MARLYN
Mabilis lumipas ang panahon. Apat na taon na ako bilang CEO nang aming kompanya. Naging maayos naman ang trabaho ko. Maraming nag tangka na manligaw sa akin may ibang lahi. Mayruon din na Pinoy pero lahat sila inayawan ko. Parang hindi ko nakikita ang aking sarili na magka boyfriend. Tutok ako sa pagiging CEO nang kompanya. Ayaw kong mapahiya si Lolo at Mommy. Wala na rin akong balita kay Daddy. 'Yun din ang huli niyang message sa akin n'ong pagkatapos ko ng graduation. So far naging masaya naman kami ni Mommy kasama si Lolo at mga relatives ko dito sa Switzerland. Minsan naiisip ko pa rin ang m-ari ng jacket. Tinatabi ko nga kapag ako ay matulog. Napangiti nalang ako minsan na kapag iniisip ko ang may-ari nang jacket pakiramdam ko buo na ang araw ko. Habang abala ako sa pag check ng mga documents. Tumunog ang aking phone. Pagtingin ko si Khala ang caller.
"Best kamusta, I miss you." Wika niya sa malambing na boses n'ong sinagot ko ang kanyang tawag. Napangiti nalang ako kahit Hindi niya naman makita.
"Best, kamusta? I miss you too. Kamusta ang malapit nang ikasal? Excited ka na ba best? Sigurado ka na ba talaga? Paano si Kennedy?"
Naawa kami nuon ni Analyn sa kanya dahil sa pag-iwan ni Kennedy sa kanya na walang paalam. Kaya mas mailap ako sa mga lalaki dahil sa ginawa ni Daddy kay Mommy. Tapos si Kennedy naman na iniwan nalang bigla si Khala na walang kahit anong salita. Narinig ko na bumuntong hininga siya sa kabilang linya.
"Ayaw kong saktan si Rafael best. Siya lang ang hindi ako iniwan. Baka kapag kinasal at nagsama na kami matutunan ko din siyang mahalin." Malungkot na wika ni Khala. Hindi ko pa nakita ang hitsura ni Kennedy at Rafael. Simula pag graduate ko at nag umpisa akong magtrabaho iniwasan ko ang social media. Ayaw ko na kasing may malaman tungkol kay Daddy dahil nabalitaan ko na nagpakasal na talaga sila ni Lucy. Kahit matagal nang hiwalay si Mommy at Daddy n'ong nalaman ni Mommy na kinasal muli si Daddy nakita ko siya, isang beses na umiiyak habang sinasambit ang pangalan ni Daddy. Kaya tanging regular call lang kami ni Analyn at Khala. Para hindi na ako makuntak ni Daddy sa social media.
"Alam mo naman na nandito lang kami ni Analyn. Pero best baka mas lalo ka lang masaktan kapag pinilit mo ang sarili mo na kalimutan si Kennedy at magpakasal sa lalaking hindi mo mahal. Pero kahit ano pa ang magiging desisyon mo nandito lang kami best." Ani ko sa kanya.
"Maraming salamat best. Basta uwi ka huh? Ikaw pa naman ang maid of honor ko. Hintayin kita dito best." Aniya sa masayang boses.
"Yes, best! Darating ako. Na-miss ko na kayo sobra ni Analyn kaya two months ako magbakasyon d'yan." Wika ko. Narinig kong malakas siya tumili.
"I'm so excited best. Kapag malaman ni Analyn na dalawang buwan ka dito, tiyak magtitili din 'yun sa saya. Pero ang lokang 'yun. Masyadong pinapahirapan si Shawn. Tapos iiyak naman sa atin, dahil nasasaktan din." Wika ni Khala na nakangiti. Parang nakalimutan niya ang kanyang problema. Nagtagal pa nang isang oras ang aming pag-uusap nang nagpaalam na sa akin si Khala na nariyan na raw ang kanyang sundo which is si Rafael. Kapag binabanggit ang pangalan na Rafael bigla nalang lumalakas ang pagtibok ng aking puso. Hindi ko alam pero kapag napag-usapan namin si Rafael iba ang pakiramdam ko. Parang Nakita o nakilala ko na siya nuon. Pero impossible dahil lahat na kilala ni Khala nakita ko na.. Maliban Kay Rafael at Kennedy. Pinilig ko ang aking ulo at tinuloy ang aking trabaho
Tinatapos ko lahat na trabaho ko para si Ate Maribel muna ang pansamantala na uupo bilang CEO nang dalawang buwan. Sulitin ko ang bakasyun sa Pilipinas. Pagsapit nang alas singko inayos ko na ang aking mga gamit para umuwi. Parang nakaramdam ako nang pagod at antok kaya gusto ko munang magpahinga.
"Mommy, Lo! Good afternoon po!" Bati ko sa kanilang dalawa nang naabutan ko sila sa living room na nanunuod nang tv. Pagkatapos kong humalik kay Mommy at nag mano kay Lolo. Tumabi muna ako nang upo kay Mommy.
