CHAPTER FOURTEEN

1429 Words
THIRD PERSON AFTER FOUR YEARS Ang bilis ng panahon at taon. Apat na taon simula nang nagkakilala sina Rafael at Marlyn at na durog ang puso ni Marlyn. Nang nalaman at narinig niya mismo kay Rafael na hindi talaga siya mahal. Heto na naman kung kailan niya unti-unting natutunan na kalimutan si Rafael. Tumawag si Analyn na kailangan niyang pumunta sa kasal nito. Hindi naman siya pwedi hindi pumunta dahil kaibigan niya si Analyn at nangako silang tatlo ka kung sino ang ikakasal kailangan walang mawawala sa kanila. Ang masaklap siya naman ang ginawang bridesmaid ni Analyn kaya wala na siyang magagawa kundi ang pumunta ng Pilipinas. Upang umatend ng kasal ni Analyn at Shawn. Grabi din ang pinagdaan ng dalawa bago magkatuluyan. Biglang naisip ni Marlyn na sana kung mahal nga talaga siya ni Rafael baka ngayon mag-asawa na sila. Pero puro sana nalang si Marlyn. "Best, huh! Asahan ko na darating ka. Ipapatulfo talaga kita kapag hindi ka dumating." Napabalik lang sa tamang pag-iisip si Marlyn ng magsalita ulit si Analyn. Kaya tumikhim siya at nagsalita. "Ahm! Yes, best. Darating ako, saka miss ko na rin kayo ni Khala. Asahan mo ako sa kasal mo." Sagot ni Marlyn sa kanya kaya napatili ng malakas si Analyn. Parang nabingi pa si Marlyn sa sobrang lakas ng boses ni Analyn. Nagkwentuhan pa muna sila ng isang oras bago sila nagpaalam sa isa't-isa. Pagkatapos nilang mag-usap. Bumaba na si Marlyn upang mag-almusal. Gusto niya rin magpaalam sa kanyang Lolo at Mommy. Pagdating ni Marlyn sa kanilang dining area nakaupo na ang kanyang Lolo Gray at Mommy Amelia. Lumapit si Marlyn saka bumati at hinalikan ang kanyang Lolo at Mommy. Binati rin siya pabalik ng kanyang Mommy at Lolo. Pagkatapos niyaya na siya ng kanyang Lolo na umupo para makapag simula na sila ng almusal. Pagkatapos nilang mag pray at mag pasalamat sa harap ng pagkain. Nag-umpisa na rin silang tatlong kumain. "Marlyn, apo. May gusto sana kaming sabihin ng Mommy mo. Sana hindi ka magalit o magtampo." Napa tigil sa pagsubo si Marlyn sa sinabi ng kanyang Lolo. Nagtaka siya na parang napaka seryuso ng gustong sabihin ng kanyang Lolo. Kaya uminum muna siya ng tubig at tinanong ang kanyang Lolo kung ano ang sasabihin sa kanya. "Apo, napansin kasi namin ng Mommy mo na sa edad mo na 30 years old. Hindi manlang kami naka balita na nagkaruon ka ng boyfriend. Kahit isa wala ka manlang pinakilala sa amin ng Mommy mo. Kaya naisipan ko na ipakasal ka sa anak ng business partner ko." Wika ng kanyang Lolo. Nakatingin lang ang kanyang Mommy sa kanya. Naisip ni Marlyn na pagbigyan ang kanyang Lolo dahil matanda na rin ito. Kahit hindi niya kilala o nakita ang gustong ipakasal sa kanya ng kanyang Lolo. Kailangan niyang pumayag sa gusto ng kanyang Lolo. Pwedi niya naman niyang kausapin ang lalaki na kasal lang sila sa papel. At malaya ang lalaki kahit anong gusto niya gawin kahit mang babae pa ito. Dahil para kay Marlyn hindi na siya muling iibig pa. Pakiramdam niya kasi apat na taon na rin namatay ang kanyang puso . Tumingin siya sa kanyang Lolo at Mommy na nakangiti. "Sure, Lolo! Kung 'yun ang gusto mo. Basta masaya ka lang, gagawin ko." Nakangiti na wika ni Marlyn sa harapan ng kanyang Lolo at Mommy. Nanlaki naman ang mata ni Mr. Gray dahil hindi niya akalain na papayag ng ganun ganun nalang ang kanyang apo. Dahil ang totoo hindi naman talaga totoo na ipapakasal niya ni Marlyn sa anak ng kanyang business partner. Kailangan lang nila magkunwari na ipakasal ito dahil ang akala nila hindi papayag si Marlyn. Ang akala ni Mr. Gray sasabihin ni Marlyn na may boyfriend na siya o may lalaki na siyang nagustuhan. Pero nagkamali siya, dahil pumayag kaagad ang kanyang apo. "Pero, Mommy, Lolo. Pwedi ba pagbalik ko nalang galing ng Pilipinas? Kailangan ko kasing umatend ng kasal ni Analyn at Shawn. Isang linggo lang ako duon. Pagbalik ko kahit magpakasal kami kaagad ng lalaki na gusto niyo. Kahit hindi ko siya kilala o nakita okay lang. Hindi mo naman yata ako Lolo ipapahamak. Kaya may tiwala ako sa'yo Lo." Magalang na wika ni Marlyn. Kaya nagkatinginan na lamang si Mrs. Amelia at Mr. Gray. Dahil palpak ang kanilang