SAMANTHA POV Bored akong nakaupo ngayon dito sa sofa ng bahay ni Zyne habang yakap-yakap ang unan ko at nanonood ng TV. Saan ba kasi pumunta si Zyne? Gabing-gabi na kaya! Ganoon ba iyon ka-importante para umalis siya nang dis-oras? Badtrip kong pinindot ang channel button para ma-ilipat ang channel ng TV hanggang sa hindi ko namalayan na paulit-ulit na pala ang channel. Wala sa sariling napalingon ako sa may orasan na nakasabit sa may pader at nakita kong madaling araw na. Nasaan ka na ba kasi, Zyne!? ''Kaya mo yan, Sam. Kaunting oras pa," paggising ko sa aking diwa. "Kapag wala pa si Zyne pagkatapos ng ilang minuto, umakyat ka na sa kuwarto at matulog," pagsabi ko sa sarili ko at pilit na nilalabanan ang antok dulot ng pagod sa kasal. Kagaya nga ng sabi ko ay naghintay muli ako nang

