkaibigan na sumasayaw sa gitna. Maya-Maya sumali na rin ang ibang mga bisita. Hanggang sa nagpaalam si Kennedy at Khala na mauna na sa kanila kaya pinag bigyan na nila ang bagong kasal. Masaya ang kasal ni Kennedy at Khala.
Pagkatapos ng party kanya-kanya na rin uwi ang mga bisita. Nag-usap kanina si Analyn at Marlyn na mag bonding sila. Ngunit dahil honey moon ni Khala at Kennedy Hindi Muna nila tinuloy dahil parang kailangan din mag usap ni Shawn at Analyn. Naisip din ni Rafael sa kausapin si Marlyn. Kaya si Marlyn at Rafael ay magkasama na pumunta sa condo unit ni Marlyn. Si Shawn at Analyn naman magkasama bumalik sa hotel kung saan sila nag stay.
"Kailan ka dito sa Pilipinas?" Tanong ni Rafael kay Marlyn habang nasa byahe sila. Pagpasok kanina nila sa loob ng sasakyan parang naging awkward sila sa isa't-isa dahil hindi nila alam na dalawa ang sasabihin. Kaya sa huli binasag ni Rafael ang katahimikan sa kanilang dalawa ni Marlyn. Tumikhim naman si Marlyn bago sinagot si Rafael.
"Ahm! 2 months ako dito. Pagkatapos balik na sa Switzerland." Sagot naman ni Marlyn.
"Kamusta ka n'ong may nangyari sa loob ng bar? Nakita ko na may yumakap sa'yo na dalawang babae. Kaya umalis nalang ako. Kung alam ko lang na kaibigan ka pala ni Khala sana matagal na tayong nagka kilala." Pagkuwan na wika ulit ni Rafael.
"Salamat pala sa tulong mo nuon. Sorry na kahit pasalamat manlang hindi ko nagawa. Nagulat at kinabahan kasi ako. Dahil first time kong bar nuon. Kaka graduate ko lang kasi nuon at niyaya ako ng mga pinsan ko. Kaya sobrang kaba ko n'ong may nabangga ako at nataponan ng inumin. Salamat ulit." Wika ni Marlyn. Biglang gumaan ang loob ni Marlyn kay Rafael. Ganun din si Rafael kay Marlyn. Kaya nagkwentuhan silang dalawa hanggang sa makarating sila sa tapat ng building. Lumabas si Rafael at umikot sa kabila upang pagbuksan si Marlyn. Lihim na napangiti si Marlyn sapagkat gentle man pala si Rafael. Paglabas ni Marlyn niyaya muna ni Marlyn si Rafael kung gusto niya munang pumasok para mag kape. Sumunod naman si Rafael kay Marlyn papasok sa condo ni Marlyn.
"Ano ang gusto mo, juice o soft drinks?" Tanong ni Marlyn kay Rafael nang makapasok na sila sa loob ng condo. Niyaya din ni Marlyn na umupo muna si Rafael. Sinabi ni Rafael na kahit ano lang dahil busog pa naman siya. Kaya juice nalang ang binigay ni Marlyn. Nagkwentuhan pa sila ng ilang mga minuto hanggang sa nagpaalam na si Rafael na uuwi na. Nagpasalamat naman si Marlyn sa paghatid sa kanya ni Rafael. Bago lumabas si Rafael. Tinanong niya muna si Marlyn kung gusto raw niyang mamasyal bukas dahil sasamahan siya ni Rafael. Umuo naman si Marlyn dahil ayaw niyang disturbuhin ang bagong kasal. Ngumiti sila sa isa't-isa bago tuluyan na umalis si Rafael sa unit ni Marlyn.