plano. Napilitan nalang na ngumiti si Mr. Gray para hindi mahalata ni Marlyn na hindi naman talaga siya ikakasal. Hindi naman kasi talaga nakikialam si Mr. Gray at Mrs. Amelia sa buhay pag ibig ni Marlyn. "Bueno apo, kung 'yun ang gusto mo. Hihintayin nalang namin ang pagbalik mo. Kausapin ko rin ang business partner ko na sa pagbalik mo ikakasal kayo kaagad ng anak niya. Maraming salamat apo." Palusot ni Mr. Gray. Para tuloy nagka problema pa siya dahil wala siyang ihaharap na lalaki kapag bumalik ang kanyang apo. Nagpatuloy sila sa kanilang pagkain hanggang sabay din silang tatlo makatapos. "Sweety, are you sure na okay lang sa'yo? Na ikakasal ka sa lalaking hindi mo kilala at nakita? Lalo pa na hindi mo mahal?" Malumanay na tanong ni Mrs. Amelia kay Marlyn n'ong nandito na sila sa gasebo habang umiinum ng tea si Mr. Gray. Dito sila dumiretso pagkatapos nilang mag-almusal. Tinuloy nila ang kanilang pag-uusap tungkol sa kanyang pagpunta sa Pilipinas. Kaya tinanong ni Mrs. Amelia ang kanyang anak kung okay lang ba talaga sa kanya ang magpakasal sa lalaki na hindi niya pa nakita. "Sure, Mommy. Hindi naman siguro si Lolo mag desisyon kung hindi niya kilala ang lalaki." Nakangiti na saad ni Marlyn habang nakatingin sa kanyang Lolo. Kaya kiming ngumiti ang kanyang Lolo sabay inum ng tea. Niyakap naman ni Mrs. Amelia ang kanyang anak. Dahil naawa siya sa kanyang anak. Dahil hanggang ngayon hindi alam ni Marlyn na may alam ito tungkol sa kanila ni Rafael. Hindi na pina alam pa ni Mrs. Amelia na nagkita at nagkakilala na sila ni Rafael. Hintayin nalang ni Mrs. Amelia na ang tadhana na ang gumawa ng paraan upang nagtagpo ang landas nina Rafael at Marlyn. Katulad nga ng sinabi nuon ni Mrs. Amelia kay Rafael na boto ito para sa kanyang anak. "I'm so proud of you, sweety. Always remember, Sweety even if you have, you're own family. Always remember that I'm always here for you. You're still my baby. I love you sweety." Naluluha na wika ni Mrs. Amelia. Mahigpit din na yumakap si Marlyn sa kanyang Mommy. Lihim din na nagpasalamat si Mr. Gray na lumaki na mabait na bata si Marlyn. Kahit lumaki ito na hindi kasama ang kanyang Daddy. Kaya nga sinabi niya kanina ang tungkol sa kasal dahil ang akala niya may boyfriend na ang kanyang apo. Ngunit wala pala. Lately kasi lagi niyang nakikita ang kanyang apo na malayo ang iniisip at minsan umiiyak pa ito. Kaya akala niya talaga aamin na si Marlyn na may boyfriend ito. Ngunit ayaw pang ipakilala sa kanila. Pagkatapos maubos ni Mr. Gray ang kanyang tea nagpaalam na siya sa mag-ina dahil kailangan niya pang bumisita sa isa nilang branch ng kompanya. "Sweety mag enjoy ka sa pagpunta mo sa Pilipinas. Kung gusto mo, kahit tatlong buwan ka pa magbakasyon duon. Kung gusto mo pumunta ka sa Masbate, kay Marlyn. Sigurado mag enjoy ka duon. Maraming magandang lugar ang pwedi mong pasyalan duon." Nakangiti na saad ni Mrs. Amelia habang patuloy sa paghaplos sa buhok ni Marlyn. Kaya napaisip si Marlyn dahil probinsya ang Lugar ni Marlyn at gusto niya muna makapag relax. "Pwedi ba Mommy? Diba sinabi ko kay Lolo na isang linggo lang ako duon. Dahil pagbalik ko, magpakasal na ako sa lalaking gusto niya. Baka nakahihiya sa business partner ni Lolo kung maghintay sila ng tatlong buwan." Turan ni Marlyn sa kanyang Mommy. Dahil alam naman ni Mrs. Amelia na wala naman talaga. Ngumiti siya Kay Marlyn at hinawakan ang kamay nito. "Ako ang bahala kay Daddy, sweety. Basta mag enjoy ka muna sa bakasyon mo. Para na rin mapag isipan mo ng maayos kung itutuloy mo ba ang pagpakasal sa lalaki na hindi mo nakilala. Kaya don't worry about you're Lolo sweety ako ang bahala." Kaya napangiti si Marlyn at yumakap sa kanyang Mommy. "I love you, Mom. You're the best Mommy in the whole world." Masayang turan ni Marlyn sabay halik sa buong mukha ng kanyang Mommy. Sobrang saya ng puso ni Marlyn dahil mayruon siyang mapag mahal na Lolo at Mommy. "I love you too, sweety. You're also the best daughter in the whole world." Malambing na wika ni Mrs Amelia. Kaya tuloy Hindi nila mapigilan na tumulo ang kanilang mga luha sa saya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD