MARLYN
"Mag-ingat ka sweety! Enjoy sa bakasyon mo sa Pilipinas. Huwag mo munang isipin ang pinag-usapan niyo nang iyong Lolo. Basta kailangan mo'ng mag enjoy kapag nasa Pilipinas ka na. Tawagan mo ako kaagad kapag dumating ka sa Pilipinas. Send my congratulations to Analyn and Shawn." Wika ni Mommy habang nandito na ako sa Zurich airport. Alas otso ng umaga ang flight ko papunta ng Pilipinas. Kaya alas siete ng umaga nandito na kami para mag check in. Yumakap ako kay Mommy at humalik sa kanyang pisnge.
"Maraming salamat Mommy, promise tatawagan kita kaagad kapag dumating na ako sa Pilipinas saka mag-ingat po ako para sa inyo." Malambing na tugon ko kay Mommy . Nagyakapan muna ulit kami ni Mommy. Bago ako tuluyan pumasok sa loob ng airport upang pumunta na sa check in counter. Pagkatapos kong mag check in dumiretso na ako papunta sa costum para sa checking ng aking mga gamit at papelis. Pagkatapos ma check ang aking mga papelis at gamit. Umupo muna ako para maghintay ng boarding time. Habang nakaupo ako, hindi ko maiwasan na kabahan sapagkat sa apat na taon na hindi kami nagkita ni Rafael. Sa aking pagbalik ng Pilipinas sure na magkita ang aming landas. Dahil kaibigan din siya ni Analyn at Shawn. Hindi ko talaga mapigilan na lumakas ang pagtibok ng aking puso. Ang akala ko, kaya ko na siyang harapin muli. Pero puro lang pala ako akala. Dahil sa apat na taon na nagkalayo at nagka hiwalay kami. Hindi talaga nawala ang naramdaman ko para sa kanya. Pakiramdam ko na nga mas lalo ko pa siyang nagustuhan. Ngunit kailangan kong pigilan ang aking sarili dahil nakahihiya kay Lolo. Kung hindi ko tuparin ang pangako ko sa kanya, na magpakasal ako sa anak ng kanyang business partner. Ayaw ko bigyan ng sama ng loob si Lolo. Kaya kahit mahal ko pa rin si Rafael, hindi ko naman kayang saktan si Lolo Gray.
Pagsapit ng alas otso ng umaga nag announce na rin para sa oras ng boarding time. Kaya inayos ko na ang aking sarili at pumila para sa VIP pass. Si Mommy ang bumili ng aking ticket at pinili niyang bilhin ang VIP ticket para daw hindi ako mahirapan. Pagpasok ko sa eroplano. Pagkaupo ko sa aking upuan pumikit ako kaagad upang hintayin mag take off ang eroplano. Habang palapit kasi ang oras sa aking pagdating sa Pilipinas hindi ako mapakali. Kung hindi lang talaga magalit sa akin si Analyn, hindi na talaga ako babalik nang Pilipinas. Simula nang umalis si Rafael n'ong na ospital ako, wala na akong balita sa kanya. Saka hindi din nag kwento sa akin si Khala at Analyn. Kaya hindi ko alam kung may asawa na ba siya o girlfriend. Pinilig ko ang ulo para huwag siyang isipin. Iniisip ko nalang na maging professional sa harapan niya kung sakali na magkita ang aming landas. Total aalis naman ako kaagad pagkatapos ng kasal ni Analyn. Pupuntahan ko si Maribel sa kanilang lugar. Hindi ko na siya sinabihan dahil gusto ko siyang i-surprise. Binigyan din ako ni Tita Thalia ng address ng lugar nila sa Masbate. Ilang minuto lang na paghihintay namin ng mga pasahero nag announce na ang piloto na oras na ng pag take off ng eroplano. Nanatili akong nakapikit nang naramdaman ko nalang na gumalaw na ang eroplano, tanda na ready na para sa take off. Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe nakaramdam ako ng antok. Kaya naisipan ko munang matulog. Hanggang sa mag landing ang eroplano sa Pilipinas mahimbing pa rin ang aking pagtulog. Kung hindi ako ginising ng isang flight attendant hindi ko talaga namalayan na nasa Pilipinas na pala ako. Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili nagpasalamat ako sa flight attendant saka lumabas na sa eroplano. Dumiretso ako sa luggage area para kunin ang maliit kong maleta. Pagkatapos kong makuha binigay ko ulit sa check in counter para naman papunta sa Mindanao. Nang okay na, pumunta naman ako sa terminal 3 ng Ninoy International airport para naman sumakay ulit ng eroplano patungo'ng Mindanao.