"How's work sweety? Baka sobra ka nang nagpa pagod. Baka nagpapagutom ka sa trabaho?" Malambing na tanong ni Mommy sabay haplos sa aking ulo dahil sumandal ako sa kanyang balikat.
"Doing good Mommy. Gusto ko lang pag butihin ang trabaho. Saka hindi ako nagpapagutom Mommy. On time ang secretary ko magbigay nang food." Sagot ko kay Mommy. Tumingin naman si Lolo at ngumiti sa akin.
"Good job apo. So are you excited to going back to the Philippines?" Tanong ni Lolo. Alam na rin nila kasi na magbakasyon ako nang dalawang buwan sa Pilipinas. Niyaya ko nga si Mommy pero ayaw. Kaya hindi ko na siya pinilit pa. Kahit hindi niya kasi sabihin alam kong si Daddy ang dahilan kung ayaw niya na'ng bumalik nang Pilipinas.
"Yes, Lolo. Salamat po!" Marami pa'ng tanong si Mommy at Lolo sa akin. Hanggang sa nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta sa aking silid. Pagpasok ko sa aking kwarto kaagad akong humiga sa kama. Pakiramdam ko talaga sobrang pagod at antok ko. Pagka higa ko kaagad akong nakatulog.
"Sweety!" Nagising ako sa mabining haplos sa aking mukha. Pagmulat nang aking mata si Mommy na nakangiti.
"Sweety! Lets eat dinner first. Then you can go back to sleep again." Malambing na saad ni Mommy. Napangiti ako at yumakap ako sa kanyang kamay na humahaplos sa akin mukha.
"Thank you, Mommy. I love you, so much!" Malambing kong saad sa kanya. Kaya malawak siyang napangiti.
"Ang sweet talaga nang sweety ko! Kaya love na love ni Mommy. Dalaga ka na anak. Ang bilis lang nang panahon. Dati baby ka pa. Ngayon naghihintay na Ako na ikaw naman ang magka baby. Wala ka pa rin bang ipakilala sa amin anak? Kailan ka magka boyfriend?" Napanguso na lamang ako sa tanong ni Mommy. Sa halip na sagutin ko siya. Bumangon na ako at sinabi na magbihis lanh muna ako. Pagka niyaya ko na siyang kumain. Kaya hindi na siya nagtanong pa. Magkasunod kami ni Mommy palabas ng aking kwarto at tumungo na sa kusina. Pagdating namin naghihintay na si Lolo at ang iba pa naming kasama. Pagkatapos mag dasal ni Mommy. Nag-umpisa na rin kaming kumain. Masaya kaming nag-uusap habang kumain. Hanggang sa nakatapos na kami sa pagkain. Nag stay muna kami sa sala nang ilang minuto, hanggang sa nauna nang nagpaalam si Lolo na matulog.
"Couz, are you ready to go back in the Philippines?" Tanong ni Ate Maribel sa akin. Kaya tumango ako sa kanya.
"Well, enjoy! you're vacation couz. Don't worry about our company. I will manage it, while you are in vacation. Just enjoy and don't think anything." Nakangiti na wika ni Ate Maribel.
"Thank you, so much, Ate! You're the best!" Papuri ko sa kanya. Nagyakapan kami pagkatapos nanuod muna kami ng tv hanggang sa pagsapit nang alas dies nang gabi. At nagpasya na kaming matulog.
"Good night, Ate!" Saad ko nang nasa tapat na ako ng pinto nang aking kwarto. Nasa dulo pa kasi ang sa kanya. May bahay naman sila, ngunit paminsan-minsan dito niya gustong matulog.
"Good night, couz!" Sabi niya run sa akin. Pagpasok ko sa loob. Dumiretso na ako sa banyo upang maligo. Mabilis ko lang tinapos ang pagligo para makatulog na ako ulit.
"Good morning ma'am! Coffee ma'am?" Magalang na wika nang aking secretary pag dating ko sa aking opisina. Last day ko ngayon kaya maaga akong pumasok upang tapusin ang dapat tapusin. Para hindi na mahirapan si Ate Maribel.
"Thank you, Lisley!" Nakangiti kong pasalamat sa aking secretary. Nakasunod siya habang papasok ako sa loob nang aking opisina. Kaagad siyang nagtungo sa pantry upang magtimpla nang kape. Ganito ang nagustuhan ko sa aking secretary. Masipag at malinis ang loob nang aking opisina. Mas maaga pa siyang dumating kaysa office hours. Kaya palagi ko siyang binibigyan nang bunos. Paglapag niya nag kape sa aking harapan kaagad naman siyang nagpaalam na babalik na sa labas. Nagpasalamat ulit Ako sa kanya bago ako uminum nang kape. Nang maubos kong inumin nag-umpisa na akong magtrabaho.