Hindi ko pinaalam kay Khala at Analyn na ngayon ang dating ko. Hindi ko muna pinaalam sa kanila para hindi malaman ni Rafael. Hindi pa ako handa na makita siya muli. Nag book na rin ako ng hotel sa Mindanao para sa pansamantala kong matutuloyan. Malapit lang naman ito sa simbahan kung saan ikakasal si Analyn at Shawn. Pagdating ko sa terminal 3 naghanap muna ako ng restaurant. Nakaramdam na ako ng gutom dahil hindi ako kumain sa eroplano. Pagpasok ko sa isang fast food chain. Natakam ako kaagad sa baboy na adobo at daing na bangus kaya 'yun ang inorder ko. Pagkatapos kong kumain pumunta na ako sa harapan ng boarding area at umupo upang maghintay na naman ng boarding time. May kalahating oras pa kaming hintayin na mga pasahero para sa boarding time. Pagkatapos ng kalahating oras sa wakas nakapasok na ulit ako sa eroplano hanggang sa mag take off ito. After 45 minutes naka landing na rin kami sa Laguindingan airport. Paglabas ko ng eroplano dumiretso ulit ako sa luggage area para kunin ang aking maleta. Nang makuha ko na, nag-abang ako ng taxi papunta sa hotel. Alas kwatro pa lang nang hapon kaya naisipan ko na, kapag dumating ako sa hotel. Mag order na lamang ako ng dinner. Sa isang araw pa naman ang kasal ni Analyn kaya baka sa araw ng kasal pa si Khala pupunta. Gusto ko din muna magpa hinga kaya bukas isang araw akong magkukulong sa loob ng aking kwarto. Wala talaga akong gana mamasyal kaya mas gusto ko nalang manatili sa loob ng aking silid. Mabuti nalang may lumapit naman na taxi driver. Pagpasok ko sa loob ng taxi sinabi ko kaagad kay Manong driver kung saan niya ako ihahatid. Makalipas ang 25 minutes nakarating na rin kami sa hotel. Binigyan ko ng tip si Manong driver dahil mabait naman at tinulungan niya pa ako na dalhin ang luggage ko hanggang sa loob ng hotel. Kaagad naman akong inasikaso ng receptionist nang sinabi ko na nakapag book na ako nakaraang araw pa.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto dito sa hotel. Hindi na muna ako nagbihis dahil nakaramdam ako kaagad ng pagod. Kaya humiga ako kaagad sa kama. Dahil sa pagod ko, hindi ko namalayan nakatulog pala nang mahimbing hanggang Umaga. Hindi ko na nagawang kumain pa ng dinner. Kaya nang magising ako nakaramdam ako kaagad ng gutom. Bumangon ako kaagad sa kama upang maligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis. Nag search Ako kung saan pwedi makapag pa deliver ng pagkain. Nang may nakita kaagad akong tumawag upang magpa deliver. Kalahating oras lang ang aking paghihintay dumating naman kaagad ang aking order. Dahil sobra na talaga akong nagutom pagkuha ko sa delivery boy. Kaagad ko itong nilantakan. Pakiramdam ko isang taon akong hindi naka kain dahil sobra talaga akong nagutom. Pagkatapos kong kumain, nagpahinga ako saglit sa sala at tinawagan si Mommy. Hindi ko siya matawagan ka gabi. Kaya naisipan ko na ngayon ko na siya tawagan, baka nag-alala na si Mommy sa akin. Pagkatapos namin mag-usap, maya-maya lamang. May kumatok sa aking pintuan, kaya nagtaka ako dahil wala naman akong inaasahan na bisita. Pero bigla kong naisip na baka crew dito sa hotel at may kailangan. Kaya lumapit ako sa pinto upang buksan ang kumakatok. Pagbukas ko, bumungad sa akin ang isang malaking bouquet ng bulaklak at isa pa sa paborito kong bulaklak. Kumabog bigla ang aking dibdib kung bakit may delivery ng bulaklak dahil wala naman akong inorder.
"Ma'am good morning! Flower delivery for you ma'am." Magalang na wika ng delivery boy habang nakangiti. Kaya nangunot ang aking noo. Magtanong sana ako, nang magsalita siya ulit.
"Ma'am, pa welcome po namin sa lahat na nag check in dito sa hotel. Kaya dahil kahapon ka dumating at alanganin na sa oras. Iniisip nila na baka nagpapahinga ka na. Ngayon lang pina deliver ng management. Welcome to RafMar hotel ma'am. Enjoy you're stay here." Nakangiti na wika ulit ng delivery boy. Kaya kahit nagtaka ako. Tinanggap ko pa rin, at nagpasalamat ako sa delivery boy bago ko sinara ang pinto. Inamoy amoy ko ang yellow tulips habang pabalik sa sala.
"Bongga pala ang kanilang hotel. May pa welcome flower pa." Kausap ko sa aking sarili habang patuloy sa pag-amoy amoy ng bulaklak.